Alona TUTUK na tutok ang mata ko sa aking tinatahi. Madali ko lang pinapadaan ang tela sa karayom. Enjoy na enjoy ako sa pagtatahi. Hindi kasi nagja-jam ang makina kaya gustong gusto ko. Pang limang yari ko na ito ng ready to wear clothes. Pagkatapos nito ay ipopost ko ito sa social media ko. Ang suhestiyon nga ni Girlie ay dapat gumawa daw ako ng sariling page. Yun din naman ang naisip ko. Hindi pa lang ako nakakagawa dahil nakakalimutan ko minsan. Pero mamaya kapag hindi ko nakalimutan ay gagawa ako. Sinulyapan ko si Wayne na naglalaro sa carpet. Dito nya dinala ang mga laruan nya sa work room ko at dito naglaro. Kinalat na nga rin nya ang mga tela ko at ginawang playground. Kanina pa nga sya umuungot na maglaro kami sa labas. Ayaw naman nyang makipaglaro sa Yaya Doring nya. Ang pali

