Alona UMUGONG ang malakas na bulungan at ang protesta ni Claire. Naiiyak na yumakap naman ako ng mahigpit kay Wayne at Wallace. Dininig ng nasa itaas ang dasal ko. Anak ni Wallace si Wayne. "Ano ba? Bitiwan nyo ako! Hindi ako makapapayag! Anak ko rin si Wayne! May karapatan din ako sa kanya! Ako ang ina nya! Sa akin dapat sya!" Pagwawala ni Claire. "Ma'am kumalma na po kayo, kung hindi ay mapipilitan kaming gamitan kayo ng pwersa." Saway ng sheriff. "Babe, calm down." Pagpapakalma naman ni Morwin. "How can I calm down Morwin? Mas pinaburan nila si Wallace." Himutok ni Claire. Tumingin ako kay Claire. Halos pumutok ang ugat nya sa leeg sa galit. Nakaramdam naman ako ng simpatya sa kanya dahil anak din nya si Wayne. Pero hindi nya kayang alagaan si Wayne. Wala syang kapasidad. San

