Alona "BARBARA." Sambit na pangalan ni Wallace. "Omg! Ikaw nga!" Lumapit ang babae kay Wallace at humalik sa pisngi nya. Tila naman may kumurot sa puso ko. Parang gusto kong itulak ang babae. Well, maganda talaga ang babae. Morena at sexy. Halatang mayaman. May kahawig syang artista. "Kamusta ka na? You're still looking good huh kahit nagkakaedad na." Komento pa ng babae. "You too Barbara. Parang walang pinagbago sayo maganda ka pa rin." Nangingising sabi pa ni Wallace na ikinasimangot ko. Tumingin sya sa akin. Nawala ang ngisi nya ng makitang nakasimangot ako. Tumikhim sya at hinarap si Barbara. "Ano palang ginagawa mo dito Barbara? Long time no see." "May i-mi-meet lang akong client dyan sa chinese restaurant. Anyway ito na ba ang panganay mo? Ang laki na ah! Ang pogi pogi

