WARNING SPG! Wallace MALUTONG akong napamura ng malakas akong itulak ni Alona. Salubong ang kilay na tiningnan ko sya. Pinandlitan lang nya ako ng mata. "Si Wayne." "What?" "Mommy!" Narinig ko ang boses ni Wayne. Lumingon ako at muling napamura ng malutong ng makita ang anak na sumampa na sa kama. "Wallace ang bibig mo." Saway sa akin ni Alona. Inis na inis na bumangon ako. Pero di ko naman alam kung kanino ako maiinis. "O bakit Wayne? Miss mo na agad si Mommy Lona?" Malambing na tanong ni Alona kay Wayne. "Opo." Nilingon ko si Wayne na nakaupo na ngayon sa kandungan ni Alona. Nakapantulog na rin sya. Ang lapad ng ngiti nya. Tumingin pa sya sa akin sabay yakap kay Alona at sandig ng ulo sa dibdib. At ngumisi. Anak ng teteng! Parang nananadya yata tong anak ko. "Teka,

