Wallace TUMIIM bagang ako sa mga sinabi ni Claire. Parang puputok na ang ugat ko sa sentido sa galit. Mariin kong kinuyom ang kamao. Kanina ko pa gustong sumabog sa loob ng korte jung wala lang sa tabi ko si Alona na nagpapakalma lang sa akin. Lumipad ang nanlilisik kong mata kay Morwin Marasigan na malapad ang ngisi sa labi habang akbay si Claire. Humugot ako ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili. Hindi ako pwedeng magpadala sa galit. Hindi ko dapat ipakita sa kanila na apektado ako. Hinawakan ni Alona ang kamay ko at pinisil. Lumingon ako sa kanya. Bakas sa kanyang mukha ang pagaalala. Hindi rin nya nagustuhan ang tinakbo ng pagdinig kanina. Ngumiti ako sa kanya at pinagsalikop ang mga kamay namin. Sa mga ganitong panahon ay sya lang ang kailangan ko. Hinarap ko na a

