Chapter 4

2552 Words
Alona HUMIKAB ako at nag inat inat. Tiningnan ko ang oras sa wall clock. Alas tres na pala ng hapon. Sinilip ko naman si nanay na nakahiga sa sofa. Nakapikit sya at bahagya pang nakaawang ang labi. Nakatulugan na nya ang panonood ng paborito nyang drama sa hapon. Muli akong humikab. Inaantok ako pero hindi ako pwedeng matulog. Kailangan kong tapusin ang mga tahi ko para maideliver na at maging pera. Muli akong nag inat at tumayo. Kinuha ko ang coin purse. Bibili muna ako ng meryenda namin ni nanay sa labas. Hininaan ko muna ang tv bago lumabas ng bahay. Tumawid ako patungo sa tindahan ni Girlie. Bukod kasi sa sari sari store ay may tinda rin syang mga meryenda gaya ng turon, banana cue, camote cue at kung ano ano pa. Pero ang paborito namin ni nanay ay ang camote cue. Pero dahil mataas ang sugar nya ay bawal na sya noon. Pagdating ko sa harap ng tindahan ay may ilan ng bumibili. May mga bata at meron ding mga nanay na nagtsitsismisan pa. "Mate isang camote cue nga saka isang gulaman." Sabi ko. "Yun lang?" Tanong nya habang binabalot ang turon na binibili ng isang kapitbahay namin. Pinag iisipan ko pa kung ano ang bibilhin ko kay nanay. Bawal kasi sa kanya ang may asukal. "Ano kayang pwede kay nanay? Bawal kasi sya ng may asukal eh." Sambit ko. "Eh di piniritong saging na lang o kaya kamote. Teka ipagpiprito ko sya sa bagong mantika." "Yown! Da best ka talaga mate." "Sus, nambola ka pa." Nagsalang sya ng panibagong kawali at naglagay ng panibagong mantika. Nagbalat din sya ng dalawang pirasong saging na saba. Ako naman kumuha na ng isang stick ng camote cue at nilagay sa plastic labo. Sa bahay ko na ito kakainin para sabay na kami ni nanay. Kumuha ako ng plastic cup at nagsandok ng gulaman. Ininom ko ito. "Ano ba yan Girlie, kulang naman sa tamis to." Reklamo ko pero panay naman ang inom ko. "Tama lang ang tamis nyan. Masama ang sobrang tamis, nakakadiabetes." "Ah talaga ba, kaya pala puro may asukal tong tinda mo." Nakangising asar ko sa kanya. Ngumuso naman sya at kunwaring inirapan ako. "Dami mong reklamo uminom ka na lang dyan." Tinawanan ko na lang sya at inubos na ang gulaman. "Nga pala mate, may sasabihin pala ako sayo." Tumingin ako kay Girlie na nilagay na sa mainit na mantika ang binalatang saging at kamote na hiniwa. "Ano na naman? Chismis na naman yan." "Hindi! Iba to. Baka interesado ka." "Ano ba kasi yun?" "Kilala mo si Ka Andy di ba? Yung tiyuhin ni Mayang na nagtatrabaho sa mansion ng mga Andrada." Lalo akong na-curious ng banggitin nya ang apelidong Andrada. "O tapos?" "Naghahanap daw ng yaya ang papalabs Wallace po para sa anak nya. Malaki ang sweldo. Beinte mil isang buwan. Stay in at libre ang pagkain." "Beinte mil? Ang laki nun para sa yaya ah!" Bulalas ko. "Kaya nga eh. Eh inalok ako kanina. Kung wala nga lang akong tindahan papatusin ko na. Pero naisip kita. Ano? G ka? Beinte mil yun. Aalagaan mo ang junakis ng papalabs mo at bonus pa na madalas mo syang makikita." Pataas taas ang kilay na sabi ni Girlie. "Saan ako pwedeng mag apply?" Agad na sabi ko. Ngumisi naman si Girlie. "Sabi na eh. Kakagatin mo agad eh." Sinamaaan ko sya ng tingin. "Pinagtitripan mo lang yata ako eh." "Gaga hindi no! Totoo yung sinasabi ko. Ang bilis mong umoo ha. Basta talaga kay Papa Wallace wala kang papalampasin." Ngumuso ako at kunwaring inirapan sya. "Hindi lang sya ang habol ko no. Mas habol ko yung sweldo. Malaki na yung beinte mil mate, mag aalaga lang ako ng bata. Hindi ko na poproblemahin ang pambili ng gamot ni nanay buwan buwan pati na rin ang pagkain." "Oo mate, kaya nga sayo ko inalok dahil alam kong kailangan mo talaga ng pera at ang kinikita mo sa pagtatahi ay hindi naman sumasapat. So g ka na talaga ha. Sasabihin ko kay Ka Andy kapag dumaan. Sumaglit lang sya ng uwi eh. Babalik din sya ng mansion." "Oo mate, g na g ako. Sabihin mo sa kanya mamaya tapos tanungin mo rin kung ano ang mga kailangan para makapag apply." "Sige, sige. Pero stay in yun mate. Paano pala ang nanay mo?" Natigilan ako. "Oo nga pala." Bigla tuloy akong namroblema. "Ganito na lang, ako na lang ang bahalang tumingin tingin kay Aling Daisy kapag pinalad na natanggap ka." "Talaga Girlie?" "Oo, walang problema sa akin. Ikaw pa." "Salamat mate! Pero sasabihin ko muna kay nanay baka kasi hindi pumayag eh." "Sige mate. Pero sasabihin ko na rin kay Ka Andy na interesado ka." Tumango tango ako. Malaking tulong sa aming mag ina ang sahod na beinte mil. Hindi na ako mamomroblema kung saan kukuha ng pera pampa-check up at pambili ng gamot. Kaya interesado talaga ako mag apply bilang yaya ng anak ni Wallace. Bonus pa sya ang amo ko. O di ba? Ang laking swerte nun. Ng maluto na ang piniritong saging at kamote ay tinuhog na ito sa stick ni Girlie. Nagbayad naman ako at nagpaalam sa kaibigan na uuwi na. Sakto namang pag uwi ko ay gising na si nanay. Kumuha ako ng plato at doon ko nilagay ang meryenda namin at sabay na kaming kumain. Binanggit ko na kay nanay ang tungkol sa pag apply ko bilang yaya. "Sigurado ka ba dyan anak? Mahirap ang mag alaga ng bata na hindi mo ka-ano ano." "Sigurado po ako nay, saka kayang kaya ko po yun." May ideya naman ako sa pag aalaga ng mga bata. Sa dami ko ba namang pamangkin. "Kaninong anak ba ang aalagaan mo?" "Anak po ni Wallace Andrada nay." "Wallace Andrada? Yung anak ni Gov. Melchor?" "Opo nay, apo po nya ang aalagaan ko. At saka nay, beinte mil po ang sweldo sa isang buwan kaya gusto ko pong mag apply. Para po may pambili na tayo ng gamot nyo buwan buwan." Kiming ngumiti si nanay at bahagyang yumuko. "Para sa akin na naman kaya gagawin mo ito." Malungkot na sabi nya. Hinawakan ko naman ang kamay ni nanay. "Nay, mahal ko po kayo kaya ginagawa ko ito. Syempre gusto ko po kayong gumaling. At gagawin ko po ang lahat para matustusan ang mga gamot nyo. Sana po ay payagan nyo ko." Tumingin sa akin si nanay at hinawakan din ang kamay kong nakapatong sa kamay nya. "Sige na, pinapayagan na kita." Ngumiti na ako. "Salamat po nay." - PAG ABOT ko ng bayad sa driver ay agad na akong bumaba ng traysikel. Nasa loob na ako ng Hacienda Martina na pagmamay ari ng pamilya Andrada. Tumambad sa akin ang malaking gate at sa loob noon ay ang malaking bahay ni Wallace Andrada. Dalawa ang malaking bahay dito sa loob ng Hacienda Martina. Ang isa ay ang Martina Mansion kung saan nakatira ang dating gobernador at ang asawa nito. At ang isa naman ay itong bahay ni Wallace Andrada na parang mansion na rin sa laki. May mga ibang bahay din na nakatayo dito sa loob ng hacienda kung saan ang mga nakatira ay mga trabahador din ng hacienda. Tumuwid ako ng tayo at bumuntong hininga. Inayos ko sa pagkakasukbit sa balikat ang shoulder bag at mahigpit kong kipkip ang brown envelope na naglalaman ng mga requirements ko. Sinipat ko pa ng isang beses ang sarili. Polo shirt na puti ang suot ko na nakatuck-in sa skinny jeans. Sneakers naman na puti ang sapatos ko. Maayos na nakapusod pataas ang aking buhok at minipis na liptint lang sa labi ang kolorete ko sa mukha. Hindi naman kasi ako mahilig maglalagay ng kolorete sa mukha at nangangati din ako kapag naglalagay. Saka yaya ang a-apply-an ko kaya hindi na kailangan ng magarbong ayos. Ang importante lang ay presentable. Tumawid ako sa kalsada at naglakad palapit sa gate. May tatlong lalaki doon na mga naka dark blue polo at itim na pantalon. Sila yata ang mga bantay. "Ah mga kuya magandang umaga po." Bati ko sa tatlong lalaki na nasa loob ng gate. Alterto naman silang humarap sa akin. Tiningnan pa nga nila ako mula ulo hanggang paa. Ang isang bantay ay malapad pa ang ngiti. "Anong kailangan nila miss?" Tanong ng isang bantay na mukhang maangas. "Ah kay Ka Andy po. Dito nya po kasi ako pinapunta para po mag apply." Kimi akong ngumiti sa kanila. "Mag a-aaply ka miss? Anong a-apply-an mo? Secretary ba ni bossing?" Tanong ng isa pang bantay na may malisyosong ngiti. "Ay hindi po. Yaya po ang a-apply-an ko." "Yaya?" Sabay sabay pa na sambit ng tatlo na tila di makapaniwala. Muli pa nila akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Na-concsious naman ako bigla sa sarili. Bakit, may mali ba sa hitsura ko? "Sigurado ka ba miss? Yaya ang a-apply-an mo?" Naninigurado pang tanong ng bantay na mukha namang mabait. "Oo kuya, heto na nga mga requirements ko eh. Baka pwedeng pakitawag naman kay Ka Andy. Sya kasi ang backer ko eh." Pakiusap ko. "O sige ako na ang tatawag." "Salamat kuya." Umalis naman ang mabait na bantay para tawagin si Ka Andy. Pinapasok naman ako ng dalawa sa may guard house para hindi ako mainitan. Kung ano ano ang mga tinatanong nila sa akin. Gaya ng bakit daw yaya ang a-apply-an ko. Hindi daw bagay sa akin ang maging yaya. Ang bagay daw sa akin ay ang pang opisinang trabaho na may aircon. Mabait naman sila at mapagbiro yun nga lang mga bolero. Ilang sandali pa ay dumating na si Ka Andy. Giniya na nya ako sa malaking bahay. Ngayon lang ako nakapunta dito sa bahay ni Wallace. Ang mansion ng mga magulang nya ay may dalawang beses ko ng nakita kapag napapadaan ako. Nasa kanlurang bahagi ng hacienda ang mansion. Itong bahay naman ni Wallace ay nasa silangang bahagi. Ang alam ko ay bagong gawa lang itong bahay. Ginala ko naman ang mata sa paligid. Manghang mangha ako sa nakikita. Ang ganda ng istraktura ng bahay at malaki. Yari ito sa bato at kahoy. Pinaghalong puti at brown ang kulay ng bahay na may dalawang palapag. Modern at classic ang kombinasyon nito. May malawak na lawn sa harapan ng bahay na pwedeng pwedeng pagdausan ng isang event. Sa gilid naman ng bahay katabi ng garden ay may man-made na fish pond. Kay sarap sa tenga ng tunog ng lagaslas ng tubig. Sigurado akong mas maganda pa at nakakalula ang makikita ko sa loob ng bahay. Ang sabi ni Ka Andy ay narito daw si Wallace at sya ang mag i-interview sa akin. Marami na daw ang nag apply pero wala pang natatanggap. Sana daw ay mapili na ako. Abot abot naman ang kaba ko dahil makakaharap at makakausap ko na ang lalaking matagal ko ng crush. Heto nga at para akong nilalamig sa kaba at excitement. Sana lang ay hindi ako magmukhang tanga mamaya habang kausap sya. Nalaman ko rin na driver pala ang trabaho ni Ka Andy. Dalawa silang driver dito. Pero minsan sya ang personal driver ni Wallace. "Pero sigurado ka na ba Alona na gusto mong magtrabaho bilang yaya?" Tanong ni Ka Andy habang naglalakad na kami sa path walk. "Opo Ka Andy. Kailangan na kailangan ko po talaga ng stable na pagkakakitaan para sa gamutan ni nanay." Tumango tango si Ka Andy at bumuntong hininga. "Ewan ko lang kung magtagal ka kung sakaling matanggap ka." "Bakit naman po hindi?" "Alam mo kasi hindi basta bastang bata ang anak ni Ser Wallace." "Bakit po? Nagiging tiyanak po sya sa gabi?" Biro ko. Seryoso naman akong tiningnan ni Ka Andy. Nagpeace sign naman ako. "Joke lang po." "Basta malalaman mo na lang kapag natanggap ka. Halika na pasok na tayo sa loob." Yaya nya sa akin. Pagpasok sa loob ng bahay at para akong tangang nakanganga habang nililibot ang mata sa paligid. Sabi na eh. Mas nakakalula ang karangyaan dito sa loob. Lahat ng nakikita ko ay nagsusumigaw ng karangyaan. Ang marmol pa nga lang na sahig na makintab na makintab ay parang pwede ka ng manalamin. Ang modern crystal chandelier na may ilaw at malaking elesi na umiikot ay mukhang milyon na ang halaga. "Ka Andy sino yang kasama mo?" Napahinto ako sa paggala ng mata ng may lumapit sa aming may edad na babae. Nakasuot sya ng scrub suit na kulay mint green. Yun yata ang uniporme ng mga kasambahay dito. Nginitian ko ang may edad na babae. Ngumiti din sya sa akin. Mukha naman syang mabait. "Sya si Alona kapit bahay ko Melinda. Mag a-apply syang yaya ni Wayne." Wika ni Ka Andy. "Yaya?" Kunot noong tanong ng may edad na babae na tinawag na Melinda ni Ka Andy. Tiningnan pa nya ako mula ulo hanggang paa. "Sigurado ka yaya ang a-apply-an mo?" Ngumiwi ako. Parehas sila ng tanong ng tatlong bantay sa gate. "Opo, yaya po ang a-apply-an ko." Matiim nya akong tiningnan na parang sinusuri ako. "O sige, good luck na lang sayo ineng." "Salamat po." Ngumiti na lang ako. Hindi ko na pinansin ang pag aalinlangan sa mukha ni Ate Melinda. "Teka, nasa opisina ba nya si ser?" Tanong ni Ka Andy. "Oo, may bisita sya." "Sige punta na lang kami doon." Nag excuse na ako kay Ate Melinda at sinundan si Ka Andy na naglakad sa isang pasilyo. Huminto kami sa harap ng isang makapal na pinto. Kumatok ng tatlong beses si Ka Andy pero walang sumasagot sa loob. Ako naman ay panay ang hugot ng malalim na hininga. Nangangatog na ako sa kaba hindi ko lang pinapahalata kay Ka Andy. "Ser?" Tawag pa ni Ka Andy sa kanyang amo na sinabayan pa ng katok. Pero wala pa ring sumasagot. Kung kaya't pinihit na ni Ka Andy ang door knob at binuksan ng bahagya ang pinto. "Wala palang tao. Pero pumasok ka na. Baka lumabas lang saglit si ser. Sinabi ko naman sa kanya kahapon na may darating na aplikante. Basta kapag tinanong ko kung sino ang nagrekomenda sayo sabihin mo lang na ako." Bilin nya sa akin. Tumango tango naman ako. "Opo Ka Andy. Salamat po." "Sige na pumasok ka na sa loob. Maupo ka na lang sa sofa." Niluwangan nya ang bukas ng pinto para sa akin. Pumasok naman ako at dumiretso sa sofa saka dahan dahang umupo. Halos lumubog ako sa lambot ng sofa. Nilingon ko pa ang pinto na sinarado na ni Ka Andy. Muli akong humugot ng malalim na hininga at ginala ang mata sa loob ng opisina ni Wallace. Malamig sa loob dahil sa buga ng aircon. Puro libro ang nasa loob. Bukod sa opisina ay mukha din itong library. Tumuon ang mata ko sa desk. May nakapatong na laptop doon na nakasara at may tasa pa. Napapitlag ako ng makarinig ng ingay na parang nalaglag. "Ughh s**t honey! Harder please! Ohh yess! Just like that! Ahh! Ahh!" Nagtayuan ang mga balahibo ko at nanlamig ang buo kong katawan ng makarinig ng mga halinghing at daing ng isang babae. Para syang nasasaktan na parang hindi naman. Sunod na narinig ko ay mga mura naman at bastos na salita galing pa rin sa babae na ikinainit na ng aking mukha. Hindi ako inosente para hindi malaman kung ano ang ginagawa ng dalawang tao na may ari ng mga senswal na daing at halinghing. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD