Chapter 5

2123 Words
Alona NAWALA na ang mga halinghing at daing na naririnig ko at napalitan iyon ng mga hagikgik. Mukhang tapos na sila. Ako naman ay tila itinulos sa kinauupuan at hindi makagalaw. Gusto kong lumabas ng silid pero ayaw gumalaw ng aking katawan. Lalo pang nadagdagan ang kaba sa aking dibdib. Kung kanina ay kinakabahan lang ako dahil makakaharap ko na ang lalaking matagal ko ng hinahangaan, ngayon naman ay kinakabahan ako dahil sa mga narinig. At hindi ako nagkakamali kung sino ang nagmamay ari ng lalaking boses. Maya maya pa ay gumalaw ang isang book shelves na nasa likuran ng office desk at tila ito pintong bumukas. Lumabas ang isang magandang babae na medyo magulo ang mahaba at kulotang buhok. Inaayos nya ang tirante ng blusa nya at ng palda nyang nakalislis pataas. Malaki ang ngiti nya sa labi na tila sya naka-jackpot. Pero na-freeze ang kanyang ngiti ng makita ako. Tinaasan nya ako ng kilay at tiningnan mula ulo hanggang paa. Hindi ko naman alam kung babatiin ko ba sya o ano. Sa pagkalito ko ay pangiwing ngumiti na lang ako. "Hon, may bisita ka." Malambing na sabi ng babae. Yumuko sya at tila may dinampot sa sahig. Ang bag pala nya. "Who?" Tila pagalit na sagot naman ng malaking boses ni Wallace na lalo kong ikinakaba. "I don't know. Anyway I have to go hon. Just call me anytime if you need me bye." Paalam na ng babae at taas noong naglakad na tila modelo. Binigyan pa nya ako huling tingin at umismid. Umirap ako sa hangin ng makalabas na ang babae sa silid. "Who are you?" Napapitlag ako sa malaking boses na biglang nagsalita. Tila nalunok ko ang dila ng makita si Wallace na kalalabas lang galing sa likod ng book shelves. Inaayos nya ang sinturon habang salubong ang kilay na nakatingin sa akin. "I said who are you?" Ulit nya sa tanong. Tarantang tumayo naman ako at hindi alam kung ano gagawin. "Damn it! Answer me woman!" Mataas na ang boses nya na halos ikatalon ko sa gulat. "A-Ah ano po sir. A-Ako po si Alona Briones. M-Mag a-apply po bilang yaya!" Nagkakanda-utal utal na sabi ko sa pagkataranta. Bahagya pang ngang nanginginig ang aking boses sa kaba at takot dahil sa madilim nyang mukha. Halos malukot pa ang brown envelope sa higpit ng hawak ko. Tumaas naman ang kilay ni Wallace at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nailang tuloy ako. Pakiramdam ko ay isa akong mikrobyo na sinusuri nya. Ng maayos na nya ang sinturon ay pumunta sya sa desk nya at umupo sa swivel chair. Nilahad nya ang kamay. Tarantang lumapit naman ako at inabot sa kanya ang brown envelope. Kinuha naman nya iyon at pinaupo ako sa visitor chair na nasa harapan ng desk. Binuksan nya ang envelope at nilabas ang mga papel na laman. Tiningnan nya isa isa ang mga requirements ko. "Sino ang nagrekomenda sayo dito?" Tanong nya. "S-Si Ka Andy po." Alerto kong sagot kahit nauutal. Pinipisil pisil ko ang mga daliri habang titig na titig sa mukha nya. Mas gwapo talaga sya sa malapitan kahit walang kangiti ngiti. Siguro naiinis sya dahil naistorbo ko sila ng babae nya. Kunot noong tumingin sya sa akin. Agad naman akong nagbaba ng tingin. Nakakahiya! Nahuli nya akong nakatitig sa kanya. "Ka-ano ano mo si Ka Andy?" "K-Kapit bahay po sir." Tumango tango sya at sumandal sa swivel chair at dumekwatro habang tinitingnan pa rin ang mga papel ko. Dalawang beses pa syang tumingin sa akin. Maya maya ay nilapag nya ang mga papel sa desk at muling tumingin sa akin. Lalo namang nagwala sa pagtibok ang puso ko. Ang titig nya kasi ay tila tumatagos hanggang kaluluwa ko at tila rin nababasa nya ang laman ng isip ko. Baka malaman pa nyang matagal ko na syang crush. Nakakahiya lalo. "Sigurado ka bang gusto mong magtrabaho bilang yaya ng anak ko?" Tumuwid ako ng upo at diretsong tumingin sa kanya. Nilabanan ko ang kaba sa dibdib ko. "O-Opo sir, gusto ko po." Ngumisi sya. "O baka naman kaya mo gustong magtrabaho bilang yaya ng anak ko dahil sa malaking sweldo." Tumikhim ako. "Yun naman po di ba ang unang dahilan kaya nag-a-apply ng trabaho ang isang tao dahil po sa sweldo." Sagot ko. Tumalim ang tingin nya sa akin. Doon ko lang narealize na sarkastiko ang pagkakasabi ko. "S-Sorry po sir." Napayuko na lang ako at napakagat labi. Patay! Mukhang hindi yata ako matatanggap. "Marunong ka bang mag alaga ng bata? Wala namang nakalagay dito sa resume mo na may experience ka na sa pagiging yaya." Muli akong nag angat ng mukha sa kanya. "Wala po akong experience sa pagiging yaya sir pero marunong naman po akong mag alaga ng bata. Pito po ang pamangkin kong maliliit pa. Minsan po naiiwan sila sa akin." Tumango tango sya at bumuntong hininga. "Fine. Dahil si Ka Andy ang nagrekomenda sayo tatanggapin kita." Namilog ang mata ko. "Talaga po?" "Pero o-obserbahan muna kita ng ilang araw. Titingnan ko kung paano mo pakikisamahan ang anak ko. But don't worry may allowance ka naman. Pero kapag nagtagal ka ng isang buwan sa pag aalaga sa anak ko. I'll give you the twenty thousand peso na sweldo. Ok ba sayo yun?" Sunod sunod akong tumango. "Opo sir, ok na ok po sa akin yun. Pangako ko po aalagaan ko po ng mabuti ang anak nyo." Nakangiting sabi ko. Ngumisi naman sya. "Well, let's see." Dahil tanggap na ako ay sinabi nya sa akin ang mga benefits na makukuha ko kung sakaling magtagal ako. Libre ang pagkain at stay in ako at tuwing linggo naman ay day off ko. Dahil kapag linggo ay sya ang nag aalaga sa anak nya. Araw daw iyon ng bonding nilang mag ama. Pabor sa akin na tuwing linggo ang day off. Makakauwi ako sa amin at makakasama si nanay. Sinabi na rin nya ang mga do's and don't. Mga dapat at hindi ko dapat gawin habang nandito ako sa mansion. Bawal kong iwan basta basta ang anak nya at bawal akong magdala dito ng kung sino sinong bisita. At higit sa lahat bawal kong saktan ang anak nya o kahit sigawan. Dahil kapag ginawa ko yun ay idedemanda nya ako. Naiintindihan ko naman sya. Syempre magulang sya eh. At walang magulang na gugustuhing makita o malaman na sinasaktan o sinisigawan ng ibang tao ang anak nila. Tinatandaan ko ang lahat ng mga sinasabi nya para hindi ako magkamali. Lumabas kami ng office nya at pinasunod nya ako sa kanya. Pupuntahan namin ang kwarto ng anak nya para makilala ko. Habang nasa likod nya ako at sinusundan ko sya paakyat ng gradiyosong hagdan ay hidni ko naman maiwasang bistahan ang likod nya. Matangkad talaga sya at malaking tao. Lumampas nga lang ako ng kaunti sa balikat nya. Nagmukha akong unano sa height kong limang talampakan at apat na pulgada. At parang pader ang katawan nyang malapad na obvious naman na hitik sa masel. Malalaki din ang mga braso nyang humahakab sa sleeves ng puting polo nya. Ang pang upo nyang bilog na bilog at batak din sa masel ay humahakab din sa suot nyang itim na trouser. Parang ang sarap tuloy pisilin. Ipinilig pilig ko ang ulo sa kapilyahang pumasok sa isip ko. Ano ba yan Alona? Nagiging mahalay na ang isip mo. Kasalan ito ng mga narinig mo kanina eh. Ngumuso ako ng maalala ang babaeng kaulayaw ni Wallace kanina sa loob ng opisina nya. Tila may kumurot sa puso ko. Ang swerte ng bruhang yun ha. Pero maharot pa rin sya. Pagdating naman sa taas ng hagdan ay nilibot ko ang mata habang nakasunod pa rin sa kanya. May living room din pala dito sa second floor. Marami din akong nakikitang pinto na mga nakasarado. Curious ako kung lahat ba yun ay kwarto. "We're here." Huminto kami sa isang pinto. Pinihit nya ang doorknob at binuksan ito. Sumalubong sa amin ang ang ingay na parang may pinupukpok. Yun pala ay pinupukpok ng isang bata ang laruang hawak nya sa isa pang laruan. Maraming mga laruan ang nakakalat sa carpeted na sahig. Tila may sariling mundo ang bata at hindi kami napapansin. May kasama syang isang babae na kaparehas ng suot ni Ate Melinda. "Lorna." Tawag ni Wallace sa babae na mabilis namang lumingon at agad na tumayo. "Ser kayo po pala." Bati ng babae at tumingin pa sa akin. Kiming nginitian ko naman sya. Sa tingin ko ay hindi kami nagkakalayo ng edad. "Lorna this is Alona, ang bagong yaya ni Wayne." Pagpapakilala sa akin ni Wallace sa babae. "Ay hello! Ako si Lorna." Nakangiting lumapit sa akin ang babae at nilahad ang kamay. Tinanggap ko naman iyon at ngumiti din. Mukha naman syang mabait. "Ako si Alona." Tiningnan ako ni Lorna mula ulo hanggang paa. "Ikaw pala ang bagong yaya ni Wayne. Ang ganda ganda mo naman." Komento nya. Nahihiyang ngumiti na lang ako. Tumikhim si Wallace. "Come here Alona. Ipapakilala kita sa anak ko." "Ah excuse me Lorna." Sinundan ko si Wallace na nilapitan ang anak na hanggang ngayon ay busy pa rin sa ginagawang pagmu-murder sa mga laruan. Sa tingin ko pa lang sa bata ay may kakaiba na sa kanya. Bagama't normal naman itong bata kung titingnan. Malusog ito at cute na cute. Pero hindi kamukha ni Wallace. Siguro ay kamukha ng ina. Maputi ito, si Wallace naman ay may pagka-kayumanggi ang kulay. Medyo tsinito ito at si Wallace naman ay mestiso. Malakas nga siguro ang dugo ng ina nito. Nag-squat si Wallace sa harap ng anak. "Wayne anak." Tawag nya sa anak. Tumingin naman ang batang si Wayne sa ama at ngumiti lang. Tumingin din sya sa akin pero agad din nyang binalik ang atensyon sa mga laruan. Tama nga si Ka Andy. Hindi ordinaryong bata ang anak ni Wallace. Sya yung tinatawag na espesyal na bata. Nag alangan tuloy ako bigla. Alam kong hindi biro ang mag alaga ng batang gaya nya at kailangan talaga ng sangkaterbang pasensya. Mukhang napasubo ako. Pero nandito na ako. Dahil hindi pa rin pinapansin ng anak ay hinaplos na lang ni Wallace ang buhok ni Wayne. Tumayo sya at namulsa habang ang mga mata ay nasa anak pa rin. "Sya si Wayne, my three years old son. Alam kong napapansin mong may kakaiba sa kanya. Na-diagnosed syang may ADHD bukod pa doon ay may bipolar disorder sya. Sobrang hyper sya kung minsan. Minsan naman ay nagmumukmok lang sya na tila may sariling mundo gaya ngayon. At kung minsan naman ay may tantrums sya at kapag ganoon ay bigla syang namamato. May speech delay din sya at ang kaya lang nyang bigkasin ay daddy, yes and no. Walang nagtatagal na yaya dahil sa kondisyon nya." Ng marinig ko ang lahat ng yun ay nakaramdam ako ng awa kay Wayne. Hindi sya normal na bata at kaunti lang ang nakakaintindi ng sitwasyon nya. Gayunpaman ay pinagdududahan ko ang sarili kung kakayanin ko ba syang alagaan. "So ano? Kaya mo ba?" Tumingin ako kay Wallace at humugot ng malalim na hininga. "Sa totoo lang po sir nag aalangan po ako kung kakayanin ko. Pero gusto ko pong subukan." Bumuga sya ng marahas na hininga. Alam kong disappointed sya sa sagot ko. "Kung hindi ka sigurado mabuti pang umuwi ka na lang." Nataranta ako. "Hindi po sir! Sigurado po ako. Gusto ko pang alagaan ang anak nyo. Wala naman pong masama kung susubukan ko di ba? Sabi nyo nga walang nagtatagal na yaya sa kanya. Siguro dahil hindi makuha ng mga dati nyang yaya ang loob nya. Ang mga bata kasi kapag nakuha na ang loob nya nagiging malambing na sya at dedepende na sa taong komportable sya. Malay nyo po makuha ko ang loob nya. Gusto ko pong subukan sir." Sayang din ang beinte mil no. Saglit na hindi nagsalita si Wallace at nakatingin lang sa akin na parang sinusukat ang mga sinabi ko. "Fine. Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo." Nakahinga naman ako ng maluwag. "Salamat po sir." "In one condition Alona." Natigilan ako. May kodisyon pa? "A-Ano po yun sir?" "Wag mong ipagsabi sa nga kakilala o sa ibang tao ang tungkol sa kondisyon ni Wayne. Kapag kumalat ito at nalaman kong ikaw ang dahilan idedemanda kita. Nagkakaintindihan ba tayo?" Puno ng awtoridad ang boses nya pati ang awra habang matiim na nakatingin sa akin. Napalunok naman ako. "Naiintindihan ko po sir. Pangako po wala po akong pagsasabihan. Marunong po akong sumunod sa utos." Ngumisi sya kasabay ng pagsilay ng kakaibang kislap sa kanyang mata na nakapagpatayo ng mga balahibo ko. "Good. Sundin mo lang ang lahat ng mga sinasabi ko magkakasundo tayo Alona." Tumango tango ako at yumuko. Hindi ko kayang tagalan ang pagtitig sa mga mata nya. "O-Opo sir." *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD