Chapter 13

1927 Words

Alona ILANG sandaling namayani ang katahimikan sa loob ng library office. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na kabog ng puso ko. Si Wayne ay nasa kandungan ko pa rin at nakasandal sa dibdib ko habang nilalaro ang kotse-kotsehan nyang laruan. Si Wallace naman ay matiim pa ring nakatingin sa akin na parang pinag aaralan ako. "Yung nakita mo kagabi -- " "W-Wala po akong nakita kagabi sir!" Maagap na sabi ko. Ngumisi naman sya na tila naaaliw sa akin. "Alam kong nakita mo. Nakita nga kitang nakasilip eh." Kumagat labi ako at bahagyang yumuko. Wala na akong lusot. "S-Sorry po sir. Hindi ko naman po sinasadya. Isasara ko lang naman po ang bintana tapos n-nakita ko po kayo." Kinakabahang sabi ko. "Anong nakita mo?" "Y-Yung binaril nyo po yung lalaki." Mahinang sabi ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD