Alona "WOW! Poging pogi na ang bebeboy ni yaya at ang bango bango pa." Sambit ko at dinikit ko ang ilong sa kili kili nya. Panay naman ang hagikgik nya at iniiwas ang kili kili. Malakas kasi ang kiliti nya doon. Tapos ko na syang bisihan. Polo shirt na puti na may lining na itim sa kwelyo at dibdib at short na maong ang ipinasuot ko sa kanya. Pinaresan ko yun ng puting sneakers din. Ang buhok nyang bagong gupit ay sinuklay ko lang. Hindi ko na sya nilagyan ng gel dahil ginugulo lang nya. Ako naman ay nakabihis na din. White blouse na medyo loose ang damit ko. Tinuck-in ko ito sa blue skinny jeans ko at puting sneakers din ang pampaa ko. "Look Wayne o, twinning tayong dalawa." Umikot ako sa harapan ni Wayne para ipakita sa kanya na parehas kami ng suot. Pumalakpak naman ang makulit

