Alona "NAY, binili ko na ho ang lahat ng gamot nyo. Sa makalawa naman ang balik natin kay doctora." Inisa isa kong nilabas ang mga gamot sa plastic at pinagbukod bukod. "Ang dami naman nyan anak. Baka wala ng natira sayo nyan tapos binigyan mo pa ako ng pera." Nag aalalang sabi ni nanay. "Huwag po kayong mag alala nay may natitira pa po sa akin. Bukod sa sweldo binigyan pa ako ng bonus ni Sir Wallace." Nakangiting sabi ko. Dahil nakaisang buwan na ako sa pagaalaga kay Wayne ay nakuha ko na ang bente mil na pangakong sweldo at may pabonus pang dies mil. Bale trenta mil ang sinuweldo ko lahat. Napa-sanaol na nga lang ang mga kasama kong kasambahay. Pero sabi ni Wallace deserved ko naman daw dahil sa mahusay kong pag aalaga kay Wayne. Natuwa naman ako. "Mabait pala ang anak ni Gover

