Alona "A-AYOS ka lang Claire?" Nag aalalang tanong ko kay Claire. Mukhang nadamage ang ilong nya. Matalim na tumingin sya sa akin. "Tanga ka ba? Mukha ba akong ok?" Singhal nya sa akin sabay turo sa kanyang ilong na binato ni Wayne. Napangiwi ako ng makitang namumula ito. Mukhang napuruhan ni Wayne. "Ilayo mo sa akin ang batang yan ha?" Napataas ang kilay ko. "O akala ko ba gusto mong magkaroon kayo ng privacy ni Wayne?" Mariin syang pumikit at bumuntong hininga. Nakarehistro pa rin ang inis sa kanyang mukha. "Hindi muna ngayon. Aalis na ako, ipapatingin ko tong ilong ko sa doctor ko. Babalik na lang ako bukas o baka sa isang araw." Aniya at pahablot na dinampot ang bag na nasa sofa at sinukbit sa balikat sabay martsa palabas ng kwarto. Ni hindi man lang nilapitan si Wayne par

