Chapter 39

3045 Words

Alona "ARAY! Ano ba bitiwan mo ko!" Daing ni Claire. "Bitiwan mo rin si Wayne! Ang kapal ng mukha mong saktan sya!" "Mas makapal ang mukha mo pakialamera ka!" Sigaw nya at binitiwan si Wayne sabay hawak din sa buhok ko. At nagsabunutan na nga kami sa gitna ng lawn. Masakit sa anit ang paghila nya ng buhok ko at matangkad din sya kaya hirap ako. Pero hindi ako magpapatalo. Igaganti ko si Wayne sa kanya. Ang kapal ng mukha nyang saktan si Wayne. Akala mo sya ang nagpapakain dito. Sya nga nag luwal pero wala pa rin syang karapatang saktan. "Mommy! Mommy!" Dinig kong tawag sa akin ni Wayne at nakita kong lalapit sya. "Huwag kang lalapit Wayne. Go inside!" Pero umiyak lang sya habang tinatawag ako. "Wag mong utusan ang anak ko! Katulong ka lang at babae ni Wallace!" Asik ni Claire

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD