Chapter 25

3281 Words

Conrad "YES lo, nakausap ko na si Mr. Robles." Sabi ko kay Lolo Mati habang sinusundan ng tingin si Tati na nakikiusyoso kay Manang Fe na nagtatanggal ng mga tuyong dahon ng halaman. "Good iho, may petsa na ba kung kelan gaganapin ang tupada?" "Sa ikalawang linggo sa susunod na buwan lo." Napangisi ako ng makitang nagulat si Tati ng biglang pumuswit ang tubig sa hose. Mabuti na lang hindi sya nabasa. Nagtawanan lang sila ni Manang Fe. Mukhang close na nga silang dalawa. "Iho." "Lo." Bumaling ako kay Lolo Mati. Matiim na nakatingin sa akin ang abuelo na parang binabasa ang mukha ko. Tumingin din sya sa ibaba ng balcony kung nasaan si Tati. Gumuhit ang ngisi sa labi nya. Nag iwas naman ako ng tingin. "Magandang babae ang secretary mo apo. Batang bata pa." Sambit ni Lolo Mati

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD