Tatica "IHO." Sabay sabay kaming lumingon sa matandang lalaki na kahit sa kabila ng edad ay matikas pa rin ang tindig. Nababakas pa rin sa kulubot nyang mukha ang kagwapuhan nyang taglay noong kabataan pa. Bagamat nasa hitsura nya ang pagka istrikto. Sya siguro si Don Mateo ang lolo ni Boss Conrad. "Lo." "Nandito na ba ang lahat ng mga tauhan mo sa production?" Tanong ng don at nakangiting lumibot ang mata sa amin. Magalang naman syang binati ng mga kasamahan ko sa production. "May iba pang paparating lo." Tumango tango ang don. Kimi akong ngumiti ng dumako sa akin ang mata ng don. "Aba may bagong mukha ah." Anang don. "Sya ang bagong kahera lo." Sagot ni Boss Conrad. "Oh I see, you're so pretty iha." Nakangiting komento ng don. Napangiti naman ako. "Thank you po sir.

