Chapter 3

1928 Words
Tatica "TAY, pasok na po ako." Paalam ko kay tatay at sinukbit na ang may kabigatan kong bag. "Ingat ka bunso, aral ng mabuti ha. Yung nanay mo nasa labas manghingi ka na lang ng baon sa kanya." Ani tatay na sinusuot na ang bota nya. Papasok na rin kasi sya sa palaisdaan. Si Kuya Jomel naman ay tulog pa. Lumabas na ako ng bahay at hinanap si nanay. Nakita ko sya na nasa tindahan ni Aling Susan kasama pa ang ibang nanay na kapitbahay namin at nagtsitsismisan na naman sila. Lumapit na ako kay nanay para manghingi ng baon. Malapit na kong sunduin ni Iyek. Sabay kasi kaming pumapasok. "At ito pa mga mare ha, nakuhanan daw sa cctv ang mga nanloob sa manukan. Nakow! Yari kay Boss Conrad ang mga yun kapag nahuli." "Sinabi mo pa mare! Alam mo naman yang si Boss Conrad, kayamanan nya ang mga manok." "May nanakaw bang manok?" Tanong ni nanay. "Oo mareng Loida, tatlong manok ang nanakaw. Ang isa ay nagkakahalaga ng limang daang libong piso." "Ganun kamahal para lang sa panabong na manok?" "Ganun talaga mare, lagi kasing nanalo ang manok na yun kaya mahal." "At ito pa ang nasagap kong balita ha. Taga dito daw sa lugar natin ang isa sa magnanakaw." "Ay jusko, sino naman kaya yan?" Napanguso ako dahil mukhang di ako napapansin ni nanay kaya kinalabit ko na sya. "Nay." Bahagya pang nagulat si nanay sa kalabit ko. "Ay susmaryosep ka namang bata ka! Ginulat mo ko." Bulalas ni nanay. "Pahingi na po ako ng baon nay, papasok na po ako." Sabi ko sabay lahad ng kamay. Dumukot naman si nanay sa bulsa mg duster nya at paglabas ng kamay ay may hawak na syang bente. "O, baon mo. Wag puro tsitsirya at kendi ang bibilhin mo sa canteen ha. Ay teka lang, Susan pautang nga muna ako ng isang cheesecake at zesto dyan." Baling ni nanay kay Aling Susan na nasa loob ng tindahan. Tuwang tuwa naman ako dahil may dagdag ang baon ako. Sana tuwing umaga laging nandito sa tindahan si nanay at nakikipagstsismisan. Inabot na sa akin ni nanay ang baon kong bente. Sya na ang naglagay sa bag ko ng baon kong zesto at cheesecake. "O mag iingat ka sa iskul ha, mag aaral kang mabuti hindi puro laro." Paalala sa akin ni nanay na inayos pa ang kwelyo ng uniporme ko. "Opo nay, babye po." Paalam ko at nilapitan na si Iyek na naghihintay na sa akin sa kabilang kalsada. Maglalakad lang kami papasok sa iskul. Malapit lang naman kasi ang iskul at marami kaming mga estudyanteng kasabayan din namin. "Magkano baon mo?" Tanong ni Iyek. "Bente, tapos inutungan pa ako ni nanay ng cheesecake at zesto kay Aling Susan." Pagmamalaking sabi ko. Mamaya paguwi ko sa tanghalian ay bente ulit ang baon ko. Kapag sinuswerte ay dadagdagan pa yun ni tatay ng sampo. "Wow, buti ka pa. Ako nga sampung piso lang saka isang suman at tubig ang baon ko eh." Nakangusong sabi ni Iyek. "Pero at least may baon ka pa rin." "Ang dami ko kasing mga kapatid kaya hati hati kami sa baon." Anim na magkakapatid sila Iyek. Sya ang panganay at may baby pa sila. "Wag kang mag alala hati tayo sa zesto." Sabi ko. Magkaklase kami. Minsan wala syang baon kaya hinahatian ko sya sa baon ko. "Talaga?" "Oo nga!" Tuwang tuwa naman sya. "Hoy! Bilisan nyong maglakad. Magbebell na!" Nilingon namin si Jonjon na nakasabit sa likod ng isang traysikel na dumaan. Sa taba nya halos umangat na ang harapan ng traysikel. Bakit kasi hindi na lang sya maglakad para mabawasan ang mga taba taba nya. "Flat na yung gulong ng traysikel!" Sigaw ni Iyek. "Inggit ka lang! Wala ka kasing pamasahe!" Tumatawang sigaw din ni Jonjon. "Hayaan mo na, wag mo ng pansinin. Epal lang yan." Saway ko kay Iyek ng akmang sasabat pa. Mabait naman si JonJon yun nga lang malakas talagang mang asar. Ang mabait sa mga kaibigan namin ay si Lester. Hindi sya madamot lalo na sa akin. Kapag namimitas sya ng bayabas o kaya mangga sa bukid ay lagi nya akong binibigyan. Ganon sya kabait. "Eh kasi nakakairita naman talaga yang taba na yan." Umiikot ang matang sabi ni Iyek. "Beeep! Beep! Beep!" Nagulat kaming parehas ni Iyek ng sunod sunod na malalakas na busina ang narinig namin. Tatlong sasakyan ang humahagibis ang takbo sa gitna ng daan na tila walang pakilam sa mga ibang dumaraan. "Ano ba yan! Kung magpatakbo akala mo sila ang may ari ng daan." Reklamo ko. "Sasakyan ni Boss Conrad yung dumaan!" Bulalas ni Iyek na sinundan ng tingin ang tatlong sasakyan na dumaan. "O eh ano naman? Para naman syang siga magpatakbo. Pag aari ba nya tong daan?" Nakangusong sabi ko. Kunsabagay siga naman talaga ang hitsura ni Boss Conrad at nakakatakot. Pero binigyan naman nya ako ng isang daan kaya plus 100 sya sa langit. "Eh pagaari naman ng tatay nya na si Don Mateo ang halos kalahati ng bayan ng San Isidro. Ang alam ko itong kalsadang nilalakaran natin ay lupa din nila." "Talaga? Ganun sila kayaman?" "Oo, saka alam mo ba yung tsismis tsismis sa atin. May nagnakaw daw ng manok ni Boss Conrad kagabi at taga sa atin daw yung isang magnanakaw. Kaya siguro dumaan yung sasakyan ni Boss Conrad dahil hinahanap yung magnanakaw." "Narinig ko rin kanina yan sa tsismisan nila nanay sa tindahan ni Aling Susan. Sino kaya yun?" Kyuryosong tanong ko. "Aha! Alam ko na! Baka si Jonjon tapos kinain nya yung manok kaya malaki ang tiyan nya." Sabi ni Iyek at sabay kaming tumawang dalawa. Pagpasok namin sa gate ng iskul ay tumakbo na kami papuntang classroom. Nagpaunahan pa kami ni Iyek. Pero dahil mas matangkad sya at mahahaba ang biyas ay sya ang nauna. Pero kung wala lang akong sukbit na mabigat na bag ay siguradong mauuna ako. Kahit maliit ako ay mabilis akong tumakbo. . . . Pagkatapos naming magdasal ay pinapila na kami ni ma'am para hindi kami magtulukang magkaklase palabas ng classroom. Paglabas ng classroom ay doon na kami nagsitakbuhan. Kami ni Iyek na naman ang magkasama pag uwi. Napapangiwi ako sa bigat ng bag ko. Paano ba naman may bagong libro na namang dinagdag si ma'am. Paglabas namin ng gate ay inaya ko si Iyek na bumili ng fishball. Pero wala daw syang pera. Sabi ko ililibre ko na lang sya. May sobra pa naman sa baon ko. Sa sampung piso may bente piraso ng fishball. Solve na kami don. Wala nga lang kaming panulak. Naglalakad lang din kami pauwi ni Iyek. Tamang tama madadaanan namin yung pinagtatrabahuan ni Kuya Jomel. Manghihingi ako sa kanya pambili ng softdrinks. "Bilisan mo Iyek! Malapit na tayo sa pinagtatrabahuan ni kuya manghihingi ako ng pambili ng soft drinks." "Pahingi ako ah!" "Oo! Kaya bilisan mong maglakad." Malalaki ang hakbang ang ginagawa namin para makarating sa pinagtatrabahuan ni Kuya Jomel. Pero hindi pa kami masyadong nakakalapit sa ginagawang malaking bahay ay nakita kong maraming tao. Tila may pinapanood sila o tinitingnan. Kilala ko pa ang ilan na mga kapitbahay namin. Nakita ko din si Jonjon at si Lester na nakikiusyoso. May tatlo ding sasakyan na nakaparada na pamilyar sa akin. Yun yung mga sasakyan kanina na mga siga kung tumakbo sa kalsada. At sasakyan ni Boss Conrado ang isa sabi ni Iyek kanina. "Iyek, di ba sasakyan yun ni Boss Conrad?" Untag ko kay Iyek. "Oo." "Tapos nandun din si Jonjon at Lester. Baka namimigay na naman ng pera si Boss Conrad. Tara!" Aya ko kay Iyek. "Oo nga no! Tara bilisan natin baka umalis na si Boss Conrad." At tinakbo na nga namin ni Iyek ang kumpulan ng tao. Nakita kami ni Jonjon at Lester. Tumakbo silang dalawa palapit sa amin ni Iyek. "Tati! Tati yung kuya mo!" Sabi ni Jonjon na hinihingal pa at inuubo ng huminto. Kumunot naman ang noo ko. "Bakit? Ano si Kuya Jomel?" "Yung kuya mo, binubugbog ni Boss Conrad." Sabi ni Lester. Nanlaki ang mata ko at kumalabog ng malakas ang dibdib ko. "Ano!? Binubugbog ni Boss Conrad ang kuya ko?" "Oo, isa pala sya sa nagnakaw ng manok ni Boss Conrad. Magnanakaw pala yung kuya mo." Sabi ni Jonjon. "Hindi magnanakaw ang kuya ko!" Sigaw ko kay Jonjon at tinulak sya sabay takbo palapit sa nagkukumpulang mga tao. Hinubad ko ang mabigat na bag para mabilis makatakbo. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Iyek pero di ko sya pinansin. "Padaan! Padaan!" Sinisingit ko ang maliit kong katawan sa dikit dikit na katawan ng mga taong malalaki sa akin. "Kawawa naman si Jomel." "Kuh! Mabuti yan sa mga kagaya nyang magnanakaw." "Dapat dyan pinapakulong." Mga salitang naririnig ko sa mga tao. Gusto ko silang pagsisigawan pero mas gusto kong makita ang kuya ko. "Saan mo dinala ang mga manok?" Dinig kong tanong ng isang malaki at mabalasik na boses. "H-Hindi ko po talaga alam boss. K-Kasama lang po ako sa kumuha pero hindi ko po alam kung saan dinala ng mga kasama ko ang mga manok." Boses naman ng Kuya Jomel ko ang narinig ko na tila nahihirapan. "Sinungaling!" "Ugh!" Nanlaki ang mata ko ng marinig ang daing ni Kuya Jomel. "Kuya! Kuya ko!" Mas lalo pa akong nakipagsiksikan at tinulak ang mga mas malalaki ang katawan sa akin hanggang sa makarating na ako sa unahan. Lalong nanlaki ang mga mata ko at lumakas ang kabog ng dibdib ko ng makita si Kuya Jomel na nakahandusay sa bundok ng buhangin at duguan ang mukha. Inuubo ubo pa sya. Galit akong tumingin kay Boss Conrad na lalapitan ang kuya ko. Tumakbo ako palapit sa kanya sabay talon sa likod nya at pinagsusuntok sya. "Salbahe ka! Salbahe ka! Halimaw! Panget! Panget!" Sa galit ko, bukod sa suntok na binibigay ko sa kanya ay kinagat ko sya sa balikat nya. "Ugh!" Dinig kong daing nya. Pero di ko sya tinigalan sa pagsuntok at pagkagat. Naramdaman kong may mga kamay na humawak sa akin at pinapabitaw ako sa kanya. "Bata bitiwan mo si Boss!" Dinig kong sabi ng boses ng isang lalaki sa likuran ko hanggang sa tuluyan na akong napabitaw kay Boss Conrad. "Bitiwan mo ko! Bitiwan mo ko!" Nagwawalang sabi ko sa may hawak sa akin. Ng ayaw nya akong bitiwan ay kinagat ko sya sa kamay. "Ugh! Letse kang bata ka!" Daing ng lalaki at binitiwan ako. Tumakbo naman ako palapit kay Kuya Jomel na ngayon ay bumabangon na. "Kuya!" Agad akong yumakap kay Kuya Jomel. Naiyak ako ng makita ang sugatan na mukha nya. May sugat ang gilid ng labi nya at dumudugo ang ilong. Namumula din ang pisngi nya at hawak nya ang tiyan. "T-Tati bakit ka nandito? U-Umuwi ka n-na." Hirap na sabi ni Kuya Jomel sabay ubo. Umiling iling ako habang umiiyak. "A-Ayoko kuya, baka bugbugin ka na naman." Humihikbing sabi ko. "U-Umuwi ka na nga!" Paangil ng sabi ni Kuya Jomel sa basag na boses. "Ayoko nga!" Pinadyak padyak ko ang paa at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa kanya. "Ang mabuti pa boss tumawag na tayo ng pulis para ipadampot yan." Nilingon ko ang lalaking nagsabi niyon. "Hindi! Wag nyong ipapakulong ang kuya ko di sya magnanakaw!" Sigaw ko. Galit ko ding nilingon si Boss Conrad na nakatingin lang din sa akin. Nakakatakot syang tumingin. Nakakatakot din ang mukha nyang balbas sarado. Akala ko mabait sya hindi pala. Galit ako sa kanya. Isosoli ko ang isang daan na binigay nya sa akin. Lalong humigpit ang yakap ko kay Kuya Jomel dahil baka saktan sya ulit ni Boss Conrad. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD