Chapter 4

1304 Words
Tatica "DAMPUTIN nyo na yan at dalhin sa baranggay." Utos ni Boss Conrad sa mga lalaking kasama nya. "Bakit sa baranggay pa boss? Dapat sa presinto na." "Sundin nyo na lang ang pinaguutos ko Pancho." "Yes boss!" Lumapit ang tatlong lalaki sa amin ni Kuya Jomel. Hinawakan nila si Kuya Jomel sa magkabilang braso. "Teka mga manong! Saan nyo dadalhin ang kuya ko?" Natatakot na tanong ko at hindi bumibitaw ng yakap sa bewang ni Kuya Jomel. "Sa baranggay, kaya bumitaw ka na sa kuya mo bata." Sagot ng isang lalaki. "Uwahh! Hindi! Ayoko! Wag nyong dadalhin ang kuya ko sa baranggay." Umaatungal na sabi ko. Basang basa na ang mukha ko sa luha pati sipon ko ay tumutulo na rin. Tumingin ako kay Boss Conrad. Pero nakatalikod na sya at papaalis na. "Sige na! Bitbitin nyo na yan!" Utos ni Boss Conrad. "Uwahh! Wag po! Wag nyong kunin ang kuya ko!" "Bumitaw ka na bata, kung hindi isasama ka namin." Banta sa akin ng isang lalaki. Tumango tango naman ako. "Sige po! Sasama ako." "Anak ng! Bumitaw ka na nga!" Naiinis ng sabi sa akin ng lalaki. "Tati bumitaw ka na, ayos lang ako." Sabi ni Kuya Jomel at binabaklas na ang mga braso ko sa bewang nya. "A-Ayoko kuya! Sasama na lang ako." "Tati iha, bumitaw ka na sa kuya mo. Magiging ayos lang sya." Sabi ni Ninong Raul at kinuha na ako palayo kay Kuya Jomel. Wala na akong nagawa kundi umiyak na lang habang pinapanood si Kuya Jomel na inaakay ng tatlong lalaki pasakay sa isang sasakyan. Gusto kong humabol pero mahigpit ang hawak sa akin ni Ninong Raul. "ANO ka ba naman Jomel! Anong pumasok sa utak mo at sumama kang magnakaw kanila Buknoy? Ano? Kailangang kailangan mo ba ng pera? Ano? Sabihin mo!" Galit na galit na sigaw ni nanay kay Kuya Jomel. "Pambihira kang bata ka! Muntik ka ng makulong sa ginawa mo eh! Hayan nabugbog ka pa!" Galit din na sabi ni tatay na nakapamewang sa gitna ng kalsada. Si Kuya Jomel ay nakayuko lang. Ako naman ay nandito sa maliit kong kwarto at nakasilip sa pinto. Ayaw nila akong palabasin. Kauuwi lang nila galing ng baranggay. May isang kapitbahay namin ang nagsabi kay nanay at tatay sa nangyari kay Kuya Jomel kaya agad silang pumunta sa baranggay. Di na nila ako sinama dahil bawal daw ang bata doon. Awang awa ako sa hitsura ng kuya ko. May gasa ang ilong nya at gilid ng labi. May pasa din sya sa pisngi. Hmp! Galit talaga ako kay Boss Conrad. Binugbog nya ang kuya ko. Anong laban mg kuya ko? Eh ang laki nya! Mukha syang halimaw. "Sorry po nay, tay, ginawa ko lang naman po iyon para may pampalaboratory po kayo at pang gamot sa puso nyo." Sabi ni Kuya Jomel kay nanay. Nahigit ko ang hininga. May sakit si nanay sa puso? Ang alam ko delikado yun. Namatay ang isang kapitbahay naman dahil sa sakit sa puso. "Pero hindi mo pa rin dapat ginawa yun anak! Masama ang magnakaw ano ka ba!" "Desperado na po ako nay eh. Kailangan natin ng malaking pera para sa pagpapagamot nyo. Ayaw naman kayong tulungan ng mga kapatid nyo." "Pero kahit na! Hindi pa rin solusyon ang pagnanakaw!" Sigaw ni nanay at sinapo ang dibdib. Tila sya nahirapang huminga. Agad namang tumayo si Kuya Jomel at nilapitan si nanay kasunod ni tatay. Gusto ko ring lumabas para lapitan si nanay pero siguradong pagagalitan lang ako. Baka lalo pang sumakit ang dibdib ni nanay. "Huminahon ka lang kasi Loida. Umupo ka muna. Jomel ikuha mo muna ng tubig ang nanay mo." Utos ni tatay kay Kuya Jomel at inalalayan na si nanay maupo. Mabilis namang nakabalik si kuya na may dala ng isang baso ng tubig at inabot kay nanay. Dahan dahan naman iyon ininom ni nanay. "Mamamatay ako ng maaga sayo Jomel." Sambit ni nanay na humihinga ng malalim. "Sorry po nay." Muling bumalik si Kuya Jomel sa pag upo at yumuko. "Mabuti na lang at hindi ka sa presinto dinala ni Conrad at hindi ka pinakulong." Sambit ni tatay na iiling iling. "Mabuti na lang din at napakiusapan natin si Conrad at nahanap na rin ang mga manok nya. Kung hindi, nasa kulungan ka na ngayon. Nakakahiya pa dahil siguradong pupulutanin tayo ng chismis ng mga kapitbahay." "Kuh, wag mo silang isipin Loida. Hayaan mong mamaos sila sa kakatsismis sa atin. Ang importante ngayon ay hindi napakulong tong anak natin. Kaya ikaw Jomel, pumili pili ka ng sasamahan mong kaibigan at wag mo ng uulitin ang ginawa mo. Kung hindi, ako mismo ang bubugbog sayo." "Opo tay, pangako di na ako uulit." Bumuntong hininga ako at sinarado na ang pinto ng maliit kong kwartp. Umupo ako sa papag ko na may manipis na kuston. Ang lungkot lungkot ko ngayon. Dahil sa ginawa ni Kuya Jomel ay naging tampulan nga kami ng tsismis. Lagi din akong inaasar ng mga kalaro ko at tinutukso kaya madalas din akong mapaaway.. - "Yung isang tsinelas ko nawawala!" Reklamo ng isang kalaro ko na si Patsing. "Nandyan lang yun kanina nakita ko. Baka naisipa sa kanal." Sabi ko naman at tiningnan ang kanal. Pero wala doon ang tsinelas ni Patsing. Naglalaro kasi kami ng tumbang preso kaya lahat ng tsinelas namin ay nakakalat at lahat kami ay nakapaa. "Baka ninakaw ni Tati." Sabat ni Mimi. Salubong ang kilay na tiningnan ko si Mimi. "Anong ninakaw? Hindi ko ninakaw no!" "Huu! Kunwari ka pa. Eh kuya mo nga magnanakaw eh, malamang magnanakaw ka rin." "Hindi ako magnanakaw!" Sigaw ko kay Mimi. "Huu! Magnanakaw! Magnanakaw!" Panunukso sa akin ni Mimi. Nakisali na rin sa panunukso ang iba pa naming kalaro. "Oy wag nyo ngang asarin si Tati. Hindi naman sya magnanakaw eh." Pagtatanggol sa akin ni Iyek. Naiiyak na ako sa mga panunukso nila dahil hindi naman totoong magnanakaw ako. Saka nagawa lang ni Kuya Jomel na magnakaw para sa pampagamot ni nanay. "Hoy! Bakit nyo inaasar na magnanakaw si Tati ha? Gusto nyong paguupakan ko kayo? Ha?" Biglang sulpot ni Jonjon na nakaliyad ang dibdib at nakakuyom ang kamao. "Naku! Andyan na si tabatchoy!" "Ano? O ikaw? Papalag ka ha? Gusto mo upakan kita?" Paghahamon ni Jonjon sa isang batang lalaki na nang aasar sa akin. "Hmp! Epal ka talagang tabatchoy ka!" Sabi ni Mimi. "Kung ako epal pango ka naman!" "Hmp! Alis na nga tayo dito. May tabatchoy na epal." Sabi ni Mimi at umalis na sya kasama ng iba pang mga batang kalaro namin. "Wala pala kayo eh!" Sigaw ni Jonjon. Lumapit naman sa akin si Iyek. "Wag ka ng umiyak Tati umalis na sila." Suminghot singhot naman ako at pinunasan ng kwelyo ng damit ang mukha ko. "Kapag inasar ka ulit nila Mimi sumbong mo sa akin uupakan ko sila." Sabi ni Jonjon ng makalapit sa akin. Tumango tango naman ako. "Salamat Jonjon ha, mabait ka rin pala." Sabi ni Iyek. "Oo nga ang bait mo." Segunda ko naman sabay ngiti. Hindi na ako malungkot dahil pinagtanggol nila akong dalawa ni Iyek. "Syempre kaibigan kita eh. Saka hindi ka naman magnanakaw, yung kuya mo lang yung magnanakaw." Sinamaan ko ng tingin si Jonjon. Ok na eh. "O sige na, binabawi ko na. Hindi na magnanakaw ang kuya mo." "Ginawa lang yun ng kuya ko para kay nanay. May sakit kasi nanay." "Oo na oo na. Tara doon na lang tayo sa bayabasan. Nandun si Lester nangunguha ng bayabas. Tapos sumbong mo rin kay Lester na inaasar ka nila Mimi siguradong yari yung mga yun." Aya sa amin ni Jonjon. "Talaga! Isusumbong ko sila kay Lester!" Isa din sa tagapagtanggol ko si Lester kaya alam kong aawayin din nya si Mimi kapag nagsumbong ako. Pumunta na kaming tatlo sa bukid kung nasaan si Lester. Siguradong marami na naman akong maiuuwing bayabas. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD