Conrad "KAMUSTA na pare? Wala ka pa ring balak mag asawa?" Napangisi ako sa tanong ni Wallace. Nandito kami sa library office nya. Naiwan sa labas si Wayne sa pangangalaga ng yaya nito. Lumapit sa akin si Wallace at inabutan ako ng baso na may lamang alak. Kinuha ko naman ito at sinimsim. "Wala pa akong nakikitang babae para sa akin." Sabi ko at umupo sa couch sabay de kwatro. Umupo na rin sya sa kaharap kong couch at dumekwatro din. Kaklase ko si Wallace noong college hanggang sa naging magkaibigan kami. Tatlo kaming magkaklase at naging malapit na magkaibigan. "Kamusta naman yung magandang babae na nakilala mo noong birthday party ni Mayor Bartolome? Nakita ko kayo isang beses magkasamang kumakain sa restaurant." Binigyan ako ng tinging malisyoso ng kaibigan. "Wala kaming s

