Tatica LUMIPAS ang tatlong buwan na nanatiling lihim ang pagpapakasal namin ni Conrad. Wala ni isa sa mga kamag anak namin ang nakakaalam pa. Sa ngayon nag e-enjoy naman kami sa secret marriage naming dalawa. Asawang asawa ang papel nya sa akin. Kahit busy sya di sya nakakalimot na sunduin ako sa bahay at sabay kaming papasok. Lagi din kaming sabay kumain sa pananghalian o meryenda. Kapag aalis sya di sya nakakalimot magpaalam sa akin. Lagi din nya akong ina-update kung nasaan sya. Binibigyan nya na rin ako ng allowance kahit nagtatrabaho naman ako. Ayoko ngang tanggapin pero makulit sya. Kaya tinatanggap ko na lang yun at tinatabi. Dahil sikreto ang kasal namin ni Conrad ay hindi pa kami nagsasama sa iisang bubong. Pero ang nagsisilbi naming bahay ay ang resthouse nya. Doon kami naglal

