Tatica WALA akong kangiti ngiti habang nasa byahe kami ni Conrad pauwi. Nakahalukipkip ako at nakatingin lang sa labas ng bintana. Ramdam ko naman na patingin tingin sya sa akin. "Baby." Untag nya sa akin. Hindi ko sya nililingon. Bumuntong hininga naman sya. "Alam ko inis ka na naman sa akin dahil kasama ko si Arlene kanina." Umikot ang mata ko. At least di naman pala sya manhid. "Sinong di maiinis eh kaibigan ang pakilala mo sa kanya samantalang ex mo sya." Sambit ko sa naiinis na boses. Natigilan naman si Conrad. "Paano mo nalamang ex ko si Arlene? Sinabi sayo nila Pancho?" Salubong ang kilay na nilingon ko sya. "Hindi, yung papa mo ang nagsabi. Si Sir Juancho." Umawang ang labi nya. "Kinausap ka ni papa?" Bumuntong hininga ako at tumango. Hangang ngayon nga ay may b

