Tatica SA kabila ng mga sinabi ng papa ni Conrad na hiwalayan ko sya dahil may iba ng babaeng nakatakdang pakasalan nya ay hindi ko ginawa. Mahal na mahal ko si Conrad at di ko kayang layuan sya. Hindi ko rin binanggit sa kanya na nagusap kami ng papa nya. Natatakot ako na baka magdesisyon sya na layuan na ako. Pero masakit sa akin na may iba syang babaeng nakatakdang pakasalan. "Hmm ang higpit naman ng yakap ng baby ko." Natatawang sambit ni Conrad habang nakadapa ako sa ibabaw ng hubad nyang katawan. Katatapos lang ng mainit naming pagniniig dito sa kwarto sa resthouse nya. Hinaplos haplos nya and hubad kong likuran. "Syempre miss na miss kita eh." Malambing na sabi ko. Nitong mga nakaraang araw kasi ay bihira na kaming magkasama ng matagal na oras. Nagkikita naman kami at pinupun

