Chapter 9

1450 Words
Tatica "UY, mukhang masarap ang niluluto ng maganda kong pamangkin ah." Napapitlag ako ng marinig si Tito Rodel sa aking likuran. Kinilabutan pa ako ng tumama ang mainit nyang hininga sa tenga ko. Bahagya akong lumayo sa kanya. "T-Tito Rodel kayo pala, ginulat nyo naman po ako." Gumilid ako at tinaktak ang kahoy na sandok sa gilid ng kawali. Hininaan ko ang apoy. Paluto na rin ang niluluto kong mechado. "Magugulatin pala itong maganda kong pamangkin." Natatawang sabi ni Tito Rodel na hinaplos pa ang pisngi ko. Nangingiwing ngumiti na lang ako. Talagang kinikilabutan ako sa mga pasimpleng hawak nya. Mabait naman si Tito Rodel sa akin kahit noong bata pa ako. Pero nitong mga nakalipas na taon parang naiilang na ako at kinikilabutan minsan sa mga hawak at tingin nya. Para kasing may kakaiba. "Ano ba iyang niluluto mo? Ang bango ah!" "Mechado po." "Hmm, siguradong masarap yan. Ikaw ang nagluto eh." Nakangising sabi ni Tito Rodel. Bahaw na tumawa lang ako. Pinatay ko na ang kalan. Mayamaya lang ay kakain na kami. "Sya nga pala Tati, heto." Inabot nya sa akin ang limang libo. Clueless na kinuha ko naman ito. "Ano po ito tito?" Ngumiti sya. "Para sayo yan, panggastos mo." "Naku tito, m-may pera pa naman po ako." Nahihiyang sabi ko. Binibigyan naman ako ng allowance ni Tita Marie kahit hindi ganun kalakihan. Iniipon ko yun at hindi ginagastos maliban na lang sa importanteng bagay. "Eh di, idagdag mo yan. Pero wag mong sasabihin sa tita mo ha." Nalilito naman ako kung ano ang dapat kong gawin. Hindi naman ito ang unang beses na binigyan ako ni Tito Rodel ng pera. Nagtatalo kasi ang isip ko kung tatanggapin ko ba o hindi. Pero sa huli ay tinanggap ko na rin. "S-Salamat po tito." "Wala yun, para sa maganda at sexy kong pamangkin." Nakangising sabi nya at hindi nakaligtas sa paningin ko ang pasimple nyang pagtingin sa dibdib ko bago tumalikod. Parang bigla tuloy nanlamig ang buong katawan ko at kumalabog ang dibdib ko sa kaba. Ipinilig pilig ko ang ulo. Baka ako lang ang nagiisip ng ganito. Baka napapraning lang ako. Nag ayos na ako sa kusina. Ilang sandali pa ay pumasok na si Ate Saning at nagpapahain na raw si Tita Marie. Mag a-alas syete na kasi at maghahapunan na. "Malapit na ang enroll-an nyo. Mag ayos ayos na kayo ng kailangan nyo. Ikaw Tati." Untag sa akin ni Tita Marie sa gitna ng hapunan. Nilunok ko muna ang pagkain. "Ok na po tita, hinihintay ko na lang po yung araw ng enroll-an." Tumango tango si Tita Marie. "O, wag munang magboboyfriend ha. Mag aral muna, saka na muna yang paglalandi." Sabi ni Tita Marie. "Opo tita." Wala pa naman talaga sa isip ko ang pagboboyfriend kahit marami ang nagpaparamdam sa akin. Mas focus ako ngayon sa pag aaral ko. "Eh paano naman magkakaboyfriend tong pamangkin mo eh bantay sarado mo. Bawal gumala at dapat paggaling sa school dito lang sa bahay." Sabi ni Tito Rodel. "Aba'y dapat lang. Ayokong masayang ang pinampapaaral ko sa kanya. Baka mamaya magaya sya sa iba dyan. Hindi pa nakakagraduate buntis na agad." Kimi akong ngumiti at bahagyang yumuko. Hindi na ako sumagot dahil baka mauwi lang sa panenermon sa akin. "Ang dapat pagsabihan mo itong si Meryl. Aba'y panay ang gala at kung sino sinong mga lalaki ang kasama." "O bakit ako na naman ang nakita mo daddy." Nakangusong angal ni Meryl. "Eh kanino pa ba magmamana itong anak mo kundi sayo." "Kuh, ako na naman ang nakita mo." Umirap si Tita Marie. "Mag ama nga kayong dalawa. Basta ikaw Meryl ha, siguraduhin mong magtatapos ka." "Oo mommy, para naman wala kayong tiwala sa akin." Sa buong durasyon ng hapunan ay tahimik lang ako at nagfocus sa pagkain. Hindi na ako nakisawsaw sa usapin nila at sumasagot lang kapag tinatanong ako. Pero si Tito Rodel ay napapansin kong palihim na tumitingin sa akin. Sa lumipas na mga araw ay mas madalas kong nahuhuling nakatingin sa akin si Tito Rodel. Kapag nahuhuli ko sya ay ngingitian lang nya ako o kaya ngingisihan. Hindi ko na nagugustuhan ang uri ng mga tingin nya sa akin. Lalo na kapag nakasuot ako ng maiksing short. May hindi tama talaga at nakakaramdan na ako ng takot. Kaya ang madalas ko ng suot ay mahabang short at medyo maluwang na tshirt na hindi masyadong hakab ang may kalusugang dibdib ko. Kapag lumalapit sya sa akin ay agad na akong lumalayo at nagdadahilan na may gagawin. "Tati." Untag sa akin ni Ate Saning habang tinutulungan ko syang maghimay ng gulay. "Bakit Ate Saning?" Sumulyap sa akin si Ate Saning at bumuntong hininga. Tumingin pa sya sa pinto ng kusina na tila tinitingnan kung may taong papasok. "Mag iingat ka sa Tito Rodel mo." Halos pabulong na sabi ni Ate Saning. Bumundol naman ang kaba sa dibdib ko. "Ano pong ibig nyong sabihin Ate Saning?" Muling tumingin si Ate Saning sa pinto ng kusina, sakto namang dumaan si Tito Rodel na may kausap sa cellphone pero nakating ito sa akin. Hayun na naman ang kilabot na naramdaman ko. "Madalas kong napapansin yang tito mo na palihim kang tinitingnan at minsan pinipiktyuran ka pa. Iba ang kutob ko dyan sa tito mo kaya mag iingat ka lalo na sa gabi. Lagi kang magla-lock ng pinto." Napalunok ako sa sinabi ni Ate Saning at lalong nilukuban ng kaba. So sya rin pala ay napapansin ang kakaibang kinikilos ni Tito Rodel sa akin. Eh si Tita Marie kaya? Malamang ay hindi dahil madalas syang wala dito sa bahay at nasa grocery store. "O-Oo Ate Saning." Mua nga noon ay naging maingat na ako. Lagi na akong nagla-lock ng pinto ng kwarto lalo na sa gabi. "Sobra ka na naming namimiss ng kuya mo anak. Pasensya ka na kung hindi pa kita madalaw dyan sa Manila. Hindi ko pa kasi kaya." Ngumiti ako habang tinitingnan si tatay sa screen ng cellphone. Mangiyak ngiyak pa sya. Bahagya nga syang nangayayat kesa noong huli ko syang nakita. Gusto ko mang umuwi sa amin kahit saglit lang ay ayaw naman akong payagan ni Tita Marie. Magsasayang lang daw ako ng pamasahe at oras. Saka na daw ako umuwi kapag graduate na ako. Kaya nga mula ng umalis ako sa probinsya namin magpahanggang ngayon ay hindi pa ako nakakauwi. Mabuti na nga lang talaga at may social media kaya kahit paano ay may balita ako sa amin. Bukod kay tatay at Kuya Jomel ay nakakausap ko din sila Iyek, Jonjon at Lester na mga friend ko rin sa social media. Maging sila ay sobrang miss ko na rin. "Wala po yun tay. Ang importante po ay ang kalusugan nyo. Sobra ko na rin po kayong miss ni Kuya Jomel. Dalawang taon na lang tay gagraduate na ako." "Oo anak, kaunting tiis na lang makakauwi ka na. O heto na pala ang kuya mo." Gumalaw ang screen ng cellphone at natuon naman sa mukha ni Kuya Jomel. Nag excuse lang sya sandali kanina dahil may tumawag sa kanya sa labas ng bahay. Malaki na rin ang pinagbago ni Kuya Jomel. Lalo syang gumuwapo. Hindi na sya nakawheel chair ngayon pero hirap pa ring makalakad ng diretso kaya may saklay sya. Pero kahit ganun ang sitwasyon nya ay malusog naman ang pangangatawan nya. Alaga sya sa ehersisyo kaya lumaki ang katawan. Isa din siguro yun sa dahilan kung bakit mabilis syang makarecover. May sarili na rin syang pinagkakakitaan. Gumagawa sya ng sirang electric fan at washing machine. Tumutulong din sya minsan kay tatay sa palaisdaan. "Basta bunso mag aaral kang mabuti ha. Wag mo kaming masyadong alalahanin dito ni tatay. Si tatay naman kahit papaano ay nakakainom ng gamot. Miss na miss na rin kita bunso." "Ako rin kuya, miss na rin kita. Mag aaral akong mabuti para sa inyo ni tatay." "Magaral kang mabuti para sa future mo. Ayos lang kami ni tatay. Hihintayin namin ang paguwi mo rito." "Malapit na malapit na yun kuya. Mabilis lang dumaan ang mga araw." At sabik na sabik na rin talaga syang makagraduate at makauwi. Gusto na nyang mayakap ang dalawang taong importante sa buhay nya. Nagpaalam na ako kay Kuya Jomel at tatay dahil alas dies pasado na ng gabi. Kailangan ko ng matulog baka tanghaliin na naman ako ng gising bukas. Malalagot na naman ako kay Tita Marie. Nilock ko na ang pinto at pinatay ang ilaw. Binuksan ko naman ang lampshade. Nagdasal muna ako bago ako humiga... Naalimpungatan ako dahil sa pakiramdam na may humahaplos sa hita ko. Minulat ko ang mata. May nakita akong bulto ng mukha. Kinurap kurap ko ang mata hanggang sa luminaw. Nanlaki ang mata ko ng mapagsino ito. "T-Tito Rodel!" *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD