Chapter 8

1816 Words
Year 2023 Present Day.. Tatica "TATICA!" Sunod sunod na malakas na katok sa pinto ang narinig ko. Nagmulat ako ng mata at napangiwi ng sumigid ang kirot sa ulo ko. "Tatica ano ba! Tanghali na natutulog ka pa. Bumangon ka na riyan!" Boses ni Tita Marie sa likod ng pinto. "Gising na po." Kahit mabigat ang pakiramdam at kumikirot ang ulo ay pinilit ko ng bumangon. Gusto ko sanang sabihin kay Tita Marie na masama ang pakiramdam ko pero baka sabihan lang nya akong nag iinarte. Tumingin ako sa cellphone kong old model. Alas otso na pala ng umaga kaya kinakalampag ako ni Tita Marie. Mabuti na lang talaga at bakasyon na. "Bilisan mo dyan at bumaba ka na. Tulungan mo si Saning maglaba." "Opo." Hindi ko na narinig ang boses ni Tita Marie. Malamang ay umalis na. Niligpit ko naman ang hinigaan ko at pinatay ang electric fan. Pumasok ako sa banyo para maghilamos at magmumog. Tumingin ako sa salamin. Magulo ang may kahabaan kong buhok kaya tinali ko ito pataas. Pumikit ako ng muli na namang sumigid ang kirot sa sentido ko. Bumuntong hininga ako. Manghihingi na lang ako mamaya ng gamot kay Ate Saning. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na. Naabutan ko si Tita Marie sa sala at may ginagawa. Mukhang nagtsitsek sya ng mga resibo. May grocery store kasi syang negosyo. Dati tatlo ang grocery store nila ngayon ay isa na lang dahil nalugi. Nagsara din ang mamihan nila. Nag angat ng tingin si Tita Marie ng mapansin na pababa na ako. "Good morning po tita." Bati ko. "Mag almusal ka na, pagkatapos ay tulungan mo si Saning maglaba." Malamig na sabi nya. Nagkibit balikat na lang ako. Sanay na ako sa malamig na trato nya sa akin. "Opo." Muling bumalik sa ginagawa si Tita Marie. Ako naman ay dumiretso na ng kusina. May sinangag na bahagya ng malamig. May pritong itlog, hotdog at ham na nasa mesa. Nagtimpla ako ng chocolate powder at kahit walang gana ay pipilitin kong kumain. Tutulungan kong maglaba si Ate Saning kaya kailangan ko ng lakas. Siguradong marami na namang labahin. Dati ay tatlo ang kasambahay. Pero dahil nagsara na nga ang ibang negosyo ni Tita Marie at Tito Rodel ay nagbawas ng kasambahay at natira na lang si Ate Saning. At bilang ako ay nakikitira lang dito at pinapaaral ay tumutulong na lang ako sa gawaing bahay. Para kahit papaano ay makabawi man lang. Sa paparating na pasukan ay third year college na ako sa kursong BSHRM. Dalawang taon na lang ang bubunuin ko graduate na ako. "Ay gising na pala ang pinakamaganda kong alaga." Bati sa akin ni Ate Sinang. Nginitian ko naman sya. "Good morning Ate Sinang, wag kayong ganyan marinig kayo ni Meryl talakan kayo nun. Gusto nun sya ang pinakamaganda." "Eh ang kaso, wala naman sya nun. Imahinasyaon lang ang meron sya." Humahagikgik na sabi ni Ate Saning pati ako ay napahagikgik na rin. Sa bahay na ito si Ate Saning lang talaga ang masasabi kong mabait sa akin at close ko talaga. Mabait din naman si Tita Marie, syempre sya ang nagpapaaral sa akin, pinapakain at pinapatira nya ako dito. Pero madalas naman syang masungit sa akin. Parang wala akong ginawang tama sa kanya. Noong maliit nga ako ay madalas nya akong kurutin at paluin kapag nag aaway kami ni Meryl. Syempre ito ang kakampihan nya kahit ito ang mali dahil anak nya ito. Noong mga panahon na yun aping api ang pakiramdam ko at sobrang namimiss ko si nanay. Dahil si nanay isang beses lang nya akong pinapalo noon kapag matigas ang ulo ko at pasaway ako. Gustong gusto ko ng umuwi noon. Maganda nga ang bahay na tinitirhan ko at de aircon, nakakapag aral ako sa private school at nakakakain ako ng masarap na pagkain pero malungkot naman ako at nagiisa ang pakiramdam. Lagi akong nakakulong dito sa bahay at bawal lumabas. Kapag may sakit ako si Ate Saning lang ang nag aalaga sa akin. Ang masayang araw ko lang ay kapag dumadalaw si tatay. Regular nya akong dinadalaw isang beses sa isang buwan. Halos limang oras kasi ang byahe mula sa San Isidro papunta dito sa Manila kaya isang beses lang nya ako nadadalaw sa isang buwan. Binibigyan nya ako ng pera. Sayang nga lang at hindi nakakasama si Kuya Jomel. Miss na miss ko na silang dalawa. Mabuti na lang ay uso na ang social media kaya nakakausap ko na sila madalas at nakakavideo call pa. Kaya kahit hindi ako nakakapunta sa amin ay atleast nababawasan ang pangungulila ko sa kanila. Pero nitong huling tatlong buwan ay hindi nakadalaw si tatay sa akin. May sakit kasi sya. May kumplikasyon na rin sya sa puso. Kaya nagsusumikap talaga akong makatapos para sa kanila ni Kuya Jomel. "Ayos ka lang ba Tati? Medyo namumula ka ah." Puna sa akin ni Ate Saning habang magkatuwang kaming nagbabanlaw. Medyo giniginaw na nga ako. Nakalimutan kong manghingi ng gamot kanina. "Medyo masama nga ang pakiramdam ko Ate Saning eh. Para akong lalagnatin." Naulanan kasi ako kahapon pag uwi galing sa pagpapaprint. Sira kasi ang printer dito sa bahay. May printer naman sa kwarto nya si Meryl pero alam kong hindi nya ako pahihiramin. Ayaw nga nya akong pumasok sa kwarto nya eh dahil baka madumihan ko daw. Sus! Eh madumi naman talaga at makalat ang kwarto nya dahil hindi sya marunong maglinis. "Ganun ba. Aba'y hindi ka na dapat tumulong dito at magpahinga ka na lang sana." Ngumuso ako. "Kaya ko naman Ate Saning, pagalitan pa ako ni Tita Marie sabihin nag iinarte ako. May gamot ba tayo dyan?" "Oo, nasa ibabaw ng ref. Yung maliit na garapon may paracetamol doon. Sige na uminom ka na ng gamot bago pa tuluyang mauwi sa lagnat yan." Tumayo na ako at nagpunas ng kamay. Pumasok ako ng kusina at tinungo ang ref. May nakita nga akong maliit na garapon sa ibabaw. Inabot ko yun at binuksan. Kumuha ako ng isang tableta ng paracetamol. Kumuha ako ng tubig sa ref at ininom ang gamot. Binalikan ko sa likod ng bahay si Ate Saning para tulungang maglaba. Pero magagagaan na damit lang ang pinahawakan nya sa akin. "Pakisama na nga itong mga bagong damit ko." Sabi ni Meryl na hinagis sa plangganang walang laman ang mga dala nyang damit na puro puti. "Sige kami na ang bahala dito Meryl." Sabi ko. Nagsalubong ang kilay ni Meryl. "Anong kami? Si Ate Saning lang ang bahala sa mga damit ko. Baka mamaya mahawaan na naman yan dahil sa katangahan mo. Ate Saning paki ayos ang paglalaba nyan ha." Mataray na sabi nya at inirapan ako sabay talikod. Napairap na lang ako. One time kasi noong ako ang naglaba ng puting damit nya ay hindi sinasadyang nahawaan ito ng de color. Ayun, nagngangawa sya. Pati si Tita Marie tinalakan din ako ng bonggang bonnga. "Kuh, ubod talaga ng maldita yang pinsan mo. Sige na ako na ang bahala dito sa damit nya. Baka awayin ka na naman nun kapag nakita nyang hawak mo ang damit nya." Bumuntong hininga ako at tinuloy na ang pagbabanlaw ng mga medyas. Gumanda ganda na ang pakiramdam ko pagkatapos kong uminom ng gamot. "Ewan, ko ba dyan sa pinsan ko na yan Ate Saning. Pinapakisamahan ko naman ng maayos. Kulang na nga lang maging alipin nya ako. Pero wala eh. Walang kabait bait sa katawan. Ni madikit nga sa akin ay ayaw. Para bang may nakakahawa akong sakit." Kahit buwisit na buwisit ako kay Meryl ay pinapakisamahan ko pa rin sya sa kabila ng pagiging matapobre nya sa akin. Syempre nakikitira lang ako dito kaya ako dapat ang mag adjust. "Kuh, insecure lang sayo yan." Halos pabulong na sabi ni Ate Saning. "Alam mo malaki ang inggit sayo nyang pinsan mo. Maganda ka, sya medyo may hitsura lang. Maputi ka, makinis at sexy, sya hayun! Lumalaklak ng sangkatutak na pampaputi pero parang hindi naman tumatalab. Ganun talaga kapag maitim ang budhi. Parang aparador pa ang katawan tapos ang hilig pang magsuot ng mga seksing damit kahit hindi naman bagay." Natawa na lang ako sa mga sinabi ni Ate Saning. Marami nga ang nagsasabi na hindi kami magkamukha ni Meryl kahit magpinsan kami. Madalas nga rin kaming ipagkumpara ng mga classmate namin. Kaya isa din siguro yun kung bakit mainit ang ulo nya sa akin. Kaya bilang ganti sinasabi nya sa mga classmate namin na katulong ako dito sa bahay nila at scholar ni Tita Marie. Pinagkikibit balikat ko na lang yun. Kung dati apektado ako at umiiyak ngayon hindi na. Naging manhid na ang pakiramdam ko. Nalaman ko ring hindi pala buong magkapatid si nanay at Tita Marie. Anak si nanay sa pangalawang asawa ni lola. Kaya pala hindi rin sila masyadong magkamukha. Tapos si Meryl mas kamukha nya si Tito Rodel. Parehas silang kayumanggi at kulutan ang buhok. Medyo flat din ang ilong. Ako naman kamukha daw ni nanay noong kabataan pa. Parehas daw kaming tisay at maputi ni nanay. Pero ang tuwid kong buhok at matangos na ilong ay namana ko kay tatay. - "Mommy sige na kasi. May gala kami sa Wednesday ng mga tropa. Gusto ko naman ng bagong look. Kita nyo naman yung buhok ko o, lumalabas na ang mga kulot kulot." Dinig kong ungot ni Meryl kay Tita Marie. Nasa sala silang dalawa at katatapos lamg namin mananghalian. "Lintek namin kasi yang buhok mo. Kahit anong unat ang gawin bumabalik pa din sa dati. Kung bakit naman kasi nagmana ka pa sa daddy mo." "Kaya nga mommy sige na! Bigyan mo na ko ng pamparebond." "Magkano ba yang pamparebond mo na yan?" "Ten thousand." "Ten thousand!? Ang mahal naman nyan!" "Eh ganun talag mommy. Makapal ang buhok ko eh." Lihim akong natawa sa naririnig habang nagliligpit ako ng mga pinagkainan namin dito sa komedor. "Naku ka talagang bata ka. Ang lakas mong manghingi ng pera pero di ka nagaaral ng mabuti. Puro ka pa barkada." "Ihh mommy naman puro sermon. Bigyan mo na kasi ako." "Wala akong cash dito. Mamaya sa daddy mo pag uwi, manghingi ka." "Yehey! Labyu mommy!" "Kuh! Lab mo lang ako kapag may kailangan ka." Malungkot akong ngumiti habang naririnig ang paglalambingan ng magina. Bigla kong namiss si nanay. Pero kahit walang pera si nanay noon mahal na mahal ko pa rin sya. Sa labindalawang taon kong paninirahan dito ay marami na akong nasaksihan sa pamilya ni Tita Marie. Malayong malayo ang pamilya namin sa kanila. Marami nga silang pera pero madalas silang mag away. At ang madalas nilang pag awayan ay pera at ang pagiging babaero ni Tito Rodel. Malayong malayo sa pamilya namin. Kahit mahirap lang kami at nagkakaproblema ay wala akong natatandaan na nag away noon si tatay at si nanay. Masaya pa rin ang pamilya namin at sobrang namimiss ko na sila lalo na si nanay. Pinunasan ko ng braso ang tumulong luha sa pisngi ko. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD