Tatica KAGAT kagat ko ang labi habang nakadikit ang tenga ko sa pinto ng kwarto ko. Nakita ko sa bintana ang pagdating ni Boss Conrad at may dala pa syang bulaklak. Tinotoo nga nya ang sinabi ko na manligaw sya. Akala ko di nya gagawin eh. Kinikilig ako. Pero kinakabahan din sa magiging reaksyon ni tatay at ni Kuya Jomel. "Magandang gabi ho Mang Elias." Lumakas ang kabog ng dibdib ko ng marinig ang malaking boses ni Boss Conrad. "Ikaw pala Conrad. Naparito ka. Pasok ka." "Salamat ho Mang Elias." "Ano bang sadya mo at may dala ka pang bulaklak?" "May sasabihin ho sana ako sa inyo Mang Elias. Ah si Tati ho pala?" "Nasa kwarto nya. Teka lang tatawagin ko." Lumayo ako sa pinto at inayos ang suot kong damit at shorts na kalahati ng hita ko ang iksi. Ilang sandali pa ay kumakatok n

