Tatica SUNOD sunod ang kagat ko ng pizza habang pinapanood si Boss Conrad na nagpupukpok naman ngayon. Tapos ko ng gawin ang pinapagawa nya sa akin. Tumawag na rin ako sa hardware para magpadeliver ng mga gamit dito. Mataas na ang araw pero tuloy tuloy pa rin ang mga trabahador sa ginagawa. Unti unti na ring naayos ang bubungan ng barn house. Yung mga kulungan na lang ang ginagawa at hands on doon si bossing katulong sila Kuya Pancho. Ako naman hands on din sa pagtitig sa kanya habang prente akong nakaupo dito sa ilallim ng puno ng mayabong na narra. Ang sarap talaga nya -- este ng pizza. Lalo akong ginugutom. Pagsubo ko ng huling kagat ay kumuha pa ako ng isang slice. Pina-order to sa akin ni Boss Conrad para meryenda ng mga tauhan. Nag memeryenda na ang ibang tauhan pero sya ay aya

