Tatica NAALIMPUNGATAN ako sa masusuyong haplos sa pisngi at buhok ko. Dahan dahan akong dumilat ng mata. Bumungad sa akin ang mukha ni Conrad na nakabukas ang pag aalala. Ngumiti ako sa kanya. "Kamusta ang pakiramdam mo?" Malambing na tanong. Pinakiramdaman ko naman ang sarili. Medyo ok na ang pakiramdam ko kesa kanina. Hindi na ako nilalamig. Nakatulong ang gamot na pinainom ni tatay kanina. Pero masakit pa rin ang katawan ko at kasalanan yun lahat ng lalaking ito. Ngumuso ako. "Masakit ang buong katawan ko pati pepe ko. Kasalanan mo to." Paninisi ko sa kanya. Kumamot naman sya sa ulo. Halatang guilty. "I'm sorry baby, kung alam ko lang hindi na sana -- " "Ayos lang, g-ginusto ko rin naman." Putol ko sa sasabihin nya. Hinawakan ko ang malaking kamay nya. Ngumiti naman sya

