Third POV "I'M sorry to say this Don Epifanio, pero wala na sa dati nyang tinitirhan ang babae na nagalaga sa anak nyo. Ayon sa napagtanunngan ko matagal na panahon na raw silang umalis sa lugar na yun at ang huling balita nila ay patay na nga raw ang babae." Napahilot sa noo ang don sa ibinalita ni Leo. Ang private investigator na inupahan nya para hanapin ang matagal na nyang nawawalang anak. "Yung anak ko? May balita ka ba sa kanya?" "Ang sabi po ng napagtanungan ko ang huling balita daw nya sa anak nyo ay pumunta daw ng Manila. Yun lang po ang nakalap kong impormasyon." Marahas na bumuntong hininga si Don Epifanio. Kinumpas kumpas nya ang kamay sa inis. "Wala na bang bago? Yan din ang laging sinasabi ng mga dating private investigator na inupahan ko. Ilang beses ko na rin pin

