Tatica NAPAPAUNGOL ako habang kumakain ng kalamares. Malambot kasi ito at hindi makunat. Idagdag pa na masarap ang suka. Naka sampung piraso na nga ako nito. Kagagaling lang namin ni Conrad sa Kapitolyo at pabalik na sa opisina ng may nakita akong mga nagtitinda ng fishball, kikiam, kwek kwek at calamares sa gilid ng isang parke. Isang hilera nga ng mga vendors ang naroon. May mga nag iihaw pa ng isaw at yun ang nilalantakan nila Conrad at nila Kuya Pancho. "Bossing tikman mo tong kalamares ang sarap talaga." Sabi ko kay Conrad at inumang sa bibig nya ang kalamares na nakatusok sa stick. Binuka naman nya ang bibig at sinubo ang kalamares. Tumango tango sya habang ngumunguya. "Masarap at malambot." Aniya at nagthumps up sa tindero. Napangiti naman ang tindero. "Ito naman tikman

