Conrado ILANG sandaling natahimik ang buong arena at halatang nagulat sa pangyayari. Maging ako ay di makapaniwala. Mabilis lang na tinapos ni Rocky ang laban. Heto na at palakad lakad ito sa loob ng rueda habang tumitilaok ng pagkalakas lakas na tila naghahamon pa. Si Ka Manolo nga ay natulala pa at nakatitig lang sa manok nyang nakahandusay na at tila wala ng buhay. Muling nagkaingay ang mga tao. Umakyat naman ako sa rueda para kunin si Rocky. Umakyat na rin si Ka Manolo at kinuha ang manok nyang wala ng buhay at sumisirit na ang dugo. Inanunsyo ng sentenciador na panalo si Rocky. Lalong naghiyawan ang mga tao. Karamihan mga dismayado dahil talo sila. Lumabas na ako ng rueda bitbit si Rocky. Tsinek ko kung may sugat ito. Pero wala. Nalagasan lang ng balahibo. "Omgeee! Panalo

