Chapter 2

981 Words
Maria Erika Alviska Makailang ulit na akong bumuntong hininga pero hindi pa rin mawala-wala ang kabang nararamdaman ko. Ala-una ng madaling araw nang magising ako kanina. Pinilit kong matulog ulit pero hindi talaga ako dinadalaw ng antok kaya bumaba na lang ako para kumuha ng tubig. Hindi na ako nag-abala na buksan ang ilaw sa kusina. Nakikita ko naman kasi kahit papaano ang bawat paligid. Masyadong maliwanag ang sikat ng buwan na tumatama sa bintana. Unang araw ko pa lang sa mansyon na ito pero tila gusto ko na lang kumaripas ng takbo at magtago na lang. Ayoko sanang manirahan dito ngunit wala akong magawa. Natatakot ako sa pwedeng mangyare. Sa banta ni Mr. Toscano. Hanggang ngayon hindi pa rin mawala-wala ang takot ko kay Erion. Ang galit niyang mukha at matalim niyang mga titig, na kapag naaalala ko, para akong mauubusan ng hangin sa katawan. Hanggang ngayon nanginginig pa rin ako kapag naiisip ko ang nangyare kanina. "Seryuso ka dad?! Itong si Manang talaga ang kinabit mo?! Maghahanap ka na rin lang ng kakabitin iyong panget na Manang pa talaga!" Galit na galit na sabi nito sa akin. Halos mapaantras ako sa talim ng titig niya sa akin. Hindi ko maiwasang matakot sa kanya lalo't ngayon ko lamang siya nakitang ganoon. "Tumahimik ka Erion! Ang bibig mo itikom mo iyan!" "Seriously?" Hindi nawala ang matalim na titig niya sa akin. Kahit umiwas ako ng tingin sa kanya at yumuko na lamang, dama ko pa rin ang galit at ang mga titig niyang parang handa na akong patayin. Napaintad ako ng muli siyang sumigaw. "T**gna! Panget na Manang na nga! Malandi din pala!" Nangilid ang aking mga luha. Mariin kong nakagat ang aking labi para itago ang gusto kumawala dito. Masakit ang mga salitang binibitawan niya sa akin. Wala naman iyong katotohanan. Gusto kong magpaliwanag pero tila naputol ang dila ko at hindi makapagsalita. Nais kong ipagtanggol ang aking sarili pero nagmistulan namang akong walang boses. Tila isang pipi. Napahikbi ako ng nagdadabog siyang umalis. Napasunod lang ang paningin ko sa likuran niyang papalayo sa sa amin. 'I'm sorry, Erion.' "Hija, pagpasensyahan mo na si Erion." Mapait kong nginitian at tinanguan si Mr. Toscano. Puno ng simpatya ang mukha niya. Hindi sinasadyang dumako ang paningin ko sa Mommy ni Erion. Hindi ko mabasa ang expression niya sa mukha. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin o naaawa ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Nag-iwas na lamang ako ng tingin at muling yumuko. Ang sabi ni Mr. Toscano sa akin, nasabi na daw niya sa asawa niya ang katotohanan. Kahit gayon pa man, hindi ko pa rin maiwasang mangamba. Natatakot ako na baka saktan niya ako. Nag-iisa na lang ako sa buhay. Wala akong kamag-anak na magiging kakampi. Maagang namayapa ang aking mga magulang. Sa ampunan ako napunta dahil hindi ako kayang suportahan ng aking Tiya. Nang tumunton sa tamang edad, pinalabas ako sa bahay ampunan. Nagtrabaho para mabuhay ang sarili. Doon nagtrabaho ako sa kumpanya ni Mr. Toscano bilang sekretarya niya. Hindi sinasadyang mangyare ang isang gabing 'yon. Isang gabi lang pero nagbago ang lahat sa buhay ko. "Malandi!" Natilihan ako sa malakas na sigaw na iyon. Napatayo ako sa aking kinauupuan. Awang ang labi kong hinarap ang taong iyon. Na kahit hindi pa ako humaharap, kilalang-kilala ko na kaagad ang boses na iyon. My heart beats fast ang loud. Halos lumabas na ito sa aking dibdib. "E-erion..." Nanginginig ang labi ko na sambit sa kanyang pangalan. Nag-init ang magkabilaang gilid ng aking mga mata. Gusto kong umalis sa kinatatayuan at bumalik na lamang sa aking silid pero naestatwa na ako dito. Nanghihina ang mga tuhod. Pakiramdam ko kapag gumawa ako ng isang hakbang, tuluyan akong babagsak sa nanginginig kong tuhod. Malakas ang kabog ng aking dibdib. Ngayon pinagsisisihan ko kung bakit pumunta pa ako sa kusina ng ganitong oras. Nahigit ko ang aking hininga ng unti-unti siyang lumapit patungo sa akin. Hindi ako makaurong dahil lamesa na ang nasa likuran ko. Sa bawat hakbang niya, mas nasisilayan ko na ang matalim na titig niya sa akin. Ang kanyang labi ay lapat na lapat. Ang mukha'y lukot na lukot. Nilukuban ng takot at pangamba ang buong systema ko. Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong kahit na wala pa siyang ginagawa sa akin. Ayokong naiiwan kaming dalawa sa maliit na espasyo. Nahihigit ko ang aking hininga. Kinakapos ng hangin. Halos lumabas na ang puso ko sa aking dibdib sa sobrang lakas ng pintig nito. "Ayos, ah! Sarap buhay ni Manang." Hindi ako nakapagsalita. Yumuko ako para hindi ko masalubong ang paningin niyang matalim. Pero parang tinakasan ako ng kaluluwa ng higitin niya ako papalapit sa kanya. Napasinghap ako. Dumaing sa sakit at higpit ng hawak niya sa braso ko. Napaiyak ako. "E-erion... m-masakit." "Masakit? Magdusa ka!" Nanunuya niyang sabi habang hindi maputol-putol ang talim ng kanyang titig. "Alam mo? Hindi ko talaga inaakala na ang isang katulad mo ay pinatulan ni Daddy. Alam mo na ngang may asawa iyong tao pinatulan mo pa. Makati ka rin talaga, e, no?!" Bayolente akong lumunok. Umiling ako sa kanya. May kung ano ang nagbara sa aking lalamunan. Bumaba ang titig niya sa akin at may panunuyang pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko. Sa tingin niya na iyon, alam ko na nandidiri siya sa akin- sa itsura ko. Kitang-kita ko ang digusto sa kanyang mukha. Kung paanong ang sinasabi ng kanyang mukha ay kalait-lait ako. "Nasa loob rin talaga ang kulo mo, Manang, ano? At makapal talaga ang mukha mong tumira dito! Pwes, humanda ka sa'kin. Pagsisisihan mo na umapak ka pa dito sa pamamahay ko! Gagawin kong impyerno ang buhay mo! Malandi!" Padarag ako nitong binitiwan. Bumangga ang aking likuran sa lamesa. Ngunit hindi ko iyon dinamdam. Ang nasa isipan ko ay ang mga sinabi niya. Natatakot ako na baka mapahamak ako. Na baka totohanin niya ang kanyang mga sinabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD