Ilang minuto akong nakatayo mula ng iwan ako doon ni Erion. Nakatulala ako sa pintuang nilabasan niya. Nang mahimasmasan, bumalik na rin ako sa kwarto. Umiyak ako ng umiyak dahil natatakot ako sa kanya. Hanggang sa nakatulugan ko na lang ang pag-iyak.
Nang magising ako kina-umagahan, hindi mapawat ang kabang nararamdaman ko.
Nanginginig na kinurot ng isang kamay ko ang isa pang palad. Kinakabahan ako at sa tuwing nangyayare iyon. Unconciously, nakukurot ko ang isang palad. Siguro nga ay manirism ko na iyon simula noong bata pa lamang ako.
Kapag kasi kinakabahan ako o kapag masyado akong natatakot, o di kaya ay nasasaktan ako, hindi ko na mamalayan na nakukurot ko na pala ang isang palad. Pakiramdam ko din kasi, kahit papaano, nawawala iyong gan'ong klase na pakiramdam.
Katulad na lang ngayon, natatakot ako at kinakabahan. Pangalawang araw ko palang sa mansyon ng mga Toscano pero pakiramdam ko, kapag nanatili pa ako dito ng ilang oras, malalagutan na ako ng hininga.
Hindi ko makalimutan iyong mga sinabi kagabi ni Erion. Natatakot ako sa mga banta nito. Alam kong hindi lamang iyon simpleng banta. Sigurado ako na mas brutal pa ang gagawin nito sa akin.
Halos mapatalon ako sa biglaang pagkatok ng kung sino. Bayolente muna akong lumunok bago buksan ng marahan ang pintuan ng aking kwarto.
"A-ano po iyon?" Nanginig ang aking boses sa pagtatanong.
Muli kong nakurot ang aking palad. Kinakabahan na naman kasi ako.
"Kanina ka pa inaantay sa hapag kainan, bumaba ka na, hija." Anang ni Nanay Rosie.
Siya ang mayordoma sa mansyon na ito. Hindi ito nakangiti sa akin. Wala kang mababakas na ano mang emosyon sa mukha nito kaya hindi ko tuloy alam kung ano ba ang impresyon niya sa akin. Kung nagagalit ba siya o naiintindihan niya ang sitwasyon ko. Sa mansyon na ito, ako lamang, at si Mr. At Mrs. Toscano ang nakakaalam sa lahat ng tungkol sa akin. Ang alam ng lahat dito ay kabit ako ni Mr. Toscano. Gusto ko sanang umapela at ipagtanggol ang aking sarili pero nawalan ako ng boses. Hindi ako makapagsalita. Natutuliro ako sa tuwing naririnig ang mga masasakit na salita tungkol sa akin.
Inayos ko muna ang makapal na salamin sa mata bago ako tumango sa matanda't sumunod sa kanya.
Pagkapasok ko pa lang sa Dining Area, ang nakabusangot na mukha ni Erion ang sumalubong sa akin. Matalim ang ibinibigay niyang titig sa akin. Marahas akong lumunok bago mag-iwas ng tingin sa kanya.
"Erika, dito ka na ma-upo."
Bumaling ang aking paningin nang magsalita ng marahan si Mr. Toscano pero saglit lang iyon dahil tumagos ang aking paningin kay Mrs. Toscano. Nakaupo ito katabi ng kanyang asawa.
Katulad ni Nanay Rosie, wala ring emosyon ang mukha niya kaya hindi ko rin alam kung ano ba ang nararamdaman niya patungkol sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanila. Nagbaba ng ulo at dahan-dahang naglakad papalapit sa lamesa. Bawat hakbang ko ay palakas din ng palakas ang kabog ng aking dibdib. Nahihirapan akong huminga sa klase ng kabang nararamdam ko.
Muli kong nakurot ang aking palad. Bahagya akong sumulyap kay Erion ngunit natigilan ako nang makitang nakatingin siya sa kamay kong paulit-ulit na kinukurot ang isang kamay ko pa. Kunot na kunot ang noo niya habang nakatingin sa kamay ko- na para bang kaaway niya ito.
Nagtagal ang paningin ko sa kanya kaya halos mapatalon ako sa gulat nang dahan-dahang tumaas ang tingin niya at magtama ang paningin namin. Nahigit ko ang hininga at aligagang nagbaba ng tingin. Halos maghabol ako ng hangin dahil sa nangyaring pagtatama ng aming paningin. Mas kinakabahan ako kaysa kanina! Pakiramdam ko kasi nahuli niya ako sa isang bagay na krimen para sa mga mata niya.
Maingat kong hinila ang upuan, isang pagitan sa upuan katabi ni Mr. Toscano. Iyon kasi ang malapit na upuan sa akin. Nakaupo si Mr. Toscano sa pinakagitnang bahagi. Sa kaliwa nito si Mrs. Toscano at katabi niya si Erion.
Muli akong lumunok at nakurot ng mariin ang kamay kong nasa ilalim ng lamesa. Kinakabahan siya dahil kaharap niya ngayon si Erion. Walang kaharap si Mrs. Toscano dahil bakante iyon.
Tahimik ang buong nasa hapag. Pakiramdam ko'y, ako lamang ang pinagmamasdan nila.
"Kumain ka na, hija." Mahinang sabi ni Mr. Toscano.
Nanatili akong nakayuko't nakatingin sa aking pinggan nang tumango kay Mr. Toscano. Akmang kukunin ko ang kutsara nang matigilan sa sinabi ni Erion.
"Ayos ah, sarap buhay talaga. Anong oras na, tapos ngayon ka lang gumising. Pinaghintay mo pa kami sa hapag." Sarkastikong sabi nito.
Mabilis ang tahip ng aking dibdib. Awang ang labi. Mabilis ang paghinga. Nagulat ako at hindi makapagsalita. Lalong napaintad ang halos lahat ng nasa lamesa, maging ang mga katulong na nasa gilid ay napatalon nang biglaang sinipa ni Erion ang aking upuan mula sa ilalim ng lamesa.
Nangilid ang aking luha. Naginginig siya sa takot.
"Ano? Sumagot ka, homewrecker!"
Hindi ko kayang makapagsalita. Kumikibot ang aking labi. Suminok. Nangangalay ang aking ulo sa kakayuko pero tiniis ko iyon. Ayokong makita niya ako na umiiyak.
"Ano, kabit, mag-"
"Enough, Erion! Huwag mong simulan!"
Natahimik ang lahat. Nanlalabo ang aking paningin sa mga luhang naiipon sa mata. Hindi ko na nagawang mag-angat ng paningin sa lahat. Bukod sa nahihiya, ramdam ko rin ang matalim na titig sa akin ni Erion. Muli akong lumunok sa nagbabara kong lalamunan.
"Kung hindi mo magawang irespeto si Erika sa hapag kainan, irespeto mo sana kami ng iyong, Ina!"
"Respetuhin? Hah!" Panunuyang sabi niya. "Dati, oo, pero ngayon? Hindi ko na alam." Padarag na tumayo si Erion at nagmamadaling umalis.
Ang kaninang hikbi na kanina ko pa pinipigilan ay tuluyan ng namutawi sa aking labi.
Sa buong buhay ko, ngayon lamang ako naawa sa aking sarili. Oo, alam ko naman na nakakaawa talaga ako pero pilit kong pinapatatag ang kalooban ko, pero ngayon, parang hindi ko na kayang hindi kaawaan ang sarili.
Umpisa pa lang 'to. Hindi na ata ako makakatagal sa bahay na ito. Gusto ko ng umalis. Aalis na lang ako sa bahay na 'to. Bago pa, bago pa siya mapahamak.
Bago pa mapahamak ang kaisa-isang mahal ko sa buhay.