Chapter 4

868 Words
"M-ma'am Alvira!" I was desperate to talk her. I wanted to explain my side kahit sa kanya man lang. Naging mabait sa akin si Mrs. Alvira. Nahihiya akong pakiharapan siya ngayon. At kahit ano pa ang gawin ko, hinding-hindi ko na maibabalik ang mga bagay na nangyare na. Hindi ko na maibabalik ang kanyang tiwala sa akin. But, I will still tried my best to explain my side even if, I don't deserved any good treatment from her. Kanina nang umalis si Erion sa hapag kainan, umalis din si Mrs. Alvira. Sa kagustuhan na makausap siya, hinabol ko siya. "Ma'am Alvira!" Pag-uulit ko sa aking pagtawag. Alam kong naririnig niya ako ngunit hindi siya huminto. Hindi niya ako binigyan ng pansin. Hindi niya ako gustong kausapin. Kahit na ang makita ako ay alam kong hindi niya gusto. "Pakiusap po... kausapin niyo po ako." Nangilid ang panibagong luha sa aking mata. Huminto siya sa paglalakad ngunit hindi humarap sa akin. "Paano? Sabihin mo sa'kin kung paano kita magagawang harapin at kausapin, hah?!" Malakas na sigaw niya sa akin. Kasabay no'n ang pagharap niya sa aking direksyon. "Namumuha ako. Alam mo ba 'yon, ha?! Gusto kitang sabunutan. Gusto kitang sakyan!" Mabilis na naglandas ang mga luha sa aking mata. Marahas akong lumunok. Ang bigat ng dibdib ko. Naninikip. Hindi ako makahinga sa sobrang bigat nito. "Noon pa man gusto na kita Erika dahil very efficient ka sa kahit anong bagay lalo na sa pagiging sekretarya ni Damon. You help him a lot. Mabait ka. Matalino. Gustong-gusto kita. Pero bakit ganito, ha?! Bakit ganito?!" Hindi ako nakasagot sa kanya. Umiiyak na rin siya at galit ang mababakas sa kanyang mukha. "Alam mo ba ang history ng pamilya namin? Alam mo naman iyon hindi ba? Alam ng lahat iyon. P-pero, b-bakit ganito, Erika...? Bakit hinayaan mong maging ganito..." Humagulgol na ito ng iyak. Napatakip ang palad ko sa bibig para pigilan ang hikbing lumalabas dito. "A-alam mong b-bago ako naging asawa ni Damon, naging kabit niya ako at si Erion ang naging bunga. Alam mo kung paano kami nauwi ni Damon sa ganito. Alam mo kung gaano ako naghirap!" "M-ma'am Alvira..." Akmang lalapitan ko siya pero umiling siya at pinigilan ako. "Dati pa man takot na akong mangyare sa'kin ang ginawa ko kay Carmen- sa dating asawa ni Damon. Takot ako sa karma. Takot akong makarma. Ayokong mangyare sa akin ang nangyare kay Carmen! Pero pinaglabanan ko 'yon dahil naniniwala akong mahal niya ako. Mahal na mahal niya ako at hindi niya iyon magagawa sa akin. Hindi niya gagawin sa akin kung ano ang ginawa namin kay Carmen. Hindi niya ako lolokuhin. Mahal na mahal niya ako. Iyon ang sabi ni Damon at paniniwalaan ko 'yon pero ngayon... hindi ko na alam." Nagpatuloy ako sa pag-iyak lalo na si Mrs. Alvira. Nasasaktan ako pero alam kong mas mahirap at mas nasasaktan ito kaysa sa akin. "Pero, ano? Nangyare na ang kinakatakutan ko! Na iyong nagawa ko kay Carmen, nangyare na sa akin. Nagkaroon ng kabit ang asawa ko pagkatapos ano? Pagkatapos Erika, ito!" Napatingin siya sa bandang tiyan ko. Napalunok ako ng paulit-ulit. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Tuluyan na akong natuod. Ang tanging nagawa ko na lamang ay ang umiyak sa harapan niya. "Nabuntis pa ni Damon..." "M-magpapaliwanag po ako..." humihikbing sagot ko. Garalgal na ang boses ko at hindi ko na kayang magsalita ng maayos. "No need... nasabi na ni Damon ang lahat." Mariing pumikit si Mrs. Alvira pero kaagad rin siyang dumilat at matalim akong tinitigan. Bahagya akong napa-antras. "Sa dinami-dami ng tao dito sa mundo bakit iyang mukha na 'yan pa? Bakit sa lahat ng tao ikaw pa na gustong-gusto ko na, una pa lamang? Hindi kita kayang makita. Kumukulo ang dugo ko. Hindi ko maiwasang magalit kapag nakikita kita. Hindi ko matanggap na... iyang mukha na 'yan ang dahilan kung bakit nasisira ang pamilyang binuo ko! Iyong pamilya na pinaghirapan ko! Na ang mukhang 'yan ang dahilan kung bakit ang karmang iniiwasan ko ay nangyare na nga!" umiling siya at muli akong tinalikuran. Sumalampok ako sa sahig at doon umiyak ng umiyak. Nawalan na ako ng lakas na sundan siya. Hindi ko na kayang magsalita. Tama naman siya. Isa ako sa mga taong kinamumuhian niya. "Erika..." Nag-angat ako ng tingin kay Mr. Damon. Nag-aalalang pinuntahan niya ako para tulungan pero umiling ako. "P-puntahan niyo na po ang asawa niyo. M-mas kailangan ka po niya..." Nanlambot ang expression ng mukha niya kalaunan ay tumango din. "Balak naming umalis bukas. Sa States muna kami ng isang buwan. Gusto kong dalhin si Alvira don. Mahal na mahal ko ang asawa ko, Erika. Hindi ko siya kayang iwan." Mapait ko siyang nginitian. "Pasensya ka na kung hindi ko kayang panindigan ang batang nasa sinapupunan-" "Naiintindihan ko po..." pagputol ko sa lahat ng sasabihin niya. Tumayo ako at walang sabi-sabing tinalikuran siya. Napatakip ako ng mukha at humagulgol ng iyak. Nanginginig ang mga tuhod ko pero nagawa ko pa ring makapaglakad. Pakiramdam ko naubos ang lahat ng enerhiya ko sa katawan at lantang gulay na ako. Wala akong lakas para lumaban. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi kagaya ko na walang magulang... may isa na namang bata ang isisilang na walang magulang...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD