MALIYAH POV
Nakatunghay lang ako sa librong na, nasa hita ko at nakayuko lang ako na nakatitig doon pero lumilipad ang ang isip. So his name is Clint Bueanavista. Nakakalula, lang sa sobrang daming letra sa librong binabasa lumabo na yun dahil sa pagtitig ko ng matagal. Pinilig ko ang ulo at ipinikit ko ang mga mata ko at nilagay ko sa dibdib ko ang aking kanang kamay. Mabilis pa rin ang pag rebolusyon ng puso ko. Hindi ko na napansin na malapit na ang oras ng aming exam. Iginala ko ang akin mga mata para hanapin ang sina Terry at Alexander kong nasaan na ang mga ito.
Napatingala nalang ako ng wala sa oras ng kung sinong poncio pilato ang humila ng buhok ko mula sa likuran. Agad akong napalingon at ang sumalubong sa akin at ang mata nina Terry at Alexander na puno ng inis. Oh boy I am dead
“Ano namang nakain mo at umuna ka ng pasok ng hindi kami kasabay aber?”
Matinis na tanong ni Alexander sa akin, doon palang na pipi na ako at wala na akong maisagot. Saka ko nalang sasabihin sa kanila ang nangyari sa amin. Pagkatapos ng exam namin. Umiling ako at yumuko dahil nag sisimula nang manubig ang mga mata ko. Inangat ni Terry ang baba ko at napatingin ako sa kanya.
“What’s wrong Maliyah”,
Mahina niyang tanong sa akin, na punong puno nang pag-unawa sa boses niya. She’s like this all the time. Every time I felt down. Umiling ako at tuluyan nang nalaglag ang luha sa mga mata ko. Niyakap nila akong. Hindi na sila nangulit at hinila na nila ako papasok sa room namin dahil paparating na ang prof namin sa unang subject . Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ng panyo sa bulsa ko.
Natapos ko ang pang umagang exam ko na lutang ako, pero nasagutan ko parin naman kahit puro stocks knowledge lang ang alam ko. Bakit ba nagka sabay sabay pa ang problema ko sa araw ng exam ko. From accident , to exam, then ate Maze leaving the house. Their safety is my main concern, may makakain ba sila?Paano si Tonton.
Pagkalabas namin sa room patang-pata ako dahi naubos ata ang akin brain cells sa exam. Nanghihina kaming nag lalakad papunta sa canteen. Hindi parin ako kinikibo ng dalawa.
Pagdating namin sa canteen pumunta na agad ako sa bakanteng mesa para sa aming tatlo. Inabutan ko si Alexander ng isang daan pero hindi niya ito tinanggap, as usual libre na naman ito. Hindi na ako nag pumilit kasi baka kailangan ko rin pamasahe para pa hahanap mamaya.
Umupo na ako at ilang minuto pa nilapag na nila ang ulam at kanin para sa akin at meron pa akong palamig. Alam na alam ni Alexander ang cravings ko. Ang swerte ko na nakatagpo ako ng mga tunay na kaibigan. Pag lapag nila ng food namin tumingin ako sa kanila pero seryoso lang sila ni Terry, napayuko ako ng wala sa oras. Dahil nahihiya ako sa nangyari, iniwan ko sila, ngayon libre pa ang lunch ko.
“Mal–Maliyah”
Utal na tugon ni Terry sa akin.Parang pinapakiramdaman nito ang nararamdaman ko. Umangat ang tingin ko sa kanya at alam kong namumuo na naman ang mga luha ko.
“What wrong Mal?”
It was Alexander on his worried tone. Malamlam ang mga mata nito na nakikisimpatya sa akin. Pinunasan ko ang luha ko at sinalubong ang mga katanungan sa mukha nila.
“Umalis sina Ate Maze at Tonton sa bahay at hindi ko alam kong nasaan sila. Halos wala akong tulog kakaisip sa kanila, si Mama parang balewala lang.”
Mahaba kong paliwanag sa kanilang dalawa. Nilapitan nila ako at niyakap. Ramdam ko ang pagmamahal , awa at suporta nila sa akin.
“Hahanapin ko sila mamaya pagkatapos natin mag exam”
Dugtong ko pa at tuluyan bumuhos ang luha ko, hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko. Mahal na mahal ko sina Ate at Tonton. Yung takot ko na baka mapano sila hindi ko kakayanin ng konsensya ko.
“Sasamahan ka namin mamaya”
It was Terry, I left comfort on her words. Kahit kelan hindi ako iniwan sa ere ni Terry at ni Alexander. Gumaan ang pakiramdam ko kahit paano. Dahil may mga kaibigan akong masasandalan. Hindi na nila ako inusisa pa. Nag simula kaming kumain at ito na ata sa unang pagkakataon na tahimik kami sa pagkain na magkakasabay.
Natapos na ang aming pagsusulit at nagsilabasan na kami. Nauna akong lumabas kina Alexander at Terry dahil tapos na ako sa exam ko. Umupo ako sa bench sa harap ng room namin. Matiyaga kong dinayal ang number ni Ate Maze pero wala parin itong sagot. Nakapatay parin ang cellphone nito. Halos nawawalan na ako ng pag asa. Saang lupalop ko naman sila hahanapin.
“Mayah”
A soft baritone voice call me. Nag angat ako ng tingin sa kanya, andoon na naman ang pagwawala ng t***k ng puso ko. Hindi ko na ito pinansin, kasi ang iniisip ko ang ate. But to my surprised he sit beside me. Hindi ito nag salita pero ramdam ko ang init ng katawan niya. Ang pabango niya. Nahihilo ako sa hindi malaman dahilan. Oh Jesus Christ ilayo niyo ako sa tuksong ito.
Sakto naman pag tayo ko lumabas sa silid ang dalawa, at ayun puno ng pagtataka ang mga mukha nila. Hinila ko na sila, papalayo sa room namin at papalayo sa Clint nay un.
“Ano yun?
It was Alexander with full of curiosity on his face and doubtful tone voice. Ang hirap kapag ito mag tanong kasi paano ko pa ba naman sasagutin eh, kahit ako hindi ko alam kong ano yun. Hindi ko nga alam kong bakit ito umupo sa tabi ko. Kong nang aasar lang ba. Ah ewan.
“Malay ko doon, umupo lang ako doon para hintayin kayo tapos umupo siya”.
Wala sa loob kong sagot sa kanya. Totoo naman eh, hindi naman siya nag sasalita, at hindi ko alam kong ano pakay niya. Pero yung utak ko halos tumambling na dahil katabi ko siya. Erase , erase. Goodness kailangan kong alisin ang lalaking yung sa utak ko. Pero ang tanong paano?
Kong maka titig naman ang dalawang ito parang may ginawa akong masama.
“Halina kayo andiyan na si Kuya Terrence sa labas.”
Biglang nag pagting ang tenga ko at napalingon kay Terry, at bakit andito si Terrence?
“Si Terrence? Bakit ?”
Nagtataka kong tanong sa kanya. Hindi ako mapakali ang daming ganap ngayong simula pa kahapon. Nag kibit balikat lang ito at kumapit sa braso ko. Tumigil ako saglit, napatigil din sila at tumutok ang mga mata nilang dalawa sa akin
“Bakit Mal”
It was Alexander, a confused look. Kinuha ko ang ang tubig sa bag ko at ang medicine organizer ko. Kumuha ako doon ng mefenamic kasi nakalimutan kong uminom kanina. Ramdam ko ang kirot ng nook o.
“Bakit andito si Terrence?” takang tanong ko kay Terry
“Kasi may sasakyan si Kuya T, kong mag commute tayo papapagastos ka pa”
Terry said sarcastically. Alam ko naman double purpose ang motibo nito sa akin at sa kapatid niya. Hindi na ako kumontra dahil may punto naman ito. Kailangan kong mahanap sina Ate at Tonton.
Pagdating namin sa gate, agad naman bumaba si Terrence at pinag buksan ako ng pinto. Nahiya man ako wala ako magagawa kailangan ko siya. Sana hindi niya iisipin na ginagamit ko lang siya. Nakababa ang bintana ng sasakyan ni at nakita ko sa di kalayuan si Clint na nakatingin sa gawi ko. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Itinaas ko agad ang bintana. Tinted ito kaya hindi ako aninag sa loob. He just standing there. Looking at me. Bakit ganun yun nasa malayo nga ganun parin ang t***k ng puso ko mabilis parin.
“We’re going to Mazelen friend Mal. Sa kabilang barangay yun”
Pag imporma sa akin ni Terrence, tahimik ang dalawa sa likod . Agad akong napalingon sa kanya. Paano nito nalaman. Hindi na ako umimik, tumango nalang ako bilang pag sang- ayon sa kanya. Tumunog ang phone ko.
From: 0917-243-383*
Is that your boyfriend?
Naka kunot akong binasa ito, sino to? Bakit hindi ito naka register sa phone ko. Hindi ko na yun nireplayan , pero paulit ulit itong lumalabas sa utak ko ang simpleng tanong na iyon. Sino ba ito si Clint ba? Siya lang naman ang bago kong kakilala. Pinilig ko ang ulo para maalis ang gumugulong tanong na iyon. Nang makarating kami sa bahay ng kaibigan ni Ate Maze, agad akong bumaba.
“Tao po”
Malakas kong sigaw para marinig ako ng may ari ng bahay, hindi pa naman ako sigurado pero sana andito si Ate. Lumabas sa bahay ang may edad na ginang at lumapit sa akin. Nakatayo ako sa harapan ng yari sa kawayan na gate nila.
“Ano yun iha?” Tanong nito sa akin.
“Kapatid po ako ni Ate Mazelen, nandito po ba siya pati po ang pamangkin ko?”
Kabado kong tanong sa Ginang. Kinakabahan ako sa mga titig niya, sinuri ako mula ulo ang hanggang paa. Lalo naman nadagdagan ang nerbiyos ko. Lalo nang hindi ito agad sumagot sa akin.
“Parang awa niyo na po, gusto ko po silang makita, kong ligtas po ba sila”
Namumuo na naman ang luha sa mga mata ko, doon unti unting lumambot ang mukha ang mukha niya sa akin.
“Oo nandito sila kasama ng anak niya”
Kumpirmadong wika nito sa akin, naka hinga ako ng maluwag ng sinabi niya andito sa kanila si Ate Maze.
“Pwede ko po bang makausap si Ate Maze po?” nagmamakaawa ako sa kanya.
“Wala dito ang ate mo ngayon , umalis siya kanina nag hahanap ng trabaho. Ako muna ang nag aalaga sa anak niya.Pero maya maya lang andito na yun kanina pa umalis yun.”
Mahabang paliwanag niya sa akin. Akala ko hindi ito papayag. Pumasok kami sa bahay nila kasunod ko si Terrence , Terry at Alexander. Hindi sila umimik. Saka ko nalang tatanungin si Terrence paano niya nahanap si Ate Maze.
Pagpasok namin kita ko agad si Tonton nag lalaro sa crib at naka subo ang kamay sa bibig nito
Dinig ko ang pag burot ng laway niya at tawa niya na pilit napilit. Miss na miss ko na agad itong pamangkin ko.
“Tonton,”
Agad itong lumingon ng marinig ang boses ko at tumawa ito. Nagagalak ako dahil tuwang tuwa si tonton na makita ako. Lumapit ako hinubad ko ang sapatos ko at lumapit kay Tonton at kinarga ko siya.
Yakap yakap ko si Tonton ng bumukas ang pintuan. Lumingon agad ako, ang madilim na mukha ng Ate Maze ang sumalubong sa akin.
“Anong ginagawa ng ulirang anak dito”
Umaalingaw sa galit ang boses ni Ate Maze, agad niyang kinuha si Tonton mula sa akin.
“Ate dahan dahan masasaktan ang bata”
Pag mamakaawa kong saad sa kanya. Lalong nag dilim ang at nanlaki ang mga mata niya sa tindi ng galit sa akin.
“Ano ang kailangan mo Maliyah?”
Bulyaw nito sa akin at umiyak ng sobrang lakas si Tonton dahil siguro sa takot. Agad naman kinuha ng Ginang si Tonton at pinasok sa kwarto, nasundan ko nalang ito ng tingin.
“Ate umuwi na kayo please, patawarin mo na si Mama” I pleaded her to come home with us.
“Umuwi?Para ano Maliyah, para ipamukha sa akin ang pagkakamali ko araw araw? Para ipakita sa akin na ikaw ang magaling, ikaw ang matalino, ikaw ang mabait? Samantalang ako wala, disgrasyada? Maliya sinaktan ako ni Mama, ilang sakit ba ng katawan ang dapat kong maranasan para mapatawad niya ako? Ilang sampal ba ang matanggap ko mula sa kanya, para tanggapin niya ako bilang anak? Nagkamali lang ako ng isang beses Maliyah, pero ni minsan hindi ko pinag sisihan na maging dalagang ina. Buti nga yun wala na ako sa bahay hindi niya nakikita ang pagkakamali ko. Pagod na ako sa araw araw na mura niya Maliyah. Gusto kong magalit sayo, pero hindi ko magawa dahil wala ka naman kasalanan sa akin. Pero nilamon ako ng inggit, at selos sa trato sayo ni Mama. Ikaw nalang ang magaling, ikaw nalang ang mabait. Paano naman ako Maliyah, anak rin naman niya ako.
Hilam na pareho ang mukha namin dahil sa dami lang luhang umaagos sa mukha ko sa kanya. Alam kong na ganito na ang nararamdaman niya pero wala akong ginawa.
“Ate–ate please umuwi na kayo ni Tonton,”
I beg her to come home again, pero iling-iling lang ito ng iling sa akin.
“Hindi na ako umuwi Maliyah, kaya kong buhayin ang anak ko”
Matigas na sabi sa akin ni ate, punong puno ito ng hinanakit sa akin o kay Mama hindi ko alam.
“Please– please ate”, Tinalikuran na niya ako , doon ako napahagulgol sa iyak. Nasasaktan ako para sa pamilya namin at para kay ate.
“Alam niyo ang daan palabas, H’wag kanang bumalik Maliyah”
She turned her back on me, all I could think of was that I failed her as a sister to Ate Mazelen.