MALIYAH POV
Nakauwi ako sa amin na paulit ulit pa rin sa balintataw ko ang nangyari kanina. Hanggang ngayon ramdam ko parin ang pagdikit ng mga katawan namin. Ang bango ng hininga niya, ang tigas ng mga braso niya at ng dibdib niya. Parang feeling ko nakapa-safe ko na. Pinilig ko ang ulo ko para maalis ko ang ganung kaisipan. Agad kong natanaw si Papa, sa ilalim ng puno nag kakape ito. Malayo palang, kita ko na ang paglamlam ng mata niya. Pinasigla ko agad ang kilos at pinasaya ang mukha ko. I know Papa he was still guilty about what happen. Hindi rin sila nag kikibuan ni Mama.
“ Hi Papa” sinisigurado ko na malapad ang mga ngiti ko. Ayoko na maguilty siya sa nangyari sa akin.
“Maliyah kumusta ang sugat mo? Sana nag excuse ka muna sa pagsok baka bumuka yang sugat mo anak.” Malambing na tanong niya sa akin.
“Papa kasi 3rd periodic namin ngayon at bukas po, hindi pwede umabsent. H’wag na kayong mag alala sa akin Papa okay na po ako”.
Masigla kong sa kanya. Ayokong maramdaman niya na, masakit at makirot parin ang sugat ko. Nagpaalam na ako kay Papa para umakyat sa silid ko. Maliit lang ang bahay namin pero bilib ako kina Mama kasi may kanya kanya kaming silid kahit maliit lang. dalawang silid namin sa taas at dalawa sa baba, sina Ate at Tonton, ay sa unang silid sa kanan, at kaliwa naman ang kwarto nina Mama. Si Merleah naman katabi ko nang kwarto iisang banyo lang gamit namin.
Hindi na ako dumaan sa kusina alam kong nandoon ang Mama, alas singko y media ng hapon na kailangan ko munang linisin ang benta ko kasi mag hapon na ito. Matapos kong mag bihis, agad akong humarap sa salamin para, umpisahan ang pag lilinis ng tahi ko sa noo.
Dahan dahan kong tinanggal ang magkabilaang putting tape, tapos binasa ko nang saline solution para hindi dumikit ang benda sa sugat ko. Yun ang naabutan ni Mama na ginagawa ko noong pumasok siya sa silid ko. Napatingin ako sa kanya. Agad nagbago ang ekspresyon ng mukha ni mama, saw on her face and eyes the guilt and sadness at the same time. Lumapit siya sa akin at inabot niya ang cotton siya ang nag linis ng sugat ko, namumula ang mga mata ni Mama,.
“Kumusta ang exam mo Maliyah, “ mahinang tanong ni Mama sa akin.
“Okay naman po Mama, medyo mahirap pero kinaya ko naman po Ma.”
Simpleng sagot ko sa kanya, pero hindi ako makatingin ng diretso kay Mama, hindi sa nahihiya ako kundi ayoko na maramdaman niya ang awa at pagsisisi sa nangyari. I know justification will do no good but still I want her to know it was okay.
“Mal—maliyah anak, patawarin mo si Mama”.
I saw tears in her eyes. Agad ko siyang niyakap at hinaplos ang likod niya, gusto ko lang iparamdam kay Mama na hindi ako galit. Na wala siyang dapat ikabahala.
“Tama na po Ma. H’wag na po kayo umiyak”.
I sound so comforting. Ayaw kong meron awkwardness sa aming dalawa. She is still the best mother for me. Kumalas siya yakap sa akin at tinapos na niya ang pag gagamot sa sugat ko.
Pagka labas ni Mama, humiga ako sa single bed ko at napatitig ako sa kisame, agad lumitaw sa diwa ako ang mukha ng lalaking iyon. Ilang sandali bumangon na ako, para tulungan si Mama. Pag baba ko, tahimik ang bahay namin. Hindi ko ito napansin noong dumating ako. Pero para akong nabundol nang kaba. Agad akong pumasok sa silid nina Ate Maze, pero wala ito doon, wala si Tonton. Nilapitan ko ang cabinet kong saan nakalagay ang gamit nila.Pero ni isa wala na doon. Agad ako sumugod sa kusina kong nasaan si Mama. Nadatnan ko doon si Papa, at Merleah, si Mama naghahain para sa aming hapunan. Kunot noo kong tumingin sa kanila.
“Mama nasaan ho si Ate?” kabado kong tanong sa kanya. Lumingon siya sa akin, at sinamaan agad ako ng tingin.
“Umalis,”
Walang gana nitong sagot sa akin. Dumako ang mga tingin ko kay Papa pero umiwas ito na tila nahihiya.
“Ma, paanong umalis,”
Garalgal ang boses ko, at nag simulang umagos ang mga luha ko. Nanikip ang dibdib ko. Sa kaisipang mag isang bubuhayin ng ate si Tonton paano na ito?
“Umalis, wala na sila, pagdating ko wala na sila hindi ko alam kong saan nag punta”
Pagalit na sagot ni Mama sa akin.Ramdam ko na may itinatago ito. Doon ako nasaktan lalo, dahil parang okay lang sa kanya.
“Pero Ma paano kung may masamang nangyari sa kanila?”
Maluha luha kong tanong sa kanya, hindi ito makatingin ng deretso sa akin, umiwas ito. Nakapako ang tingin ko kay Papa para humingi ng saklolo pero naka yuko lang ito at buong atensiyon ni ay sa pagkaing nasa harapan niya. Parang pinipiga ang puso kong sa kaisipan mapahamak ang ate Maze at si Tonton. Diyos ko gabayan niyo po sila.
“Kumain kana Maliyah, kailangan mo pang mag review para sa pagsusulit mo bukas.”
Pinunasan kong ko ang mga luha sa mga mata ko, at umusal ng panalangin na sana ligtas ang ate at si Tonton. Hahanapin kita ate, kayo ni Tonton. Sisiguraduhin ko yun, pamilya tayo dapat kami ang kakampi mo sa lahat ng pagsubok na ito.
Tahimik kaming kumain, walang imikan at yun ang unang pagkakataon na kumain kami na akala mo namatayan kami. Pasulyap sulyap ako kina Mama at Papa, pero walang balewala lang sa kanila, na wala na sina ate Maze dito sa bahay, lalo na si Mama na matigas ang anyo.
Pagkatapos naming nag hapunan, naghugas ako ng plato at nilinis ang pinag lutuan ni Mama, nag punas narin ako nang mesa. Biglang tahimik ng bahay namin, walang Tondon na umiiyak, walang tumatawa, walang ingay.
Pagkatapos umakyat na ako sa kwarto at kinuha ang de keypad ko na phone at tinawagan si ate Maze, ngunit cannot be reach na ito ayon sa operator. Ilang beses ko rin itong dinayal pero ganun parin ang resulta.
Buong gabi akong balisa sa pag aalala sa dalawang taong mahalaga sa akin, halos wala akong naintindihan sa mga binasa at inaral ko. Natulog ako na puno ng alalahanin ang isip ko. Hahanapin ko ang mga Ate. Pangako yan.
Maaga akong nagising kinabukasan, alas singko palang gising na ako, naligo, napatampal ako sa noo ko noong maalala ko na wala pala akong plantsadong uniform. Mabuti nalang ay maaga akong nagising. Mabilisan ang kilos ko dahil mag review pa ako sa school dahil wala akong naaral masyado kagabi.
Pagkabihis ko, bumaba ako at nag timpla ng milo at pandesal yan ang breakfast ko kasi nag mamadali ako. Ayokong abutan ako nina Mama, dali dali kong inubos ang chocolate milk ko, at bitbit ako ng dalawang pandesal. Pag tingin ko sa hello kitty ko na relo six am palang, eight am pa ang pasok namin. Nagtext ako sa group chat namin nina Alexander na mauuna ako sa school ko na sila hintayin. Pagdating ko sa paradahan ng tricycle sakto lang kulang ng isa kaya umandar na kami.
Ilang minuto pa nakalipas nang marinig ko ang text sa cellphone ko, kinuha ko yun at binasa.
From: Alexander
“Hoy bakit ang aga mo anong ganap?”
Nakikinita ko ang hitsura nito na nakataas naman ang kilay, napailing nalang ako, gusto na naman ni Alexander makiki –tsismis bakit ang aga ko. Saka ko nalang i-kwento sa kanila. Gusto ko muna mag review kahit konti lang. Ilang sandali nasa tapat na ako ng main gate namin. wala pang katao tao, sarado pa ang gate, ng nakabukas lang ay ang maliit na gate. Nang makapasok ako diretso ako sa room namin, pero dahil sarado, umupo ako sa bench sa harap ng aming room at nagbubuklat ng libro ko. Dalawang subject kami ngayong umaga, at dalawa din sa hapon, pagkatapos ng exam ko hahanapin ko si Ate Maze. Kahit gabihin pa ako, pag uwi hahanapin ko sila.
Dinig ko ang pag tunog nang phone ko nang tiningnan ko yun si Terry nag message sa GC namin.
From: Terry
Maliyah! Ang daya mo naman bakit ka nauna!Kainis ka, hindi ka tuloy nakita ni kuya Terrence ko.:-(
Natawa ako sa pag iinarte nito. Madalas na itong ganito simula palang noong elementary kami, lumalala lang noong high school kami, lalo na ngayon college kami. I love this girl, parang daig pa nga namin magkapatid kesa kay Ate Maze, pero alam ko mahal na mahal ko si Ate.
Isang mahalimuyak na pamilyar na pabango ang naamoy ko, hindi pa naman ako naka angat ng paningin ko kilala ko na ang amoy na yun. Biglang binundol na kaba ang puso ko. Nag regodon ang puso ko nang wala sa oras, ganito lagi ang epekto ng lalaking ito sa akin. I heard him clear his throat.
“Hi–hi”
Dinig ko sa baritonong boses na nakatayo sa harapan ko, nag angat ako ng tingin at nag tama ang maitim na kulay asul na may pagkaberde niyang mga mata na tila nangungusap.
Tumaas ang kilay ko at tiningnan siya mula ulo hanggang paa para lang maikubli ko ang tunay kong nararamdaman sa mga oras na ito. Ngumiti ito sa akin ng ubod tamis. Oh gosh I am in trouble.
“What do you want?”
Wala gana kong tanong sa kanya pero ang totoo halos gusto ko ng lamunin ng lupa para lang makapag tago ditto dahil nabibingi ako sa t***k ng puso ko. Pero mas lalo pa itong ngumiti at lumitaw ang mga ipin nito na ang puti, at pantay na pantay. Wala bang kapintasan ang lalaking ito kahit man lang sana bad breath or amoy putok sa kili kili para naman ma-turn off ako.
“We aren’t formally introduced, by the way.”
He said sweetly. Oh my gulay, dapat isumpa ko ito para umalis sa harapan ko, dahil kong hindi ipagkanulo ako ng sariling kong damdamin na hindi ko pa napapangalanan. Gulo ang dala mo.
“Sir, I don’t think that is necessary. I am not interested in knowing you any way.”
Pagtataray ko sa boses ko para lang umalis ito at madismaya, sa akin. Pero taliwas ang lumalabas sa bibig ko sa kong ano ang iniisip ko ngayon para sa lalaking ito na akala mo Greek God ang kanyuan, napaka unfair naman si Lord hindi man lang binawasan ang kagwapuhan nito.
“I am Clint Beaunavista”
Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko , gusto ko ng abutin yun pero todo pigil ang ginawa ko sa sarili ko.
“So!?”
Mataray kong sagot sa kanya. I heard him chuckled, napailing pa ito na lalong nag kunot sa noo ko.
“I just wanna know your name Miss. nothing more.”
Simpleng sagot niya sa akin. Parang may kung anong kumurot sa puso ko, wala naman pala, kailangan bang makipag kilala pa? Ayoko rin maging bastos.
“Maliyah Delos Santos.” Wala sa loob na sabi ko at ibinalik ang tingin ko sa librong hawak ko. Ilang minuto itong nakatayo sa harapan ko at narinig kong nag salita ito ulit.
“See you around, Mayah”….
Nag angat ako ng tingin ngunit nakatalikod na ito humakbang papalayo sa akin. “Mayah?”