Chapter I
Irene's POV
Ayaw ko na sanang pumunta sa birthday ni Paris pero masama nanaman ang templa ko kay Ross, matagal ko na siyang boyfriend kaya siguro nagsasawa na din siya na kasama ako. We are supposed to go on a date ngayong gabi, post-anniversary celebration dahil hindi kami nakapag-celebrate last week kasi same old reasons niya, he is busy. Busy kakasama sa barkada for all I know.
"Hey Irene! Late ka na sa party, here, have a drink." Salubong agad sa ‘kin ng birthday girl na si Paris, halatang lasing na ito. Inabot niya sa akin ang hawak niyang inumin sabay hatak sa akin papunta sa gitna ng dance floor. Kaklase ko si Paris noong highschool, party girl talaga siya palibhasa ay naliligo siya sa pera ng nanay niyang nakapag-asawa ng Japanese na sobrang yaman.
"Hello Everyone! Meet my friend Irene!" Sigaw niya sa nagkukumpulang kaibigan niya na sa sobrang ingay sa loob ng club na pinasara niya para lang sa gabing ito ay hindi na siya halos marinig. Wasted na ang lahat ng kasamahan ni Paris, nadumihan pa ang mga mata ko sa lalaki at babae na naghuhubaran na yata sa madilim na part ng club. Nilibot ko ang mga tingin ko, and good thing! I spotted a good spot kung saan medyo malayo sa crowd at tanging nag iisang lalaki lang ang nakaupo at tahimik na umiinom.
Sa paglapit ko sa kanya ay tumikhim ako para makuha ang atensyon niya, binigyan niya ako ng sulyap,"Hello, Can I sit?"
Inaninag ko ng mabuti ang lalaki, hindi masyadong kita ang mukha niya sa dilim na parte ng inuupuan niya. Naka cross ang long legs niya, naka tux pa siya eh hindi naman formal party itong pinuntahan niya.
"Just don't talk to me." Sagot niya ng hindi man lang nagtapon muli ng kahit sandaling tingin.
"Okay, manong." Bulong ko sa sarili ko, nahiya naman ‘yong open back red skimpy dress ko sa kasupladohan niya.
"What did you say?" Nakakatakot naman ang boses niya parang lalamunin ako ng wala sa oras kaya hindi ko na lang siya pinansin.
"What did you call me?" Inis niyang tanong ulit, tiningnan ko lang siya at hindi parin sinasagot.
"Are you deaf?" Halata ko na ang iritasyon sa boses niya na dahilan para mainis din ako sa kanya, hindi siya maintindihan.
"Alam mo ang labo mo Kuya, sabi mo kanina wag kita kausapin tapos ngayon tanong ka naman ng tanong." Ngayon ay nakikita ko na ang mukha niya, his jaw clenched, napipikon na siguro sa akin. Tatayo na sana ako ng hatakin niya ako pabalik kaya napaupo ako sa lap niya.
"Don't call me Kuya, you're not my sister." Nanigas ang mga paa ko hindi ako makaalis, nalulunod na din ako sa mga titig niya para ba akong hinahamon na suwayin siya.
"O-okay po." I saw his lips form a sly smile, parang may binabalak siyang gawing masama sa akin.
"Hello there guys! Andiyan pala kayong dalawa, you're missing the party." Napatayo naman ako bigla nang sumulpot si Paris, madumi pa naman ang isip ng babaeng to. Narinig ko namang napatawa ang lalaki kaya tiningnan ko siya ng masama.
"Hindi natapilok lang ako." Palusot ko agad at umupo malayo sa lalaki.
"Yeah right Irene! Don't worry wala akong sasabihin kay Ross. Im gonna sleep for a while, continue ninyo lang yan." Hindi naniniwalang sabi ni Paris at nahiga sa mahabang bakanteng upuan.
"So you have a boyfriend." Umpisa ng lalaki sa usapan.
"Syempre." I may sound proud pero proud naman talaga akong naging boyfriend ko si Ross. Madaming nagkakagusto sa kanya pero I'm the lucky girl na nakuha ang attention niya.
"Thats why you look boring."
"Wow coming from you pa talaga, ha. Sino kaya sa atin ang nandito at parang loner, kung hindi pa kita sinamahan mukha kang kawawa dito. And look what you're wearing, party to hindi mo naman kasal to eh." Kung gusto niyang mag insultohan kami hindi ko siya aatrasan. I will not allow someone to insult me, I was born to be worship.
"Galing akong trabaho, that explains the suit. Eh ikaw what is your excuse for being late at the party? You must be the type of person who always goes to class one hour early." At talagang hinahamon ako ng lalaking ‘to, I look at him intensely hinanapan ko siya ng kahit anong mali sa kanyang mukha but God has his favorites at mukhang isa ang lalaking ito sa mga taong iyon.
"Whatever! Aminin mo na lang kasi you are boring, Manong." Binelatan ko na lang siya nang wala akong makitang maipintas sa kanya.
I saw him smile at napailing, "You're acting immature." Puna niya pa sa akin.
"You're just old." Ganti ko sa kanya at para na din inisin siya.
"Lets get out of here and let see kung sinong boring sa atin." Things got out of hand, nagbibiro lang sana ako pero mukhang napikon ko siya.
"Ikaw syempre, you are an old virgin." Hindi ko napigilan ang sarili kong sabihin at pinagsisihan ko naman agad. Wala pang kalahating segundo ay nakalapit na siya sa akin, hawak niya sa kabilang kamay ang pisngi ko sa kabila naman ay ang beywang ko. Ramdam ko ang mainit niyang mga palad sa aking likuran na nagbigay ng kakaibang sensasyon sa akin, parang nag init ang pisngi ko at nanlamig ang buo kong katawan.
My breathing became heavy at parang nababaliw ang puso ko sa mabilis na pagtibok niyon, "B-bitawan mo ako." Nauutal na ako, ang lapit lapit ng mukha niya sa mukha ko. Kaunting galaw lang siguradong matitikman ko ang labi niyang hinihikayat akong dampian.
Nilapit niya ang labi sa tenga ko, nanayo ang balahibo sa batok ko ng maramdaman ko ang paghinga niya sa leeg ko, "Why? I'm just an old virgin, I'll do nothing cause I'm boring." Alam kong he's being sarcastic, may gusto siyang patunayan at napatunayan niya iyon. Hindi siya nag iisa kasi boring siya, nag iisa siya kasi nag iintay siya ng biktima at sadly I am that victim.
"Okay, you win!" Sabi ko na pahiwatig ng pagsuko, nakahinga naman ako nang maluwag nang bitawan na niya ako at mayroon ng safe space sa pagitan namin. Hindi ko alam kung ilang minutes kong nakalimutang huminga pero siguradong kapos sa oxygen ang baga ko ngayon.
"Wag mo ng gagawin ‘yon, I have pepper spray inside my bag at hindi ako magdadalawang isip na gamitin ‘yon sa’yo." I warned him, wala naman talaga akong pepper spray gusto ko lang talaga siyang takotin ng kaunti.
"Fine, no teasing. Let's drink." Pagkasabi niya noon ay agad siyang tumayo at ng makabalik ay may dalang dalawang baso at isang hindi pa nabubuksan na bote ng alak. I don't drink, sa buong buhay ko hindi pa ako nakakatikim ng alak pero ayoko na mapagtawanan niya nanaman ako kaya hindi na ako nag isip pa at deretsong ininom ang alak na nilagay niya sa baso ko. After few drinks I felt dizzy and dozed off.
I woke up the next morning sa loob ng unfamiliar na kwarto, this is not my room sigurado ako. Puting puti ang loob ng kwarto. Sa pagkaka alala ko mint green ang paint ng kwarto ko, hindi naman siguro ito hospital. Thinking of the hospital, I panicked! Timing naman na sa pagtayo ko ay pumasok ang lalaki na kainuman ko kagabi. Oh my fcking deities!! Did something happen? I'm not wearing the same clothes I wore last night, lalo akong nataranta. This can't be happening, mapapatay ako ng mga kuya ko.
"Don't worry I didn't take advantage of you." Kumalma naman ako sa sinabi ng lalaki pero who the fck changed my clothes?
"Tinawagan ko ang cleaner ko siya ang nagpalit ng mga damit mo, you showered with your own vomit, you should not drink again." Parang nabasa naman niya ang mga tanong sa isip ko, pero hindi naman niya ako kailangang e remind kasi d na talaga ako iinom. Nakaramdam nanaman ako ng pagkahilo muntik na akong matumba pero nakahawak ako sa mesa, kagaya kagabi mabilis nanaman nakalapit ang lalaki sa akin at nahawakan ang mga braso ko. Inalalayan niya akong makahiga ulit sa kama at tinaasan ang unan ko.
"You take a rest first, kailangan kong pumasok sa opisina kaya aalis na ako. Susan is outside sabihan mo lang siya if you need something."
"How about my clothes?" Tanong ko sa kanya kasi hindi ako pwedeng umuwi ng suot ang T shirt at boxer niya mas mahirap ipaliwang ito kapag nahuli ako.
"Pina dry clean ko muna, it will be ready after a hour. Sige aalis na ako." He was about to go out pero pinigil ko nanaman siya.
"Your name." Hindi ko siya tinatanong, I'm demanding him to tell me, I really want to know his name.
"Why do you want to know?" Halatang nagtataka siya bakit ko iyon natanong.
"Hindi padin ako sigurado kung may nangyare ba sa atin, I might be pregnant." Thats true, pwede naman talaga siyang magsinungaling. Sa mukha ko naman very tempting na pagsamantalahan, I can say I am pretty much attractive. Kung mabuntis man niya ako God forbids, hindi ko naman siya pipilitin na panindigan ako ‘yon bang atleast eh kahit pangalan may masabi ako sa anak ko. Nagising ako sa iniisip ko ng marinig ko ang mahina niyang pagtawa.
"Sebastian. Sebastian Enriquez. You don't have to worry I always use protection when having sex."
*****
"Ms. San Jose come here." Narinig kong tawag sa akin ng Coordinator naming binabae. Ilang araw na lang graduation na, hindi na ako makapag hintay. Me and Ross planned na after graduation susunod na kami sa parents namin sa Italy. My mom’s family and her dad’s family are friends, kaya our parents approved of our relationship.
"Sis okay ka lang ba? Para kang wala sa sarili ilang days na ah." Its Trisha one of my very close friends, kahit na sobrang init sa loob ng auditorium ay hindi nahuhulas ang ilang layer ng make up niya.
"Hindi pa ata ako nakakarecover sa hang over ko." Bulong ko sa kanya, two days ago na simula noong party ni Paris pero nararamdaman ko padin ang alak sa sistema ko minsan nga ay nalalasahan ko pa sa dila ko.
"Baliw ka kasi sis, alam mo namang hindi ka umiinom nakipagsabayan ka kay Paris." Hindi ko sinabi kahit kay Trisha o Remi ang totoong nangyare kaya ako nalasing, I can't take chances na malaman ni Ross kung saan ako natulog. It may sound that I'm cheating pero ayoko lang talaga mag away kami, wala naman akong ginawang masama. Kahit minsan hindi pa ako natulog sa bahay nila for two years na magkarelasyon kami hindi ko alam kung anong iisipin niya.
"For experience lang yon sis, tsaka malapit naman na akong pumunta ng Italy." Pagdadahilan ko ulit, isang bagay na mas nagustohan ko kay Trisha eh kahit anong dahilan ang ibigay ko sa kanya she will accept it kaya natakot ako ng nakita kong papalapit si Remi ang isa ko pang kaibigan, she is skinny and tall but she is bouncing while walking toward us. I know she will bombard me with question hanggang sa umamin na lang ako.
"Saan pala tayo after graduation?" Pag iba ko agad ng topic ng nasa harap na namin si Remi, ngumiti pa ako to hide the hint of guilt and cover up on my words.
"Sa bahay ninyo na lang sis, sa huling sandali gusto kong masilayan ang umuulan na abs." Kinikilig pa talaga si Trisha ng sabihin niya iyon, kasama ko kasi sa bahay ang kapatid ko at tatlong pinsan na lalaki.
"Tigilan mo yang kalandian mo Trish." Wala nanaman sa mood si Remi kapag nababanggit ang kahit ano tungkol sa mga pinsan ko ay automatic ang pagsusungit niya palibhasa kasi akala niya wala akong alam na nagkaroon sila ng something ng Kuya Justin ko.
"Ang KJ mo sis." Puna ni Trisha sa ugali ni Remi, hindi talaga sila magkasundo kahit kailangan. They are opposite poles, magkasulangat ang papanaw nila sa bagay bagay.
Umalis na ako sa pwesto namin ng nag umpisa silang dalawa na magbangayan nanaman, wala ako sa mood maging referee ngayon. Hindi padin mawala wala ang sakit ng ulo ko para akong susuka o sasabog. Umupo ako sa bakanteng bench sa labas ng auditorium, pinikit ko ang aking mga mata at pinisil ang sintido ko, hihimatayin ata ako sa tindi ng migraine ko. Bumalik sa akin ang lahat ng hapong magising akong muli sa loob ng condo ni Sebastian.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog, pagising ko ay agad kong inayos ang higaan at nagpasyang lumabas. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at tiningnan kung may tao, walang tao kaya dumiretso na ako sa kusina dahil nakaramdam na ako ng gutom. May iniwan na lutong pagkain si Susan, siguro ay umalis na rin siya pagkatapos ayusin itong lahat. Hindi ako mahilig sa soup lalo na at malamig na pero pinagtyagaan ko na at sobrang gutom na ako. Madali ko lang natapos ang pagkain, hinugasan ko na din ang pinagkainan ko baka mamaya isipin pa ng manong na yon na hindi ako marunong maghugas. Nag ikot-ikot ako sa loob ng Condo, malawak ang loob niyon at may isa pang kwarto maliban sa tinulogan ko, call me nosy lahat naman tayo may curiosity sa katawan. I tried to open the door hindi ko naman kasalanan kung hindi siya marunong mag lock ng pinto, Im sure ito ang kwarto ng manong na yon.
Walang kakulay-kulay ang kwarto, hindi gaanong madilim ang kanyang silid kahit closed naman ang kurtina siguro dahil sa puting-puti ang kwarto niya mula sa paint hanggang sa mga gamit. Umupo ako sa kama niya, siguro madaming babae ang dinadala niya rito nakikipag-threesome pa siguro ang loko malaki masyado ang kama eh isa lang naman katawan niya. Napansin ko ang nag iisang picture frame na nakapatong sa bedside table niya. Isang babaeng nakasuot ng floral dress, mahaba ang mga buhok at ang mga ngiti ay abot sa kanyang mga mata, this must be her girlfriend, sa ganda ng girlfriend niya nagawa niya pang magdala ng babae dito there must be wrong with his mind.
Pinukaw ako ng pagtunog ng cellphone sa iniisip, si Ross tumatawag. Ano na naman kaya ang excuse nito para hindi kami sabay na mag-lunch?
"Hello Hon?" Sigurado akong nasa lugar ito na maraming tao, naririnig ko ang ingay ng mga kaibigan niya.
"Ano hindi na naman matutuloy lakad natin?" Hindi ko napigilang deretsahin siya, ayoko ng makarinig ng mga rason niya. Kung ayaw naman niyang magkita kami ay maiintindihan ko ayaw kong maging toxic na girlfriend pero wag naman niya akong pangakoan tsaka ibabagsak.
"Hon kasi birthday ni Benj, eh alam mo naman to magtatampo nanaman pag umalis agad ako." Lagi na lang niyang inuuna ang barkada siguro ay confident sya na mahal ko siya kaya hindi niya iniisip kung ano magiging reaksyon ko.
"Do what you want Ross, bahala ka sa buhay mo." Hindi ko na inintay na makasagot pa siya pinatay ko na agad ang tawag at padabog na nilagay ang cellphone sa loob ng bag.
"Oh ano nanamang problema mo? Si Ross nanaman ‘yon no." Bungad agad ni Remi ng maabutan nila ako ni Trisha na nakabusangot. Hindi boto si Remi kay Ross, para sa kanya mabuting kaibigan si Ross sa akin pero hindi siya ideal na boyfriend. As I qoute "You don't love him, brotherly love lang yan and he's taking advantage of that feeling" yan ang sinabi niya sa akin ng malaman nilang kami na ni Ross two years ago.
"Hindi na daw tuloy ‘yong lunch date namin, birthday ni Benj." Sumbong ko sa kanila, pagod na akong pagtakpan ang ginagawa ni Ross. He's taking me for granted, palagi na lang niyang ginagawa ito sa akin.
"Lunch date lang yan sa susunod eh hindi na yan sisipot sa kasal ninyo para sa kaibigan niya." Ross is a good person, mabait siya and he doesn't cheat wala sa personalidad niya, I'm his first girlfriend. Ni minsan hindi naging problema ang babae sa amin pero pagdating sa barkada ay hindi talaga siya makahindi pag nag kakaayaan na.
"Hayaan mo na sis, pag pumunta naman kayong Italy solo mo na siya. Kaya tayo na muna mag bonding." Trishia is really the drama breaker, kapag may pinag dadaanan either sa amin ni Remi ay magaling siyang gumawa ng paraan para mapagaan ang sitwasyon. Nagpadala na lang ako sa paghatak nila sa akin na papunta sa kung saan.
*******
Sebastian's POV
My happiness is up to the ceiling when I saw Paris eating alone, siya naman talaga ang pinunta ko dito sa bahay. I rarely go home simula ng umalis ako years ago, I am more comfortable living alone.
Her eyes widened when she saw me approaching. Alam na siguro niya ang sadya ko.
"Nagawa mo na ba 'yong pakiusap ko?"
I sit across her, napatigil siya sa pagkain. I can't recall how many times she said she will not help me but I will be crazy in no time kapag hindi ko pa nakita ulit ang kaibigan niya.
"Kuya I told you, I can't do that." It’s been two days since Irene left my Condo without wating for me to come home first. I can't get her out of my head, so I have to see her for my peace of mind.”
Tumayo na si Paris at handa na siyang talikuran ako,"Do it or else I will convince Tita Mylene na dalhin ka sa Japan."
I blackmailed her wala na akong choice, I saw her sigh in defeat. Sa lahat ng ayaw niya ay umuwi sa Japan kung saan ang mommy niya, my late father’s sister.
"Okay sige but I'm telling you my hands are clean ha and please lang huwag mo siyang gawan ng masama don't blow my chance sa brother niya for God sake kuya." I nodded accepting all her words kahit sa totoo ay wala akong maintindihan maliban sa pag sang ayon niya na tulongan ako.
I am not a casanova, it is not my thing to have an affair or play around with girls, I only want to see her again. There is something about her na hinahatak ako pabalik sa kanya, I can't let my self slip and be insane. Pagbibigyan ko ang sarili but I will surely keep my faithfulness wrapped.
******
Irene's POV
"Irene pumunta dito ‘yong kaibigan mo kanina, Ano nga ‘yong pangalan noon tol?" Bungad ni Kuya Art sa akin ng maabutan niya akong nagluluto sa kusina.
"Paris!" Sigaw naman ni Kuya Justin na parang prinsepe na nanunuod ng tv sa salas.
"Bakit daw?" Tanong ko habang hinihiwa ang sibuyas na required yata na paiyakin ako.
"May reunion daw kayo ng mga highschool classmates ninyo sa Saturday, susundoin ka na lang daw niya dito." Bakit naman kaya hindi na lang niya ako tinawagan eh may number naman kami ng isa't isa, siguro ay nagbabakasakali na andito si Iros ang kapatid ko na mas matanda lang ako ng isang taon. Simula highschool may gusto na talaga si Paris kay Iros hindi lang siya pinapansin kasi a’yon kay Iros eh sobrang arte ni Paris.
"Papayagan ninyo naman ba ako? Eh paniguradong overnight stay yon." Simula kasi ng mag stay na din ako kasama sila pinagkatiwala ng Grandparents namin na nagpalaki sa amin lahat ang safety ko. Kaya sa ayaw at sa gusto ko lagi kailangan kong mag ask ng permission sa kanila, either hindi sila pumapayag o kailangan may dalhin akong isa sa kanila bilang chaperone.
"Eh diba pinayagan ka naman ni Kuya Nathan noong nakaraan baka d ka na payagan ngayon Ate." Singit naman ni Iros na kakapasok lang sa kusina habang may bitbit na junkfood hindi talaga nagpapahinga ang bunganga niya sa pagkain. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko, baka mabisto nila na hindi ako natulog dito at nadiskubre na sa bahay ng lalake ako inumaga for sure wala pang isang oras ay nasa eroplano na ako pauwi sa amin.
"Teka, nakauwi ka ba noon Irene?" Abot hanggang langit ang kaba ko ng pumasok na din si Kuya Justin sa kusina, tinitignan nila akong tatlo na hinihintay ang sagot ko. Nagdadalawang isip ako kung tama ba ang mag sinungaling pero wala naman talaga akong ginawang masama maliban sa pagtulog sa condo ng lalake, white lie lang naman ang gagawin ko.
"Nakauwi ako, umaga na. May susi akong dala ayaw ko na kayong istorbohin himbing ng tulog ninyo eh." Thanks God at hindi ako nautal sa kasinungalingan ko, buti na lang talaga wala si Kuya Nathan noon at umuwi para ayosin ang papeles na pinapalakad ni Lolo sa kanya kung hindi eh nabisto nila akong hindi nakauwi hihintayin pa naman ako noon kahit anong oras basta makita lang niyang nakauwi ako.
"Ahhh" sabay sabay naman nilang sabi, nakahinga na ako ng mabuti ng umalis na sila sa harapan ko. Advantage na yata sa akin na sa buong buhay ko hindi ako nagsinungaling kahit minsan sa kanila kaya ngayon buo ang tiwala nila sa akin.
Nagliligpit na ako ng pinagkainan ng dumating naman si Kuya Nathan. Mukhang maganda ang mood niya may dala pa itong box na inabot niya naman agad sa akin. Agad ko naman binuksan, Gucci black shoes.
"Graduation gift ko sa’yo, suot mo yan bukas." Malapad ang mga ngiti niya ng sabihin niya iyon. Kuya Nathan is the oldest sa amin lahat dito, naging responsibility niya hindi lang ang alagaan kami pero ang panatilihin kaming buo.
"Thank You Kuya, you're the best." Niyakap ko siya at napa tip toe pa para maabot ko ang pisngi niya para mahalikan ito.
"No problem."
Kinuha sa akin ni Kuya Justin ang hawak kong mga plato nahihiya naman daw siya at nakalimutan niyang bilhan ako ng regalo kaya naman siya na daw ang maghuhugas ng pinggan from now on, masarap sana pakinggan pero it is far from possible. Masipag na Fireman si Kuya Justin kahit siguro sa loob ng banyo kung ipapatawag siya for emergency ay kahit hubad tatakbo ito pero pagdating sa bahay, he's a living potato. Si Kuya Art naman busy sa carshop kasama si Iros kapag walang pasok, kahit nasa gilid lang ng bahay ang shop pumapasok lang yan sila kapag kakain na o matutulog. Si Kuya Nathan gabi na din kung umuwi, general manager na kasi sa opisina.
Umakyat na ako sa kwarto ng dumating ang mga kaibigan nila, pupunta nanaman ‘yon sila sa shop. Hindi na yata nauubos ang kakalikotin nila sa mga kotse doon, hobby kasi nila ang makipag karera. I know illegal ang sinasalihan nilang karera kaya kahit minsan hindi pa ako nakakasama sa kanila plus ayaw naman nila akong isama.
Binuksan ko ang cellphone ko para mag scroll muna sa f*******: ng agad namang mag pop up ang message ni Mommy.
Nak, me and dad separeted. Its a mutual decision, you don't have to worry. Please don't tell Iros yet.
I expected that long time ago, matagal ko ng nahahalata na on the rocks na ang relasyon nilang dalawa. It’s for the better I guess.
You sure you okay mom? Iros also needs to know, he's old enough.
Talaga namang karapatan din ni Iros na malaman, wala naman siyang pakialam kung maghiwalay ang magulang namin. He has no clear memory of our parents, he's only 3 noong umalis ang parents namin 17 years ago. Nagbabakasyon naman sila pero walang magandang bonding sa family namin, dad will come home sa farm namin and mom will go home sa pamilya niya.
Okay sige, but you break it slowy. He's still a baby sa akin...
Of course he is a baby sa paningin ninyo, hindi ninyo nga magawang kamustahin kami minsan. It seems like you forgot na may mga anak kayo, I wanted to tell her that pero ayoko makipag talo sa kanya. I respect them, sila padin ang magulang ko.
Okay.
At Nak, I think this is not the right time para pumunta ka dito. You stay there muna.
I closed my phone, I had doubts on going to Italy noong una pero lahat na naka plano sa amin ni Ross. Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa kanya. Pinikit ko ang mga mata ko I'm trying to imagine Ross, our wedding our future family but then things changed, Ross face changes, its... Its Sebastian.