I reluctantly shake my head. I don't have enough courage to be honest. I can accept it if they'll get mad at me pero alam ko na malaking gulo kapag nalaman nila ang set-up na pinasok ko. Matitiis ko kung sasabihan nila ako ng masasamang salita pero kapag nawalan sila ng tiwala sa akin ay ikakawasak lalo ng buo kong pagkatao. “Hiwalay na kayo ni Ross, hindi ba?” Napatingala ako, paano niya nalaman? Remi. Akala ko pa naman mapagkakatiwalaan ko siya. Siya lang din pala ang manlalaglag sa 'kin. Nangako siya na walang pagsasabihan; bakit lahat nalang pinaglalaroan ako? “Sinabi pala sayo ni Remi?” “Walang sinabi si Remi sa akin.” That's expected. Naturalmente pagtatakpan niya ang pinakamamahal niyang babae. Nakakahiya naman pala talaga sa kanila, nagkakampihan pa para saksakin ako sa likod.

