Third Person Masaya si Irene habang inaayos ang gamit niya, ngayong araw na siya lilipad papuntang cebu. Ilang oras na lang ay makikita na niya muli si Sebastian; mararamdaman na naman niya ang mainit na yakap ng lalaki. Mahirap ang malusotan ang mga pinsan niya nitong mga nakaraang araw, naging maingat siya sa pagpili ng magandang rason para pumunta sa cebu. Pero tadhana nga siguro ang tumulong sa kanya; kasi tama naman at kasal ng kaibigan ng ina niya sa pangalawa nitong asawa kaya nautosan din siyang pumunta. Ilang araw na simula ng makapagpahinga ng mabuti si Sebastian; maraming trouble ang cordova to cebu city bridge na project nila. He is pressured by the government kaya bilang acting CEO kailangan niyang humarap. He can’t disappoint his mom; ayaw niyang maisip nito na nagkamali

