“Niloloko mo yata ako eh.” Ayaw pa rin na maniwala ni Trish kahit dalawang beses ko ng nakwento kung kailan at saan kami naghiwalay ni Ross. Sa tingin niya ay pinagti-tripan ko siya. “Bakit ko naman gagawin ‘yan?” “I don’t know, baka nagstart ka ng youtube channel at ako ang unang biktima ng prank vlog mo?” patanong na pagbibigay niya ng rason. “Pero okay sige, kung naghiwalay kayo, sa ano namang dahilan?” “No reason really, nangyari na lang. I fell out of love.” May katotohanan kong sabi. It’s not yet time para sabihin ko ang tungkol kay Sebastian kaya hindi ko na muna nakwento. Sasabihin ko na lang kung maramdaman ko na na oras na, masyado pang komplikado ang lahat sa ngayon. “Kawawa naman si Ross.” Kayaga ni Remi ay ganoon din ang reaksyon ni Trishia. Afterall kaibigan din naman

