Mabilis na dumaan ang mga araw. Hindi naman naging mahirap ang mga bawat araw na lumilipas para sa akin. Nagsimula ang pasukan, nakaenrolled ako at si Ariola sa parehong University. Ang kapatid ko naman ay nakatuntong na ulit ng eskwelahan ng elementarya. Masaya ako at nakikita ko siyang galak na galak dahil sa kagustuhang pumasok. Kasabay ng pagpasok ng pasukan ay pagpasok din nang nakakapagod na setting ng schedule ko sa school at sa trabaho bilang modelo. Maging si Ariola ay dumaing din sa akin. Ngunit kaysa magreklamo ay pinakalma namin ang sarili at para ito sa aming kinabukasan. Inisip na lamang namin iyon bilang isang pagsubok. Mas maraming dumating sa aking opportunidad kaysa kay Ariola. TV interviews at appearances. Parating tanong sa akin ay kung pwede ako pumirma ng kontrata b

