"Oh, Liro? Anong ginagawa mo dito?" aking pagtatanong pagkakita ko sa kanya. Nakakgulat naman. Hindi ako informed na makikita ko siya. "Tinulungan ko sila na maglinis. At dahil na rin sa iyong kapatid!" sagot niya. Hindi naman nagtagal ay tinawag niya nag kapatid ko na siya namang lumabas mula sa isa sa mga kwarto. "Yes po Kuya Li..." hindi na natapos ng kapatid ko ang sasabihin dahil nakita niya ako. "Kuya Keith!!!!" sigaw ni Kristan at ramdam ko sa kanyang boses na miss na miss na niya ako. Namiis ko ang kapatid ko. Mas lalo atang nadagdagan ang kanyang timbang. Mabilis pa sa alas-kwatrong tumakbo ito palapit sa akin at bago pa man makalapit ay umupo ako ng paiskwat at sabay lahad ng isang yakap sa kapatid ko. Hindi ako nagkamali. Mas naging malaman siya ngayon. Ano kayang pinapakai

