Nagising akong maganda ang sikat ng araw. Tumatama ang sinag nito sa aking mukha na siyang dahilan para ako'y magising. Minulat ko ang aking mga mata at gumalaw ngunit bago ko pa man makalimutan ay alam kong kasama ko si Wayne. Napabalikwas ako ng bangon ng maramdaman kong wala siya sa tabi ko. Tinawag ko siya baka sa sakaling nandito lamang siya sa paligid. Pero walang Wayne na lumabas. Napatingin ako sa lamesa sa aking tabi. Titignan ko sana ang oras ng biglang may pumukaw na isang papel doon. Masakit man ang aking pang-upo ay pinilit ko pa rin umupo at lapitan kunin iyon. Nakasulat sa maliit na papel, "Watch the video here in your cellphone." -Wayne Agad ko namang kinuha ang pulang cellphone na ibinigay niya noon. Nakaready na ito pagbukas ko. Agad kong pinindot ang video at nagpla

