Matagal kaming bumiyahe ni Wayne. Sa tingin ko ay kumulang dalawang oras kami bumiyahe. Nakaramdam ako ng hilo at dahil na rin sa pagod ay pinilo kong matulog. Wala din naman kaming napag-usapan ni Wayne. Tinanong ko lamang siya kung hanggang kailan siya sa business travel niya at hindi niya alam ang sagot kung ilang araw... o kaya naman hindi lang linggo ang bibilangin, mga ilang buwan siyang mawawala. Hindi naman ako masyadong nakapagreact at dama ko naman sa mga sinabi niya kanina na babalik siya at hindi niya ako pababayaan lang ng basta-basta. Tinanong ko din siya kung kasama niya si Tiffany. Pero hindi daw. Papa ni Tiffany ang makakasama niya. Tinanong ko pa siya kung ano ba ang naging relasyon nilang dalawa ni Tiffany at ilang buwan o taon sila naging sila ngunit, binalot ng katah

