Chapter 6

2204 Words
Very good! At naging maayos ang tulog ko kagabi. Eh ikaw ba naman ang makatulog sa medyo malambot na kama. Hindi naman matigas yung folding bed na dati naming tinutulugan, pero parang nanibago ang katawan ko at naging relax at smooth ang aking tulog. May sarili kaming kama ngayon ni Kristan. Yes! Literal na kamang nakikita ko sa panaginip ko. Malambot at masarap higaan. Bongga rin naman pala itong Home for the Maids kuno nila Wayne. Malaki at tantya ko ay nasa mahigit kinse ang mga maids. Sabi ni Nay Karing ay talagang marami sila. Dahil hindi lang naman basta mansion ang binibigyang pansin dito. May sariling room talaga ang mga kasambahay. Pero magkasama pa rin kami ni Kristan. Ayaw din naman niyang magpaiwan mag-isa. Nagpadagdag na lang si Nay Karing na isa pang kama para tig-isa kami. Malawak din naman yung kwarto. Sa likod daw nito ay ang mga kotse at malawak na lupa para sa pagpapatakbo ng mga sports car. Mahilig daw talaga si Wayne sa mga kotse at kung hindi lang lima ang koste nila. Nako triple pa daw! Wala na rin akong pagtataka kung bakit nagalit siya noong nabunggo namin ang kotse niya. Baka kasi paborito niya iyon o mayroong sentimental value. Hindi naman sadya eh. Pero kung ganun pala sila kayaman, marami naman siyang reserba na kotse. Ikaw kasi Keith, eh. Sabi na nga niya di ba wag na bayaran? Nagpumilit ka pa rin. Very wrong ka din. Ayan tuloy... kailangan mong pagtiyagaan ang amo mong gwapo. Gwapo nga, may pagkamansungit naman. May pagkaarogante rin. Daig pa ang babae. Gusto kong tuksuhing bakla para pag naghamon baka ganito ang maging eksena.. Ako: Bakla ka 'no! Wayne: Hindi ah! I'm straight! Ako: Weh? Patunayan mo nga! Wayne: Paano? Ako: Kiss mo ko.. (pabulong) Wayne: What? Ako: Wala! Bingi! Sinabi ko lang halayin mo ko... Wayne: Are you crazy? Halayin talaga?? Ano bang nasa isip mo Keith? Magiging okay siguro ang paninirahan namin dito pansamantala. Mukhang okay naman yung magiging buhay ko dito... ng kapatid ko. Sa dami rin ng mga katulong, may mga nakatoka sa garden, sa pagluluto, sa pagpapanatili ng kalinisan sa loob at labas, tapos mayroon din para sa mga personal na maid para sa amo. "Oh. Gising ka na pala, Keith!" boses ni Nay Karing. Napalingon naman ako sa pinto ng ay nakita kong pumasok siya. May ngiti sa kanyang mga labi. "Magandang umaga po Nay Karing. Opo. Kanina pa po ako gising. Sinusuri ko lamang po ang kwarto at iniisip po ang magiging buhay ko na ngayon." sabi ko pa. "Magandang umaga rin. Nako anak wag ka masyadong mag-isip. Maaga kang tatanda sa mukha nan sige ka." "Nako. Si Nay naman oh. Hindi kaya kukupas ang beauty ko." tumawa ako. "Mukhang hindi nga dahil hindi namin inakala na pusong babae ka noong nakita ka namin kagabi. Parang babae ka talaga. Kulang na lamang ay mahabang buhok at umbok sa iyong dibdib." natatawang sabi ni Nay Karing. "Bolera ka pala Nay." "Nako, hindi." "Salamat Nay." tumawa ako ng kaunti. "Nga pala Nay, mamaya pa naman ako papasok doon sa trabaho. Pwede ko bang libutin ang kalakihan ng mansion na'to? Nakakasigurado kasi akong maganda talaga dito.." pagsusuhestiyon kong sabi. Pumayag naman si Nay Karing at dahil sa aking tuwa ay napayakap ako sa kanya. "Nako naman. Ang sweet. Oh, siya siya, sige na. Bumaba na kayo maya-maya dahil kakain tayo ng almusal okay kaso mukhang napahimbing ang tulog ng kapatid mo oh. Nakahilata pa rin." sabi ni Nay Karing. Napatingin naman ako kay Kristan. Nakataas ang kanyang mga paa. At mukhang masarap talaga ang tulog. Napangiti naman ako. "Oh sige. Lakad na. Alam ko magugustuhan mo sa may likod bito dahil sariwa ang hangin at nakakrelax pagganitong oras doon." "Sige po Nay Karing." napatingin ako sa orasan at alas otso na pala. Pagganitong oras andun kami ni Kristan sa lansangan. Pinoproblema kung paano kami kakain sa buong maghapon. Dala-dala ang kariton na tanging naiwan sa amin nila Itay at Inay. Oo nga pala? Kamusta na yung kariton? Malamang naging panggatong na yun, pero 'di na bale. Magtatrabaho naman ako eh. Lumabas ako. Hindi naman ganun kainit ngayong araw. Tama lamang at makulimlim. Mahangin din. Mukhang tama nga si Nanay Karing. Magiging payapa ang paggagala ko sa mansion na ito. Nakasuot lang ako ng white panjama at fitted na shirt Nagpunta ako sa likod ngHome for the Maids. Nakahati na ata ang mga lupa sa kung anong pwedeng mailagay sa bawat parte nito. Sa likod nito ay may mga pananim ng mg piling gulay. Medyo malaki rin ang lawak no'n. Mayroon ding part para sa mga alagang mga bulaklak. Bongga! May garden talaga. Bukod pa ata iyon sa garden na nakita ko sa unahan ng mansion. Tapos may oval sa gitna. Yun na ata yung sinasabi ni Nay Karing. Sa hindi kalayuan doon ay ang mga kotse nga. Iba talaga pagmayaman. Nagagamit kaya nila lahat ng yan? Hingiin ko na lang kaya ang isa? Ramdam kong medyo malamig ang hangin. Lakad lang Keith libutin mo lang pero sa sobrang lawak parang hindi ko kakayanin. Nakakabilib! Ang lawak ng lupain. Akala ko ay yun mansion lang talaga. Nagpatuloy pa ako ulit sa paglalakad nang may biglang bumunggo sa aking paanan.. "Daga! Daga! Inay!" sigaw ko dahil sa gulat! Takot ako sa daga! Nagtatalon-talon ako! Pati sa ipis. May narinig akong tinig na natawa! May nakakita pala! At di man lang ako tinulungan! Tumigil ako saglit ng may marinig akong ugong ng laruan. Tinignan ko ang paanan ko at di kalayuan noon pala ay isnag laruan kotse! Umiilaw iyon at patuloy na bumubunggo sa paanan ko! Leche! Akala ko naman daga na! So sino naman ang may pakana nito? Lumingon ako sa paligid. Nakita ko ang isang lalaki na tumatawa! "At anong tinatawa mo d'yan?" sigaw kong patanong sa kanya. Patuloy lang siya sa pagtawa! Para namang ngayon lang ito nakatawa sa buong buhay niya! Malagutan sana siya ng hininga! Nakatawa feeling close.. "Nako! Mahanginan ka sana ng mastroke ka d'yan!" sabi ko at nagpatuloy sa sa paglalakad. "Wait!" sigaw nito. Huminto naman ako. "Yes?" sabay lingon ko Tumakbo ng kaunti ito para makalapit sa akin. My gad! Very epek ang itsura ha! My pagkachinese? Taiwanese? Or japanese? Basta may pagkasingkit ang mga mata. Medyo magulo ang mahabang buhok. Hindi ko maidentify kung pinagupitan niya yun or what. Para siyang anime character na may brown pang mga buhok. Ang mata, ang ganda! Nakangiti! Pamatay din ang curvy lips curving a cute smile! Matangkad din 'to ah. Hanggang balikat lang ata ako! Pero may mga muscles ang braso. Biceps! Bakit kasi fitted na black v-neck shirt ang suot? Ang hot niya tignan. Siguradong may pandesal ngayon umaga. Very wrong ang landrenaline ko. Mukhang gustong maglumandi! Oo. LANDRENALINE! Malanding andrenaline! Ganern! "Hey Keye! Eneng pengelen me?" sabi ko with puppy eyes! "So cute! Pero, anong tanong mo? Di ko maintindihan." very good! Cute daw ako oh! Kaso tingin ko, mukha akong aso. Medyo nahimasmasan naman ako sa tinuran niya. "Ah eh..." nakangiti akong nakatingin sa kanya habang naghihintay ng mga salitang lalabas sa aking bibig. "Wa-wala! Sabi ko... sino ka? Ikaw na ba si Mr. Right?" very wrong ang landrenaline ko kaloka. "Haha. Maybe? Who knows, right?" Ngumiti siya! My gad! Mukhang anghel naman ah. Very angelic! Siya na ba ang sundo ko? Willing akong sumama! "Nga pala. I'm Liro!" nakangiting sabi niya. Hindi ko na alam kung anong itsura ko pero I am confidently beautiful. Char! "Hi. Ako si Keith. Ang unique ng pangalan mo. Parang musical instrument. "Thanks. Hango daw kasi yun sa lyre na musical instrument kaya Liro." sabi naman niya "I see. Ang galing kong manghula." "Anyways... bago ka ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita. Bisita ka ba?" tanong niya. "Nako hindi. Kakarating ko lang kagabi. Si Sir Wayne kasi sabi niya dito ako magstay at pati ng kapatid ko habang nagtatrabaho ako sa bar niya daw" sagot ko sa kanya. "I see. Well, so magtatagal ka pala dito. Ano nga pala ginagawa mo dito sa field?" "Naglilibot lang. Pati nakakabagot doon sa House for the Maids." "Before I forgot, Sorry kung nagulat kita kanina. Haha. Your reaction was priceless. I find it cute. Kala ko maghysterical ka at sipin ang laruan kong kotse." "Nako. Okay lang. Kala ko kasi daga na. Takot talaga ako sa daga." sabi ko ng may pagflip pa ng invisible hair ko sa balikat. Baka sabihin niya, ang arte ko. Tumawa siya. "Charot lang! Nga pala, ano ka pala dito?" "Ako? Kapatid ako ni Wayne." sabi niya at pinulot sa may paanan ko ang kotseng laruan niya. Mujhang magkapatid nga sila. May pagkaisip bata rin 'tong si Liro eh. "Oh, really? Like for real? Like very real ganun?" "Yup! Hindi lang halata." natatawang sabi niya. My gad. Opposite niya si Wayne ha. Palangiti siya at pleasing ang personality nito ni Liro. Hindi katulad ng Wayne wayne brooomm brooommm na yun. Masungit! Sana kaya siya pinaglihi! "Hindi nga halata kung hindi mo sinabi. Eh halos wala naman same features sa inyo eh. Malamang isa sa inyo ampon o napulot lang sa daan o iniwan ng nanay sa kung saan. Parang teleserye!" Medyo nagbago ang impression ng mukha niya. Parang napilitang ngumiti. Very wrong Keith! May nasabi ka atang mali! "Uy. Sorry. May mali ba sa sinabi ko? Sorry hindi ko alam. Biro lang yun." sabi ko ng may pag-aalala. Baka kasi mamaya maging hindi maganda ang turing niya sa'kin. Ngumiti ito ng malapad. At nakita ko na naman ang malaanghel niyang imahe! Bakit kasi may ganitong pagmumukha! Ang sarap magkasala! "Don't worry. May naalala lang ako. Pero wala doon sa nabanggit mo. Maiba ako, kumain ka na ba?" tanong niya. "Hindi pa. Pero hindi pa ako...." biglang kumulo ang tiyan ko! Basta pagkain Keith, craving kagad! Yung mga bulate ko hindi man lang mapigilan. Nakakahiya! "Hindi nagsisinungaling ang tiyan." nakangiting sabi niya. Binigyan ko lang siya ng tipid na tuwa at napahawak ako sa tiyan ko. "So, pwede mo ko samahan sa pagkain kung okay lang naman sa'yo." pang-aalok naman niya. "Naku po. Wag na Sir. Nagluto naman si Nay Karing sa House for Maids eh. Siguro, duon na lang ako kakain." "Yup. Duon nga tayo kakain." "Weh? Hindi nga?" "Oo nga. Nay Karing use to serve me and Wayne breakfast every morning. Nakain kami sa may garden doon sa unahan ng bahay." Tumalikod siya at nagsimula siyang maglakad. Sinundan ko lang siya. Panalo rin ang isang 'to sa handsomeness ha. Nakatalikod na pero ang gwapo pa rin. "Pero Sir, wag na po. Nakakahiya. Kakain naman siguro kami nila Nay Karing. Pati baka gising na kapatid ko eh. Mag-alaga pa ako duon." sabi ko. "May kapatid kang andito rin?" napatigil siya at lumingon sa akin. "Opo." "Girl?" "Hindi po. Lalaki. 9 years old lang po." "Oh I see." tumalikod ulit ito at naglakad. Dala-dala niya pa rin yung kotseng laruan. "Ayun. Pero okay lang. Baka sumaglit lang naman din po kami dito." "Why? You can stay here as long as you can." "Nako. Nakakahiya na po. Aalis din po kami." "Well, I think Wayne will not allow you to do so." sabi niya. "Bahala na po. May babayaran lang kami tapos makakaalis na rin kami. "KUYA KEITH!" Napalingon ako sa harapan ko. Nakita ko si Kristan at patakbo sa akin. Nagising na pala ang mahal kong kapatid. Di kalayuan ay nandoon din si Nay Karing. Nang makalapit si Kristan at niyakap niya ako. Ginantihan ko naman ito ng mahigpit na yakap. "Good morning, Kuya. Saan ka nagpunta? bungad ni Kristan ng makakalas sa yakap. "Nako, doon lang sa likod. Nagpahangin lang " "Akala ko kasi iiwan mo ko eh. Dapat sinama mo ako." "Nako ikaw talaga. Mamaya. Maglalaro tayo, doon okay?" "Sige. Teka sinong kasama mo?" tinuro ni Kristan si Liro... tumingin ako kay Liro at nakangiti ito. "Nga pala. Sir Liro, eto po yung kapatid ko." pagpapakilala ko dito. "Nice to meet you little boy." pagbati ni Liro. "Hello po. Ako po si Kristan. Ikaw po?" "Ako naman si Liro. You are cute just like you're kuya." wika nito. Wehh.. enebe! Cute daw Hindi nakasagot si Kristan. Nakatingi pala ito sa kotseng hawak ni Liro. "You want this toy car?" tanong ni Liro. Tumango lamang si Kristan. "Here. Sa'yo na yan. Ingatan mo ha." "Nako Sir. Wag na po. Nakakahiya." pagtanggi ko. "No. Okay lang I can buy or another toy car." "Ah eh... okay. Nakakahiya. Sorry po. Pero salamat po." "Thank you po! Ang ganda po nito. Ano po itong remote?" sabi ni Kristan at nakangiting sinusuri ang binigay na laruan. "Tara turuan kita." sabi Liro at sinenyasang lumapit ito sa kanya. Lumapit naman si Kristan. Sinimulan namang ituro ni Liro kung paano gamitin ang naturang laruan. Ewan ko. Mukhang magkakasundo ang dalawang ito ah. Pero nakakahiya. Sabi ko, pagkami nakaluwag, ibibili ko si Kristan ng laruan na ganun kaso, wala eh. Napabuntong-hininga na lamang ako at ngumiti. Pinanood ko lang silang maglarong dalawa habang masaya silang pinaandar ang kotse. Well, maybe boys are boys. Isa lang ang hilig. Minsan kotse, minsan babae. Maganda naman ang pakiramdma ko na magiging okay naman ang pananatili namin dito. I hope so... bahala na. ----------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD