Natapos kaming kumain ng umagahan. Kasabay namin si Liro pati ang ilan maids. Parang piknik nga ang nangyari. Kung hindi ko pa pinilit na makisabay ang ibang maids mukhang awkward naman kung kaming tatlo lang nila Liro at Kristan ang kakain. Masayang kumain kapag marami.
Ang anino ni Wayne ay hindi ko pa nakikita. Nais ko pa naman itanong sa kamya ang aking oras ng pagpasok at ang direksyon papunta sa kanyang bar. Nais ko sana na hanapin na lamang pero naisip ko na baka ako'y ay maligaw lamang sa laki ng bahay na nila. Kaya't nagpunta na lamang ako kay Nay Karing. Maaaring alam niya ang pagpunta roon.
"Nay!" tawag ko dito. Nag-aayos siya sa may salamin at agad akong nilingon.
"Oh Keith. Naparito ka. May kailangan ba kayong magkapatid?" tanong niya
"Wala naman po Nay. Si Kristan naglalaro pa rin kasama si Liro." sagot ko.
"Naparito ako para itanong kung pwede ko kayang makausap si Sir Wayne. Kasi mamaya po, hindi ko alam kung anong oras ako papasok."
"Okay sige isasama kita sa loob. Baka nandoon lang yun sa kwarto. Puyat na naman kagabi." sagot ni Nay Karing.
"Salamat po."
"Tara na. Sakto at tapos na akong mag-ayos.."
---
Binaybay namin nag papuntang mansion. Medyo may kalayuan din kasi.
"Nga pala Keith, asan ang mga magulang niyo ni Kristan?"
"Nasa bisig na po ni Lord, Nay. Ang Itay ko po namatay isang linggo matapos mapanganak si Kristan. Si Inay naman ay nitong nakaraang dalawang buwan lamang pumanaw." sabi ko sa malungkot na tono. Napatigil naman si Nay Karing na dahilan din ng pagtigil ko sa paglalakad.
Ewan ko ba. Parang biglang bumalik ang pangungulila ko sa aking mga magulang.
"Ano ba ang ikinabubuhay niyo sa barangay Ilogan?" tanong niya..
Oo nga pala. Naikwento ko sa kanya kung saan kami galing at nakatira pero hindi nila alam ang pamumuhay namin doon.
"Nangangalakal po, Nay. Simula't sapul po iyon ang nakamulatan ko. Kita ko po ang sakripisyo ng Itay at Inay. Kaya po nagsisisi po ako na hindi ko nagawa lahat ng bagay na pangarap ko sa kanila—matupad man lang ang pangako ko sa kanila. Kung kailan namang naisakatuparan na nila ang makapagtapos ako, saka naman sila namaalam."
Hindi ko namalayang may tumutulo na pala na luha sa aking mga mata. Sana nandito pa sila. Sana masaya kami. Sana unti-unti ko silang inaangat at tinutulungan sa aming pag-unlad.
"Pasensya Keith. Alam ko nag pakiramdam ng mawalan. Kaya kung gugustuhin ninyong dalawa ni Kristan, ituring ninyo na rin akong parang pangalawang ina ninyo." wika ni Nay Karing na siyang dahilan para mapalingon ako sa kanya.
Nakita kong nakangiti ito sa akin. Sinsero at ramdam ko ang kagustuhan niya. Ngumiti ako pabalik sa kanya. Hinawakan niya ang aking pisngi at pinunasan ang mga luhang dumaan doon.
"Nako. Wag ka ng umiyak okay? Hindi bagay sa 'yo."
Ngumiti ako ng tunay dahil nakaramdam ako ng pagmamahal ng isang Ina... sa pangalawang pagkakataon.
"Opo naman Nay Karing. Okay na okay po iyon. Miss na miss na po namin ang Inay at itay. Siguradong magugustuhan naman iyon ni Kristan."
"Nako, makulit din ang batang iyon ah. Namimiss ko tuloy ang mga apo ko. Kaya okay sa akin ang pagtanggap niyo bilang pangalawang Ina ninyo. Nangungulila rin ako sa mga anak at apo ko sa probinsya."
"Wag na po kayong malungkot Nay. Sigurado naman na okay sila at namimiss ka din nila Nay."
"Oo. Mabuti nga at nauso ang mga selpon na iyan. Kung hindi, baka wala akong balita sa kanila." inakbayan niya ako at nagsimulang maglakad ulit.
"Salamat din. Tara na at baka mahuli pa tayo. Minsan kasi maaga umalis ang si Wayne. Baka mamaya wala na siya diyan."
"Sige po."
---
Sa likod-bahay kami dumaan. Bumungad sa akin ang napakagandang kitchen area. Magkalong puti at itim ang kulay, malinis at pulido ang kitchen room. May ilang mga kusinera na talagang nakauniform na parang mga nasa anime. Pero mahaba lang na lagpas tuhod ang kanilang bestida. Kulay itim at pink ang kanilang mga apron.
Very impressive talaga pagmayaman. May cook, taga serve—ang sarap siguro ng buhay ganun. Sana one day magkaroon kami ng sariling mansion ni Kristan. Kailan kaya iyon?
"Marami po bang nakatira dito, Nay?" tanong ko habang tinatahak ang daan makalagpas ng kitchen.
"Lima lang sila dito. Ang mga niluluto nila ay para sa Pamilya Villacorta."
"Lima lang pero ang daming pagkain? Pwedeng magtake out?" Nakakagutom kasi talaga.
Natawa si Nay Karing bahagya.
"Ikaw talaga. May darating atang bisita mamayang lunch kaya naman busy sila sa mga niluluto at sasapat lang yan mamaya..." wika ni Nay Karing
"Kaya pala."
"Nako. Malakas naman sila kumain. Alam mo ba, nasa Fashion Industry ang kanilang Pamilya? Model pa!"
"Talaga po?"
"Oo, Keith. Kung makikita mo ang kapatid na babae ni Sir Wayne at Sir Liro, tiyak na hahanga ka sa kanya. Baka ng maging lalaki ka." pabirong sabi ni Nanay. Tumawa siya.
"Ay witchikels Muds! Confirmed 101% na ganitech na akis. Gayness overload!" sabi ko in beki language with pagpilantik ng kamay. Tumawa naman ulit si Nay Karing
"Nako ikaw bata ka. Parang alien ata yang salita mo. Minsan nga turuan mo ako ng linggwahe ninyong niyo para makasabay ako.
"Surelalooo Nay. One of this day, Nay." Natatawang sabi ko.
Sa totoo lang ang haba ng nilalakad namin. Nakaayat na rin kami sa taas. Ang ganda talaga ng bahay. May mga abstract painting pa. Binabaybay namin ang taas. Ang haba ng pasilyo. Sa pader noon ang mga painting.
Kung lima lang sila, ang laki naman nito para sa kanila.
Hindi naman na nagtagal ang paglalakad ay narating namin ang kulay silver na pinto. Medyo may kalakihan ito ha.
"So andito na tayo. Iyang silver door, kwarto yan ni Sir Wayne. Iiwanan na kita dito. Katukin mo na lamang si Sir. Sigurado naman na gising na yun.
"As in, Nay? Baka mamaya nakakaistorbo ako. Nako. Baka malintikan ako Nay. Maistorbo ko pa siya." pagtanggi ko.
"Hindi yan. Itatanong mo naman kung anong oras ka papasok mamaya."
"Nakakahiya kasi Nay eh.."
"Hindi yan. Magtatanong ka lang tapos labas na agad kapag nalaman mo na."
"Okay lang ba yun? Baka mamaya masungitan ako eh."
"Hindi yan. Sige na. Maiwan muna kita may ipapaalala lang ako kay Yula at Yoli." tugon nito at tinapik ang balikat ko saka tumalikod at umalis.
Pinagmasdan ko pa ang silver na pintuan. Grabihan ah. Pagmayaman, pasilver-silver na lang. Nasasanla rin kaya itong pinto?
Buntong hininga muna Keith bago pumasok. Inhale exhale...
"TOK! TOK!"
Nako.. 5 seconds past. Wala pang respond.
Inulit ko ang pagkatok..
Wala pa rin.
Pasukin ko na kaya?
Pero baka mamaya, matrespassing ako. Lalong problema yun.
Magtatanong ka lang Keith! Sabi ng isip ko. Oo nga. Pero kasi naman... sige na nga! Very wrong ha! Kasi eh. Di man lang sinabi ang oras ng pagpasok ko. Imposible naman pumunta yun sa akin..
Ay. Nako. Bahala na.
Hinawakan ko ang doorknob at pinihit yun. Very good! Bukas!Itinulak ko ang pinto at nang makapasok ako ay sinag ng liwanag ang sumalubong sa akin. My gad! andami naman atang ilaw! Very masakit sa eyes!
Nang makapag adjust ang paningin ko...
"Wooww..." nasambit ko.
Hindi ko paano pero ang masasabi ko lang ay napakaganda pero manly ang dating ng kwarto.
Malawak. May king-sized bed iyon sa may kanang bahagi. Kulay itim ang sheets, abo ang kumot at puti with black stripes ang mga unan. Mukhang malalambot yun ahh. Medyo magulo. Siguro ay bagong gising ang may ari. May laptop pa doon at cellphone.
Sa kaliwa ko naman ay ang isang tv set. Hindi lang basta television— flat screen! At ang laki ha. Tapos may dvd sa baba speaker sa magkabilang gilid! May mesa din.
Kaya pala maliwanag, eh may glass window wall pala. Ewan kung yun talaga ang tawag dun. Basta, my bintana pero halos isang pader ang lapad no'n. Bongga! May kurtina na kulay gray and white! Pero nakabukas iyon. Bongga talaga! Yung sahig, well black ang white. Ayaw naman niya sa white, black ang gray 'no?
Tapos may mga painting. Tuluyan na akong pumasok sa kwarto at isinara ang pinto.
"Hello... is anybody home!?" sabi ko.
Mukhang may mali.. take two..
"Hello? Sir Wayne??" Pagtawag ko.. pero walang sumasagot! Wala na atang tao eh!
Sinuri ko na lang ang paligid ng kwarto. May art din ang white walls ng kwarto na ito ha. May art na puno sa tabi ng kama... may ilan leaves tapos may mga picture..
Napatingin ako sa isang malaking litrato na nasa taas ng eleganteng kama..
"Woowww... gwapo pala talaga siya!" nabulaslas ko.
Isang malaking litrato iyon... ni Wayne..

Nakaupo siya sa isang puting kotse at yung damit? Very wrong, hindi ko maidescribe. Siguro ay yun ang tinatawag na fashion! Basta kulay itim na may batik-batik na white. Pero bagay sa kanya.
Mukhang suplado talaga. Medyo seryoso siya tapos yung blonde na buhok, nakaayos pero may ilang bagsak sa kanyang mukha at mas lalong nagcompliment ng kanyang conceited look.
Gosh! Ang gwapo talaga. Lumapit ako sa may dulo ng kama. Para matignan ko buo ang litratong iyon. Tumigil ako sa gitna at pinagmasdan ang Wayne na nasa litrato. My gad! Parang nakatingin siya sa akin ha. Nakakaintimidate ang tingin pero parang nakakaaliw pa rin tignan.
Parang nagsasabing... once you look in my eyes... you are mine... just mine...
Napatingin ako sa mata niya...
at...
Bigla akong napahawak sa dibdib ko. Parang nanikip at pakiramdam ko ay may tumapik doon.
Pero.. bakit ako nangiti? Tumingin ulit ako sa litrato...
"Wag mo nga kong tignan! Alam ko maganda ako!" pagkausap ko dito..
Pero walang sumagot. Kausapin ba naman ang isang litrato? Malakas na ata ang tama ko
"Suplado! Hindi man lang sumasagot. Bakit ka ganyan? Wag mong sabihin gwapo ka, kaya may karapatan ka ng mang-isnob!" patuloy ko pang pagkausap.
Mukha akong baliw.
"Isnabero! Hmm. Smile ka naman! Laging seryoso ang mukha eh. Mas bagay siguro sa'yo yun. Dali na!" sabi ko pa.
Pero napapout na lang ako dahil alam kong hindi naman niya gagawin yun. Helloo! Malaking picture lang yan Keith! Wag kang shunga!
"Gusto mo ba talaga akong makitang ngumiti?" isang boses!
My gad! Sumagot? Napatingin ulit ako sa picture.
"Ikaw ba yun?" pagkausap ko.
"Yup! Wala ng iba." sagot ng boses ni Wayne!
"Pero... hoy wag mo kong takutin! Baka nananaginip lang ako! Tama. Nasisiraan ka na ng bait Keith!"
"Nope. You're not even dreaming..." sagot pa.
"Patawa ka! Hoy Wayne! Huwag mo kong tinatakot ha!"
"I'm just talking to you, for real... nakulang ako dito sa picture..." sabi nito.
"Wansapantaym lang ang peg mo no? No! I ain't gonna buy that. Like ever!" sabi ko in malanding voice with matching flip ng ulo then crossed arms. Siyempre nakaenglish eh.
Very wrong ha. Kahit medyo kabado ako, dapat tapang tapangan pa rin. Nako.. gisingin mo na ko Lord sa panaginip na ito. Matalim kong tinignan ang picture.
"Hindi ka na nagsalita. Sabi na eh, nagsisinungaling ka... echosero! Makaalis na nga..." pahakbang na akong maglalakad pero tumigil ako..
"Hindi ka ba magsasalita?" tanong ko dito habang nakatingin sa picture..
Lakad ulit ako at tumigil..
"Nako ha. Witchikels na ba talaga! May itatanong ako!" sabi ko pa..
Wala pa rin. Very wrong ka talaga Wayne wayne broom broomm!!
"Hmp! Suplado talaga! Diyan ka na sa picture mo habambuhay!"
Naglakad ako ng nakacrossed arm at ilang hakbang pa lamang ay bumunggo ako isang mabangong pader ata iyon.
Naout of balance ako dahil sa lakas ng force ng pagbangga at napapikit ako ng mata.. Naghintay akong tumumba sa sahig pero hindi nangyari.. parang may sumalo sa aking likuran... ilang segundo pa ay walang pagtumbang naganap. Parang naramdaman kong may nakayakap sa akin at may malapit sa aking mukha.
Unti-unti kong iminulat ang aking mata...
Marahan kong nakita ang mukha ni Wayne... magulo ang buhok.. basa ata at bagong paligo... dumako ang mata ko sa mata niya. Gosh! Bakit ganun ang mata niya? Ang ganda! Kitang kita ko ang pagkakulay gray no'n! Ang sarap pagmasdan. Mesmerizing! Yung ilong niya... nagnonose line ba siya? Bakit sobrang perfect! Nakakainggit!
And then yun lips... why so pouty and red in color? My gad! Hahalikan ba niya ko? Ang lapit talaga ng mukha niya.. amoy ko an freshmint sa kanyang hininga. My gad! Nakaka tempt! Very good Keith magkakaroon ka na ng first kiss...
Pero...
"Anong itatanong mo sa akin?" tanong ni Wayne.
My gad! Lalo kong naamoy ang minty fresh breath niya.
"Ah.. yung..." nawawalan ako ng words na sasabihin..
Nakakainis naman oh..nakakadistract! Nasa ganoong position pa rin kami.
"..yung... i-schedule?" Finally!
"Schedule?" kumunot ang noo niya. My gad! Gwapo pa rin.
"Schedule mo... para malaman ko kung kasama dun... ang mahalin ako..."
-------