Chapter 8

1825 Words
"What?" nagtataka nitong tanong. "Ah eh..." nakaramdam ako ng hiya sa sinabi ko. Bakit ko ba nasabi pa 'yon? "Ano.. eh.. schedule...you know like... ahm.. is...ked..jul.. pak ganern!" dali-dali naman akong tumayo. Ang awkward ng posisyon namin. Napatingin ako sa kanya. My gad! Nakahubad pala siya!! Yung virgin eyes ko! Nasight ang muscles niya sa katawan! Nanlaki ang mata ko. Kaya pala parang bumunggo ako sa parang pader... katawan pala niya yun! My gad! Uma-abs! Ang dibdib! Pak na pak. Dahil maliwanag sa kwarto niya, kitang kita ko talaga ang magandang katawan niya. Hindi namang ganun ka bulky tulad ng iba, pero muscle kung muscles talaga! ganun Kumain na ko kanina ng pandesal, may papandesal din ang kapatid niya, pati ba naman siya! Kota na ko sa pandesal! Napalunok at dumako ang mata ko sa baba! Nakatuwala pero.. "Wahhhh! My gad!! Naalis yung puting tuwalya at tumambad sa akin yung alaga niya! My gad! No Keith. Wala. Wala kang nakita! My gad, Keith. "Magbihis ka nga! Very wrong ka! My gad!" sigaw ko pa ulit at umurong palayo sa kanya na nakatakip pa rin sa mata. "Stop screaming!! Nakakabingi!" sumigaw din siya. "Ah! Basta magbihis ka! Takpan mo yang katawan mo!Hindi na virgin yung mata ko!" Nag-chuckle lang siya. As usual, signature niya na ata yung pagpapatunog ng dila niya withmatching irap pa yun! Tumahimik ng saglit! "Hoy anjan ka pa ba?. "Just stop screaming ang shouting! You can pull your hands down your face now! Wala ka nang makikita." "Weh? Ayoko! Baka may makita ako! Ayaw!" "Bakit ka ba natatakot? Wala nga. Bahala ka jan." Tignan mo 'to. Ang damot! Charot! Bakit kasi hindi siya nagbibihis eh! Pero imperness! Ayoko ng isipin! My gad! That's a bad thing! Like you know... make me make bad... girl? Dahan dahan kong ibinaba ang aking mga kamay. Unti-unti kong nakita ang nakatayong Wayne. May suot na siyang bathrobe. Kulay dark green. Napabungtong-hininga ako. Nako salamat! "See? I told you." "Eh kasi naman..." "Tsk. Mukhang nagustuhan mo rin naman ang nakita mo." sabi niya! Kapal naman niya! "Hoy, hindi ahh! Feelingero ka ng very good jan!" "Whatever. Wait. What are you doing here?" Tanong niya "Magtatanong lang." sagot ko. "Ano naman yun? Yung bang sinabi mo? Don't understand it. Just repeat it." Nako! Namula ako sa tinuran niya! Buti hindi niya naintindihan! "Hindi ah! Sabi ko anong schedule ko sa work! Hindi ko kasi alam at wala ka namang nasabi eh" "I just heard, "schedule mo" which is... you are referring to me. So my schedule?" paglilinaw niya. Tignan mo to. Very feelingero rin eh no? Narinig naman, ipapaulit pa! Nagustuhan naman din ang narinig! "Hindi kaya! Schedule ko! Paano ako papasok mamaya?" "Tsk." Umirap to sa 'kin. Sarap dukutin ng mata. Daig pa ako umirap. Pigilan niyo ko. Nakaka-lalaki na 'tong lalaking ito. "Alam mo konti na lang, magiging 360 degree na ang ikot ng mata mo. Daig mo pa akong umirap!" reklamo ko dito. "So?" So so so ka d'yan! Pigilan niyo talaga ako. Nakoooo.. "So bakla ka ba??" Napatingin siya sa 'kin! Very wrong ata yung sinabi ko! Miski ako ay nagulat sa biglang lumabas sa bibig ko! Very wrong Keith! Bad mouth! Dapat binulong mo na lang. "How dare you to ask me a question like that?" sabi nito at biglang tumayo. Medyo naging iba ang awra niya. Yung mga titig niya ay naging matalim! Nagalit ko ata siya. Unti-unti ay lumalapit siya sa akin. Paurong naman akong lumalakad patalakod. "Ah eh... Bakla ba ako?" alinlangan kong sagot. Habang pumepeke ng tawa. Pinagpapawisan na ako ng malamig. "It's not exactly what I heard, Keith." seryosong tugon niya na hindi man lamang natitinag ang pagtitig niya sa akin. "Eh. Yun kaya. Oo bakla ako." sabi ko pero... "I won't take that excuse. Gusto mo ba na patunayan ko sa'yo na hindi ako bakla?" Kanina iniisip mo lang Keith na halayin ka niya, mukhang magkakatotoo na! "Don't you know, I am bold..." mapang-akit niyang turan haban papalapit pa rin sa akin.. mukha akong lalapain my gad! "Eh. Yun kaya yung sabi ko.." sabi ko at bigla akong bumunggo sa isang wall.. napatingin ako. Nasa glass window wall pala na niya kami na nakasara!. My gad corner ako. Waaaahhh! "...hustler..." Ang sexy ng boses. Hustler? Saaann?Ako hustler ako sa jack stone with doing exhibitionsss! Ganern. Marunong kaya siya noon? Inilapit niya yung mukha niya sa tenga ko pa. My gad! Ramdam ko yung hininga niya... "And wild..." he said in his very sexiest voice. Ano bang kinalaman nun kung bakla siya! My gad!! Hindi kayaaa....... "WAAAAAAAAAAHHHH!" Umirit ako ng bongga. Dahilan naman para mapaalis siya sa harapan ko. Magagahasa ka ng isang mayamang gwapo Keith! Go lang! Pananagutan ka nan pagnabuntis ka for sure! "Your voice is so annoying! Wala ka na bang ibang gagawin kundi ang sumigaw!" sabi niya ng nakakunot ang noo at bakas ang pagkainis sa mukha. "Kasi ikaw! Gagahasain mo ko! Wag po kuya! My gad!" "Get out of my room, now!" sigaw niya. "Teka nama..." "I said leave my room!" sigaw niya pa in highest tone na niya na galit! Nakakatakot Medyo natakot ako! My gad! Nakatingin lang ako sa kanya. Bilis niya talaga mainsulto at anytime anywhere, makakain siya ng tao... Nawalan man ng lakas ay pinilit kong ihakbang ang mga paa ko. Nakatungo kong tinahak ang daan palabas ng kanyang kwarto. Pero nagsalita pa siya... "You have to be there at 8pm." Yun nga pala ang pinunta ko... ang malaman ang schedule ko. Very wrong ang nararamdaman ko mukhang may paghihirap ako mamaya pagpumasok ako sa trabaho. Ewan ko ba. Kasalanan ko rin naman siguro. Pumasok ako ng walang paalam at siguro nainis siya sa nasabi ko o tinanong ko. Nakakalalaki ba talaga pagtinanong mo ang lalaki na kung bakla ba siya? Sa akin kasi, nakakababae. Biro lang. Hayaan na mga lang siya. Magsorry na lang ako mamaya. Mukhang badtrip talaga siya. Nag-iba awra niya at tono. Ano ba kasing ginawa mo, Keith? Nakalabas ako ng kwarto ng tahimik. Nako ha. Mukhang kailangan ko pang magsorry sa kanya? Wala naman akong ginawa ah? Bakit ba kasi ang sungit niya. Ang arte pa. Nako kailan ko kaya yan makikitang hindi badtrip sa mundo? Ni hindi ko pa nga nakikita siyang nakangiti. Try niya kaya baka magustuhan ko... Bahala. Pero, paano yun? Hindi ko pa saulo pagpunta doon sa bar. Kumatok ako uli, pero walang sagot. "Hello! Nand'yan ka pa ba?" Wala pa ring response. "Hindi ko alam yung papunta duon mamaya! Paano ako magkocommute?" Bigo pa rin... walang sagot! Bahala siya hindi ako papasok mamaya. Manigas siya!! Nagmartsa ako papalayo ng kwarto niya. Magtatanong na lang ako kay Nay Karing. --- 7pm na pero kakagising ko lang. Nakatulog kasi ako. Naglinis kami ng kwarto ni Kristan. Pati na rin yung mga ibang kwarto ng mga katulong. Okay lang naman sa akin dahil wala naman akong ginawa kanina at bilang pasasalamat na rin para sa mainit na pagtanggap sa amin ni Kristan sa puder nila. Nakita kong nilalaro nu Kristan an kotse na ibinigay ni Liro. Hindi ko na siya nakita kanina? Mukhang naging busy na rin ahhh. "You have to be there at 8pm." Nagplay ang sinabi ni Wayne kanina. My gad! Isang oras na lang pala! Hahanapin ko pa naman yun kung saan! Nagpatulong na rin ako kay Nay Karing kanina. Medyo nalilito ako pero sabi niya di daw masama ang magtanong. No choice ako. Ano ba 'tong napasukan ko. Mukhang malaking adjustment. Pinahiram din ako ng Nay Karing ng pera pamasahe ko daw. Nahihiya mang tanggapin pero walang choice. Wala rin kaming panggastos. Kakausapin ko rin siguro si Wayne na bumalik muna kami sa bahay namin. Kukunin ko ang ilang damit at gamit namin. Bukas na bukas din babalik kami ni Kristan o kahit ako na lamang. Tinawag kami ni Nay Karing para kumain. Pinauna una ko na si Kristan at sinabi kong susunod ako dahil mag-aayos ako para pumasok sa trabaho. Naligo ako. My gad~ buti na lamang ang shampoo nila ay yung rejoice na 29pesos lamang with strawberry scent. Tatak puregold! Ganun na kasi nakasanayan kong gamitin na shampoo. Pero dahil minsan ay nadadako kami sa supermarket na puregold pag may pera, ayun. Nakita ko ang rejoice with strawberry scent na shampoo sa murang halaga! Haha. Naalala ko tuloy yung popsicle ice cream. Strawberry pala ang flavor! My gad! Nakakacrave tuloy! Bigyan sana ako ulit ni Wayne. Kaso mukhang malabo Naligo na ako ng 20 minutes. Siyempre kailangan ay mabango at hindi ako magmukhang pulubi. Wala namang uniform na sinabi pero sabi ni nay Karing, puting white poloshirt daw at itim na pantalon. May nakita naman siyang pantalon na kakasya sa akin. Dapat daw nakasapatos. Pero wala akong sapatos. At ayun mayroon din sa storage room na pinaglumaan ng pamilya nila Wayne. Pagtiyagaan ko muna. Sabi ko nga di bale, bukas ay kukunin ko ang mga gamit namin ni Kristan sa bahay. Para naman kahit papano ay maging kumportable kami sa isusuot namin.. Natapos akon mag ayos at kumain ng hapunan. Nagpaalam akong papasok na ako. Dala ko ang maliit na bag na ang laman lamang ay pampalit ko pauwi. Nilakad ko muna papunta sa sakayang ng tricycle. Nakita ko naman agad. Sumakay ako. Medyo naghintay pa ng kaunti dahil pinuno ang bakanteng upuan. Di naman nagtagal yun at bumiyahe din an sinakyan ko. Pagbaba ko sa may highway ay naglakad na lang ako. Sabi ni Nay Karing ay pwede ko daw lakarin na lang. Malapit naman na daw. Nagmumuni-muni lang ako habang naglalakad. Street lights. Busy people. Matataas na gusaling maliwanag.. Nako pare-pareho lang ang nakikita ko. Hindi kaya naliligaw na ko? Lakad pa rin.. Pero bakit parang nawawala na yung mga tao? Lumingon ako sa likuran ko at may dalawang lalaking nasa likuran ko. Medyo maliwanag naman kaya patuloy akong naglalakad. Tingin sa kaliwa't kanan ko. Pero bakit di ko pa rin nakikita ang bar ni Wayne.? Nako ha! Very wrong! Anong oras na kaya. Nako. Mukhang late na ako ahhh! Lumingon ulit ako sa likuran at nanduon pa rin nag dalawang lalaki. My gad! Iba na ang pakiramdam ko dito. Nakakatakot na. May hawak na sigarilyo ang isa at itinapon iyon. Ubos na ata. Nakoo. Matalim silang nakatingin sa akin. Iba na ito.. Takbo Keith! Tumakbo ako at ng lingunin ko ay tumakbo rin sila! My gad! Habulan ang gusto nila ahhh! Pwes. takbo! My gad. Nakakatakot. Ano bang kailangan nila sa akin? Wala naman akong ginagawa! Mukhang mga adik! Wala naman silang mahihita sa akin kung sakaling mga holdaper pero takbo lang Keith! "Tulong! May humahabol sa 'king mga chaka!" sigaw ko ngunit napansin kong wala nang dumadaang tao! My gad! Anong gagawin ko? "Hoy mga panget anong kailangan niyo sa akin?" sigaw ko habang tumatakbo. Walang sagot. My gad. Malapit na at maaabutan na nila ako!! Isang liko ko pa ay biglang nahablot ang aking damit sa likuran!! Very bad! Patay. ---------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD