Chapter 9

2040 Words
"Tulong! Rape! rape! Wag po kuya!" sigaw ko. Nakakatakot naman kasi. Hinila ako ng isang humababol sa akin. Naabutan nila ako. Kung bakit ba kasi ang liit ng mga biyas ko eh. Hindi tuloy ako makatakbo ng mabilis. "Rape ka d'yan. Wala ka namang pekpek eh. Kaya tumahimik ka bata kung ayaw mong masaktan!" sabi nitong lalaking nakahawak sa akin. Ang hard naman. So kailangang ipamukha sakin? Kahit kaya lalaki nagagahasa na rin! Kahit sino ay pwedeng maging biktima no'n Nasa likod ang dalawa kong mga braso na kanyang hawak upang hindi ako makawala. Hindi naman ako mukhang mayaman eh. "Paano ako tatahimik eh bakit niyo ba ako kinikidnap! Waahhhh tulong!" very wrong siya dun. May tao bang tatahimik pagnasa ganitong sitwasyon na "Sabing tahimik, e! Wala sa planong kidnapin ka namkn!" sabi ng isa pang nasa harapan ko. "Nako, nag-aaksaya lang kayo ng panahon. Holdap ba 'to? Wala akong pera. Kung gusto niyo, sa inyo na 'tong pamasahe kong bente. Pakawalan niyo na ako!" talak ko sa kanila. Eh wala naman talagang mapapala sa akin eh. "Hindi rin ito holdap. Tumahimik ka na lang." sagot nitong nasa likuran ko. "Oh eh ano nga? Nasasaktan na ko pwede ba may trabaho pa ako." "Tahimik sabi eh!" "Pwede na siguro ito kay boss." Anong boss? My gad. Sa mukha ko ba naman to, bebenta rin pala. Wait. Boss? So may nag -utos? Hindi ko alam kung sino ang magpapadukot sa akin! May kasalanan ba ko? Bakit nila ako ibibigay sa boss nila? "So may nagpapakidnap sa'kin? Nako. At sino naman yan ha?" "Hindi mo na dapat malaman bata. Huwag kang mag-alala. Matapos nito, magiging maganda din ang buhay mo kapag may nakabili na sa'yo." "Ibebenta niyo ako? Wait ha. Ibebenta niyo laman ko?" "Buong pagkatao mo bata. Makinis ka. Balingkinitan. At siguradong may maakit sa'yo't bibilihin ka sa subastahan na magaganap ngayong taon." Ang evil naman ng plan nila! Wait. Subastahan? Bibilihin. Wag nilang sabihing... "Underground auction? Ano 'to pelikula sa Japan? Sa Europe? Saan?? Nasa Pilipinas kaya tayo. Very wrong kayo. Nako malamang paniginip lang 'to." "Panaginip? Gusto mong makatulog para managinip ka kaagad? Malaki laking share ang kikitain namin sa 'yo panigurado." "Tara na! At baka may makakita pa sa'tin. Mawawalan tayo ng paen kay boss." Kinaladkad nila ako. Nasasaktan na ako. Hindi ako baldado para hilahin nila ng sobra. "Nakakatawa. Pwede rin ba ako makishare kung hindi..." "Kung hindi ano?" "Makikita niyo ang tunay kong pagkatao!" sabi ko at nagpanggap ng evil laugh. Pero sa totoo lang kanina pa ako kabado sa mga pinagsasabi nilang dalawa! Very wrong kung indi talaga 'to panaginip, baka mamaya pulutin ako kung saan! "Anong pagkatao pinagsasabi mo. Nahibang ka na bata. Wala ka ng magagawa!" "Hindi niyo ba alam may super powers ako?" Tumawa ng sobrang lakas yang dalawa! Sige lang pagtawanan niyo ko. Makikita niyo mamaya. "Pinatatawa mo talaga kami bata! Naniniwala ka pa sa powers. May powers din kami!" ng mayhawak sa 'kin. "Anong powers niyoz ha?" "Kili-kili powers!" sabi ng isa at humagalpak ng tawa. Tatawa na ba ko? Parang mawawalan ng hininga 'tong dalawa sa kakatawa. Pero bago pa man sila malagutan ng hininga may humarang sa aming pulang kotse! Napatigil kami sa paglalakad. My gad! Eto na ba talaga? Katapusan ko na? "Oy! Kotse ba ng boss niyo yan?" tanong ko sa dalawa. Para naman makasigurado ako. "Ha? Wala naman sinabing susunduin kami ni Boss eh. Basta kami na lang daw ang pumunta." sabi ng nasa likod ko. "Sigurado na ba yan? Nako ha. Wag kayong very wrong sa pasisinungaling. Very wrong na nga yang mukha niyo eh." "Oo nga. Oh eh kung nagbago isip ni boss, hindi kami magpapakahirap pang pumunta doon." Natawa ang dalawa at gumuhit ang mga ngiting loko sa kanila. Mga ilang segundo pa ay nagbukas ang pinto ng kotse at humakbang pababa ang kaliwang paa nakasakay dito. Nakasuot siya ng heels. Pero hindi naman ganoon kataas. Kulay pula rin iyon. Ayaw niya magpula ha. Hindi naman nagtagal at lumantad din ang sakay ng kotse. My gad! Ang fierce naman nitong isang 'to. Hindi ako nagkamali at nakasuot siya ng boots na may mga 2 inches lamang ang taas at hanggang ilalim ng tuhod niya. Naka sexy shorts na kulay black at hapit sa binti ito . Ang kinis. Maputi. May belt siyang kulay pula rin. May hubog ah. At nakaleather jacket siyang kulay black with fitted na panloob na sando ata yun. Kita naman dahil nakabukas ang kanyang jacket. Naka-cap siyang kulay pula na leather din.. Very b***h ang datingan niya doon. Pero siya ba magliligtas sa akin? O amo nila 'to? Hindi ko makita ang mukha kasi medyo nakatungo at against the light ang pwesto niya. Pumapalapit siya sa amin. Napaurong naman silang dalawa. Medyo lumuwag ang kapit sa aking ng dalawang kidnapper na ito. Bakas ang takot sa kanilang dalawa. Subalit, naging matapang pa rin sila. "Hoy, bata sino ka naman?" sabi ng nasa likod ko. Ngumisi lamang ito at patuloy ang paglapit sa amin. Matunog ang paglakad niya dahil siguro sa suot niyang heels Hindi na siguro napigilan ng isang kidnapper kaya naman ay sumugod ito sa taong papalapit sa amin. Tumakbo ito akmang susuntukin niya pero nakaiwas si girl. Hindi ko masabi kung girl or gay eh. Flat kasi yung dibdib. Yumuko siya pababa at mabilis na tumayo tapos ay isang pagsiko sa likod ng lalaki. Dahilan para tumumba iyon. Agad namang tumayo ang lalaki at sumugod ulit pero isang sipa ang nakuha niya. Pero hinawakan iyon ng lalaki at naging dahilan ng pagtigil niya. Akala ko ay tuluyang matatalo na siya pero itinuon niya ang kanyang mga kamay sa sahig at ginamit ang isa pang paa para masipa sa mukha ang lalaki. Tuluyan naman siyang nakawala. Buti nga doon sa lalaki, sira na nga ang mukha, lalo pa sigurong masisira. "Wooh! Live action! Go girl!" sigaw ko dito. Hindi kaagad nakatayo ang lalaki. Kaya naman pumalapit siya sa amin. Nakawala naman ako sa hawak ng lalaki at sumugod din ito kay girl! Very wrong. Dapat may gawin din ako at baka hindi niya kayanin! Naiwasan ulit ni girl ang pag-atake at sinuntok ang lalaki sa tiyan. Hindi naman nagpapigil at sumugod pa rin ito. Halos ata kasing laki ko lang pero kung makipaglaban daig pa ang lalaki. Nakakaya niya. Suntok dito. Sipa doon. Tumayo rin ang isang lalaki at nakipaglaban! Hindi man lamang napupuruhan si girl. Mukha talaga akong nanonood ng live action. Humanap ako ng pwedeng pangdepensa at nakakita ako ng isang dospordos na kahoy. Pwede nato! Nakita kong hawak ng isa sa katawan si girl in red! Akmang susuntukin siya sa tiyan pero sumigaw na ako at pinigilan siya. Napalingon naman ang lalaki at ibinato ang kahoy na hawak ko! Sapul sa mukha! Ang ginawa naman ni girl ay siniko ang lalaking may hawak sa kanya. At ng bahagyang makawala sa hawak at pumaikot siya at sinuntok ang ibaba ng lalaki! Namilipit siya sa sakit! Agad akong tumakbo at kinuha ang kahoy na ibinato ko. Nang makuha ko at ipinalo ko sa binti ng lalaking binato ko. Baka kasi makatayo pa! Tapos pumunta ako sa namimilipit na lalaki at pinalo ko rin! "Ayan! Ganyan ang bagay sa inyo!" at patuloy na pumapalo! Ngunit isang kamay ang pumigil sa akin. Napatingin ako kay girl. "Enough. Hindi na sila makakalaban. Tumawag na lang tayo ng pulis para mahuli sila." Agad naman akong tumigil at binitiwan ang hawak ko. Binunot niya ang kanyang phone at tumawag na ng puli Ako naman ay nakatingin sa mga lalaking nakatumba. Akmang tatayo ang isa, agad ko namang kinuha ang pamalo ulit at pinalo ito sa paa! Napaaray siya! "Ano ha? Tatayo ka pa? Tatakas ka pa?" at pinalo ko. "Stop it! Tara na." yaya nito sa akin. "Wait... safe na ba ako?" tanong ko. Mamaya nagpanggap lang siya na iniligtas niya ako. "Don't worry. Hindi ko kilala yang mga yan. Hindi kita ipapahamak." sabi nito sa seryosong tono. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. At iwan ang mga lalaki doon. "Get in." sabi nito at binuksan ang pinto sa may passenger seat ng kanyang kotse. "Wait... Thank you pala." tumingin ako sa kanya. Ngumiti ito. "Wala yun. Just get in. Ihahatid na lang kita." Pumasok naman ako at isinara niya ang pinto. Nakalibre tuloy ng sakay. Pumasok rin siya at nang makapagseatbelt ay pinaandar niya ang kotse. "Well, saan ka ba papunta? It's too dangerous for a kiddo like you to walk alone here." sabi nito. "Naliligaw kasi ako. Pupunta na ako ng trabaho. Eh bago pa ako dito." "I see. Saan ang trabaho mo?" tanong nito habang nakatuon ang mukha sa daan. "Sa Wild and Free Restau Bar. Actually first day ko eh. Eh itong nagpasok sa 'kin hindi man lang ako ginabayaan. Napakayabang, tapos masungit. Alam mo yun tapos maarte pa. Daig pa ang babae! Very wrong. Nakakainis." paglalabas ko ng sama ng loob. Tumawa siya ng bahagya. "Well, it seems you like that guy." "Ako? May gusto? Neknek niya!" "Let see.." may pagdududang tugon niya. Hindi naman talaga eh. "Wait. Maiba ako. Anong name mo? Salamat nga pala ulit ha. Ang galing mo dun! Isa ka bang artista? Bukod sa pinagpala ka ng ganyang mukha andami mo pang skills. Para akong nanood kanina ng live action!" "You're beautiful, too. You should see yourself again." ay "Oo naman. Alam ko naman yun. " natawa ako sa sinabi ko. "What I mean is... You are beautiful with a beautiful heart." "Confidently beautiful with a heart." "But you must be careful. Kind hearts are weak. It can be fooled and played by dangerous monsters dressed like humans." Huh? Palaisipan ba yun? "Anong ibig mong sabihin?" Hindi siya kumibo. "So, totoo ba yung mga subastahan dito? Nabanggit kasi ng dalawang ugok na iyon eh. Ibebenta daw nila ako." Medyo nag-iba ang timpla ng mukha niya "Sad to say...yes it's true." "Pero bakit naman nila ako kukunin? Ano naman gagawin nila?" "Look at yourself in the mirror. You has that innocent face and fair skin. At kung madadala ka nila sa sa kanilang boss, ipagbibili nag buong pagkatao mo kahit sa umayaaw ka pa. At once na may bumili sa'yo, they will do everything. Gagamitin ka at kung ano ano pa..." pagpaliwanag nito. "Nakakatakot naman. Buti na lamang ay dumating ka." "Just be careful next time. Hindi lang yun nag mararanasan mo kung nagkataong hindi ako napadako dito at nakuha ka nila." "May worst pa!?" gulat na tanong ko sa kanya. "Yeah. They might injected you some s****l drugs and be their s*x slave. At dahil binili ka na, sa ayaw at gusto mo, gagawin mo at tatanggapin mo lahat yun." My gad! Thank you, Lord at iniligtas niya ko. "Ano yung pangalan mo?" tanong ko ulit. "You don't have to know it. After this, we will become strangers again." "No. Hindi kita makakalimutan. Iniligtas mo ako kaya may utang na loob ako sa'yo." "It's a free will. Ayoko lang ng may napapahamak." "Kahit na. Malay mo hindi lang ito ang huli nating pagkikita." "Why so kulit? K. Fine. Lyndon, Lyndon is my name." "Oh. I have a knock knock!" "Knock knock?" "Yes." Pero hindi na siya sumagot. "Wuy dali na. Matutuwa ka dito promise." "It's just for kids." Pero nagpuppy eyes ako. Inirapan niya lang ako. "Fine." Natuwa ako. "Knock knock.." "Who's there?" "Lyndon..." "Lyndon who?" "Lyndon bridge is falling down... Falling down... Falling down... Lyndon bridge us falling down.. Falling......" pagkanta ko. Pero nagfade ang pagkanta ko dahil hindi siya natuwa. Nakasimangot siya. "Sabi ko nga eh hindi benta yung joke ko." sabi ko at muling sumandal sa kinauupuan ko at nagkamot ng ulo. "We're here." Nandito na kami sa tapat ng bar ni Wayne. Anong oras na ba? Siguro late na ako. Sabihin ko na lang yung totoong nangyari "Thank you, ha. Kundi dahil sa'yo baka andun na ako ngayon sa masasamang kamay." "Welcome. Just be sure next time na hindi ka nag-iisa sa gabi." "Yes naman! Thank you ulit sa paghatid. Nga pala, I'm Keith. Nice to meet you.." nakangiti at inilahad ko ang kanang kamay ko. "Nice to meet you, too." at nakipagkamay din siya. At tuluyan na akong bumaba ng kotse "Hey! Sa'n ka galing?" --------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD