Chapter 10

2208 Words
"Hey, sa'n ka galing?" Tanong ng taong kinaiisan ko sa ngayon lang. Sino pa ba? Edi si Wayne! "Doon sa bahay niyo." sarkastikong sabi ko.. Napag-isip-isip ko rin na kung sabihin ko ang totoo, maniniwala ba siya? Baka sabihing sa action movies lang mayroon ng nangyari sa akin. Underground auction... Totoo palang nangyayari yun. Salamat nalang talaga at dumating si Ate Lyndon with fierce looks and with mala action movie moves! "Tsk. Really? Eh kung sabihin ko sa'yong you are almost 30 minutes late sa first day ng trabaho mo?" sabi nito. Hindi naman ako mahuhuli ng pasok kung hindi dahil sa nangyari. Palibhasa kasi di niya alam at ayokong sabihin. "Oo na. Sorry. Naligaw ako eh." pagdadahilan ko na lamang "Madali naman itong hanapin ah. Bakit ka pa natagalan?" "Bago lang ako dito sa lugar niyo. Kanina kasi 'di ba tinatanong kita? Ni hindi mo lamang ako pinagbuksan ng pinto!" pagtatanggol ko sa sarili ko. Naiinis ako sa kanya. Mas mahalaga pa ba yung 30 minutes late ko kaysa sa nangyari sa akin? Oo nga pala, wala siyang alam. Nagalakad ako at iiwan ko sana siyang nakatulala. Malalagpasan ko na sana siya pero bigla niya ako hinarang. "Wait..." "Oh? Bakit na naman?" Pero hindi niya ako sinagot. Nakatingin siya sa mga braso ko. May mga markang pula iyon. Dahil siguro sa pagkakahawak sa akin ng kidnapper. Ikaw ba naman kaladkarin. "What happened to you?" seryosong tanong niya. Hinawakan niya ang braso ko at sinuri. Pansin ko lang ha. Napapa-English siya kapag sumeseryoso. "W-wala. Wag mong pansinin yan. Kanina pa yang umaga." sabi ko at nagpeke ng tawa. Binawi ko ang aking braso at tuluyang pumasok sa loob. "Concern siya sayo Keith." sabi ng konsensya ko. Asa naman. Imposible! Tinignan ko ulit ang ang braso ko. Grabi pala, sobrang pula nga. Masakit din kasi talaga ang pagkakahawak sa akin. Nang makapasok ako ay abala na ang ibang staff sa loob. May ilang nagtitinginan sa akin waring nagtataka kung anong ginagawa ng isang batang katulad ko sa lugar na iyon. "Uy, Keith. Nandito ka pala!" sabi ni Tope ng makita. "No. Hologram lang yung nakikita mo. Wala ako dito." Natawan naman siya ng bahagya. "Ikaw talaga. So kamusta? Unang araw mo na ba?" "Yep." "Well, pinagbilin ka nga pala ni Sir Wayne sa akin. Dahil kakilala naman kita, ako magtuturo ng mga gagawin mo dito." My gad! Very kind din pala 'tong si Sir Wayne ha. Pinaglalapit kami ni Tope my loves! "Talaga? Ikaw magtuturo sa akin?" "Oo. Madali naman yung mga ibinilin na gagawin o dito eh. Aside sa paglilinis, well sabi ni Sir, magseserve ka rin ng foods and drinks. Hayaan mo mamaya malalaman mo." pahayag niya. Nako ha. Baka hindi ako makapagconcentrate sa ituturo niya! "Okay. I'm so excited na. Wait... may uniform na ba ako?" "Yes. May staff room dun sa tabi ng kitchen. Doon ka nalang magpalit. May nakalaang locker para sa'yo may pangalan mo yun." "Oh. I see. Sige salamat, Tope!" Nagmadali akong umalis sa harapan niya at nagpunta sa staff room. Nang makarating ako ay gad kong hinanap ang locker na sinasabi ni Tope. Nahanap ko naman agad. Binuksan ko iyon at nandun nga ang uniform na isusuot ko. Black polo shirt yun at tama lang ang laki sa akin. At slacks na kulay black At rubber shoes na black. Okay. Moon crystal power make up na ang peg ko! Mag ta-time in pa! Tadaaaa! Tama naman sa katawan ko. Lumitaw ang kaputian ko. Lumabas ako ng staff room at hinanap si Tope. Nang makita ko siya ay lumapit ako at tinanong kung ano yung mga ituturo niya sa akin. This is the moment na ata with him! Una niyang tinuro sa akin ang mga ginagamit na panghugas at paano iyon gamitin. Itinuro niya sa aking maglinis ng comfort room dahil iyon daw ang mahirap na gawin kasi laging madumi. Pagkatapos ay pinaghugas muna niya ako ng kamay. Ibinaba namin ang mga upuan dahil ilang inuot na lamang daw ay magbubukas na ito. Nakafocus siya sa pagtuturo sa akin at nangingiti naman ako! Crush ko kaya siya remember! Buti na lang talaga andyan siya! Nawala yung badtrip ko sa Fafa Wayne niyo! Pagkatapos naman ibaba ang mga upuan ay pumunta kami sa back area kung nasaan ang dishwashing room. Doon ay tinuruan niya akong gumamit ng dishwashing machine. Paano magbukas, magsara at anong dapat kong tandaan. Pagtapos doon ay ipinakilala niya ako sa mga makakatrabaho ko. Konti lamang pero silang lahat ay lalaki. Hindi pa raw nadating yung babae na staff. Nakikita ko naman si Wayne na naglilibot at palaging may inuutos sa mga staff. Paminsan-minsan ay napapansin kong madalas sundan ng paningin niya ang direksyon namin ni Tope. Nagbukas ang bar. Maingay. May ilang mga customer na nagsisidatingan. Madilim at ang nagbibigay ng liwanag ay ang mga ilang ceiling lights na kulay violet at dancing lights na may iba't-ibang kulay. Every 30 minutes ay chinecheck ko ang comfort room. Tapos babalik ako sa loob para magdishwasher. Konti lamang ang hinuhugasan pero pinag-iigi ko dahil ayoko naman din na mapagalitan. T'wing nalabas ako ay nasisipat ko si Tope. Nakangiti at sige gesture siya kung okay ba daw ako. Sumasagot naman ako ng patango na ibig sabihin ay oo. Niyaya naman niya ako na sabay kaming magbreak at kumain. Siyempre, sinong hihindi. Parang nagdate na rin kami ng crush ko kung nagkataon! Dumating ang oras na nagbreak kami. Pasado alas dose na rin ng gabi iyon. Gutom ako ng bongga. Nandoon kami sa may staff room at kumakain. Marami kaming napagkekwentuhan ng kung ano-ano lamang at madaya kaming nagtatawan dahil sa mga kinukwento ko sa kanya. Lalo na yung ikikwwento ko sa kanya yung panghahabol sa amin ng Junkie's squad kaya ako naparito ngayon at kailangang magtrabaho. Kamusta na nga kaya sila? Lalo na ang bestfriend ko. Malamang natanggap na siya doon sa fast food na sana ay pinagtatrabahuhan ko na kung hindi lang minalas. Thankful pa naman din ako kaso hindi ko rin maiwasan na isipin na may sasahurin ba ako? Kasi babayaran ko nga ang Fafa Wayne niyo. Pati paano na yung pangarap ko sa aming dalawa ni Kristan? Andami kong naiisip. Nasa kalagitnaan kami ng masayang break ng biglang pumasok si Wayne sa staff room. "Sinong nagsabing magsabay kayo ng break?" may galit na tanong nito. "Sir. Wala naman masyadong tao kaya nagbreak na kami pati sabi niyo isama ko siya." "Marami ng tao ngayon at kinakailangan ko ng staff. Pero nandito kayo at nagpapakasaya lang? Talagang sinadya niyong isabay kung saan maaring taong darating!" "Sir. Sorry. Sige po babalik na lamang kami. Mamaya na lang namin uubusin ang pagkain namin." sabi ni Tope at nag-ayos. Ewan ko pero parang hindi siya natatakot kay Wayne na ngayon ay parang mangangain na ng tao. Ano bang problema nito? "Ako rin babalik na. Sorry po, Sir." sabi ko. "Mananatili ka dito. We need to talk." "Pero Sir, sabi niyo kailangan ng staff..." "I SAID... YOU WILL STAY HERE AND I HAVE TO TALK TO YOU!" pasigaw nito. "Christopher, just leave us alone. Tulungan mo si Hernan doon sa dining." Natigilan kami ni Tope at halos umecho iyon sa buong room. Para siyang monster!May nagawa ba akong mali? Kung sa trabaho naman pwede naman kaming pakiusapan nga ayos eh. Ganyan ba siya kapag nasa trabaho? Eh bakit ako lang ang kakausapin niya? Nakaalis si Tope at aniwan akong nakatayo at hindi makagalaw sa kaba sa kinauupuan ko. Pero hindi niya ako madadaan sa ganyang mood swibg niya! "Keith, siguro naman alam mo kung bakit ka narito sa puder ko?" "Puder? Anak lang, ganun?" "I am serious, Keith." "Seryoso din ako." sabi ko at hinawakan ang kutsara. "Nandito ka para magtrabaho. To work and to pay me Keith." "Oo nga alam ko na yun. Wala pa akong sahod oh. Pati first day ko pa lang po Sir." sabi ko. "Tsk. First day mo pa nga lang pero hindi na trabaho ang inaatupag mo." sabi niya. "Ano pong ibig mong sabihin? Nagtatrabaho ako Sir." "Siguro natural na sa inyong mga bakla ang maging malandi." sabi nito at umirap. "Excuse me? Malandi? Ako?" "I generalized it. Hindi ko sinabing ikaw lang pero halata naman na sa'yo!" "At bakit ako naging malandi?" napatayo na ako sa kinauupuan ko at lumapit ng kaunti sa kanya. "Do you have to deny it? Kitang-kita na sa inyo ni Tope, Keith." "Hindi ako lumalandi Sir! It is my first day! At sinabi niyang siya ang magtuturo sa akin na may utos ninyo at wala akong ginagawang masama!" pagdepensa ko. "Kung paglalandi naman din ang inaatupag mo, I have to fire you. Atupagin mo muna kung paano mo ko mababayaran saka ka pumorma sa mga lalaki na andito. Kaya kita kinuha dahil nagmakaawa ka na gagawin mong lahat para mabayaran ako. I just dont expect that you will flirt after I gave you the opportunity to pay me! You are just a poor flirty gay! I should've known!" PAK! Nasampal ko siya sa mga sinabi niya. Naramdaman kong tumulo ang luha ko. Sa mga masasakit niyang sinabi, hindi ko akalain na ganoon pala ang kalalabasan ng pagpapanatili niya sa akin at pagbibigay niya ng trabaho. Hindi ko nakakalimutang may utang ako sa kanya at kailangan kong bayaran yun. Ngunit hindi ko kinakalimutan na pagmamaliit ng kapwa ay hindi makatarungan. Kailangan kong lumaban. "Oo, bakla ako! Oo, may utang ako sa'yo! Oo siguro mali yung lunapit ako sa kung sino ang nagtuturo sa akin! Oo, pinatuloy mo ako sa bahay mo at binigyan ng trabaho! Hindi ko nakakalimutan yun, Sir! Ngunit nakalimutan niyo atang ang pagrespeto sa kapwa niyo." sabi ko. Pinahiran ko ang pisngi kong dinaanan ng luha. "Ang sakit mong magsalita! Siguro natural yung kalandian sa katawan pero hindi ko inuugali yun. Hindi ko nakakalimutan na may responsibilidad ako. Hindi ko nakakalimutan na naging mabuti ka sa amin ng kapatid ko! Pero siguro nakalimutan mo atang kilalanin ako! Nagpapasalamat ako sa'yo dahil sa kabutihan mo pero baka palabas lahat ng iyon. Hindi ko naman sinabing kupkupin mo kami at bigyan ako ng trabaho! Ikaw! Hindi ko tatakbuhan ang pagbabayad sa'yo. Kaya wag mong isumbat sa akin ang mga bagay na kusang ibinigay mo! " tumalikod ako ng may luha sa aking mga mata. Pero bago man tuluyang makalayo... "Babayaran kita wag kang mag-alala. Hahanap pa ulit ako ng isa pang trabaho para naman mapabilis ang pagbayad namin sa'yo at para matahimik ka na rin at mawala ang mga mahirap na kagaya namin sa buhay mo!" ---- "Saan ka naman kukuha ng isa pang trabaho? Kakayanin mo kaya yun?" sabi ni Tope. "Kakayanin. Para na rin makaalis na rin kami. Baka kasi pagnagtagal pa kami dito, mas lumaki yung pagsingil niya sa amin." Kakatapos lang nang trabaho namin. Sumabay ako kay Tope. Pinakiusapan ko siya na baka may alam siyang makakapagbigay sa akin ng isa pang trabaho. Kaso parang wala. Ayoko nang isipin ang nangyari kanina. Siguro ganun talaga pagmayaman. Akala ko may mabuti taong si Wayne. Na hindi siya kagaya ng iba, nagakamali ako. Hindi ko pa siya ganoon kakilala. "Sige magtatanong ako.. pero di ko maipapangako ah. I will try..." "Hey! Pasabay ako sa inyo!" naputol ang sasabihin ni Tope dahil sumingit sa amin si Juno, ang isa sa mga bar tender nila Wayne. "Oh bro! Sige sabay sabay na tayo!" sabi ni Tope "Thanks! Nga pala anong pinag-uusapan niyo?" "Wala naman. Naghahanap lang si Keith ng isa pang work. Baka mayroon kang alam." "Hmmm..." tumingin ito sa akin mula ulo hanggang paa. "Alam mo bang parang pwede ka.." "Ha!? Pwede saan?" Kinuha niya ang cellphone niya. May pinindot siya doon at itinapat sa akin. "Wait... Ano yan?" hindi niya ako pinansin at narinig ko na lamang ang pagclick mula sa cellphone niya. Maya-maya ay pumunta siya magkabilang gilid ko na nakatutok pa rin sa akin ang cellphone. Pinipicturan ata ako. Tumigil siya. Nakatutok siya sa phone niya. "Uy! Ano yan!?" tanong ko. "Topher! Tignan mo!" lumapit naman si Tope. Tinignan naman niya. "Oh? Kinuhaan mo ng picture si Keith. Anong mayroon diyan?" "Wala ka bang napapansin?" tanong ni Juno. Umiling lang si Tope. "Photogenic pre. Tignan mo. Kahit saang anggulo oh!" Napatatango naman si Tope. "Hoy patingin naman. Nandito pa po ako." reklamo ko l. "Alam mo Keith.. May alam ako. Pwede kitang ireto." "Anong trabaho? Kahit ano, basta yung kikita ako at dapat legal." "Nakakatuwa ka talaga. Hayaan mo legal yun. Hindi naman ganun kalaki ang kita pero I know, makakatulong na rin. At maari pang lumaki kung palagi ka nilang kukunin." "Diretsuhin mo na kasi ako. Ano nga yun?" "Photographer ang kaibigan kong iyon. At naghahanap siya ng mga modelo. At base sa mga pictures na kuha ko sa iyo, baka papasa ka dun." "Really? Modelling? Hello ako? Tignan mo nga hitsura ko.." "Yup! But camera don't lie little cutie. Nasa iyo pa rin naman ang desisyon. Suhestiyon ko lang inaalok ko sa 'yo." masiglang sagot nito. Nakatingin siya sa akin na waring naghihintay ng sagot. Bahala na. Basta kailangan ko ng trabaho para agad na pagbabayad kay Wayne. Para maging tahimik na rin kami ng aking kapatid at bumalik sa dating tahimik lamang ang buhay Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Okay.. Dalhin mo ako dun."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD