Dalawang linggo ang nakalipas, masasabi kong hindi ganun kaganda at hindi naman very wrong nangyari sa akin. Bukod sa pagpapaiyak sa akin ni Wayne, inisip ko na lamang na magtrabaho ako ng mabuti.
Hindi ko pa rin siya kinikibo, maliban na lamang kung uutusan niya ako pag nasa trabaho kami. Masakit yung sinabi niya sakin ha. Nakakagalit talaga.
Hindi ako sanay magalit, pero kung yung pagkatao ko na ang idadamay niya, iba ng usapan yun. Judgemental siya. Porke mayaman at binigyan niya ako ng trabaho, may karapatan na siya na pagsabihan ako ng mga bagay na yun. Alam kong nasa tama ako kaya ipagtatanggol ko ang sarili ko.
Hindi naman paglalandi ang inuna ko. Nakinig naman ako kay Tope. Ewan ko sa Wayne na yan! Nakita lang kaming nagtatawanan binigyan na kaagad ng malisya. Maling-mali siya! Asa naman na humingi siya ng tawad.
Minsan nga kahit hindi part ng trabaho ko, pinagagawa niya. Minsan sinasadya naman niyang may ipagawa sa akin kahit kagagawa ko lang. Naging sunud-sunuran ako sa kanya kahit naiinis na ako sa mga utos niya. Nasa teritoryo niya ako kung kaya't hindi ko magawang kalabanin s'ya.
Namimiss nga lagi ako ni Kristan. Kasi sa gabi wala ako at kapag naman daw umaga, tulog ako. Nilalambing niya ako. Nitong mga nakaraan, tinutulungan niya si Nay Karing sa mga gawain. Minsan nga siya na ang naghahatid sa akin ng pagkain. At kung minsan, bago ako matulog kinakantahan niya ako. Para daw makatulog ako ng mahimbing. Ganoon din kasi ang ginagawa ni Mama sa akin Noong bata pa ako. Ang sabi ko nga ay siya ang kakantahan ko para makatulog ng siesta, pero ako pa rin ang kinakantahan niya.
Hindi ko naman na nakwento sa kapatid ko ang nangyari. Pati hindi na niya siguro kailangang malaman pa. Pero kapag nasa trabaho na, nag-iiba ng yung mood ko. Kasi nga, bossy na ngayon si Wayne sa akin. Yung pagkabossy na wala namang patutunguhan.
Tulad ng pag-uutos niya sa akin ng linisin ko daw ang cr dahil may pupu daw. Pagtingin ko, tissue lang naman na nasa bowl at hindi naiflush.
Yung mga basong kakawash ko lang tapos ulitin ko daw. Yung pagwawalis sa buong bar bago magbukas. Pagma-mop na rin. Tapos sinadya niyang ihulog yung kinakain niyang cake at chocolate para linisin ko.
Pinahihirapan niya ako at akala niya ay hindi ko pansin? Pero dahil sa nagtatrabaho ako para sa pagbabayad sa kanya, ayun wala akong nagawa kundi linisin ang mga kinalat niya.
May sahod din naman ako kahit papaano. Kaso hindi ganun kalaki. Napupunta rin sa kanya yung ibang parte. Ngunit ayos lang din sa akin. Sa inalok sa akin ni Juno na trabaho ay hindi ko naman tinanggihan.
Nameet ko ang sinasabi niyang kaibigan, si Jules. Isang photographer. Mabait siya. Isang aspiring photographer. May hitsura rin siya at bagay sa kanya ang napiling propesyon.
Unang pagkikita namin ay kinuhaan lang niya ako ng sample! Hindi ko alam ang gagawin ko. Sabi niya sundin ko lang ang ipinagagawa niya tapos ay kukuhaan niya ako ng picture.
Kinuhaan niya ako ng nakasimangot, natawa, malungkot, nagulat at kung anu-ano pa. Mukha akong ewan sa isip ko pero ginawa ko ang mga sinabi niya.
Tapos ay nasigaw siya ng very good at mukhang natutuwa sa picture ko. Ewan ko ha, baka pinagtatawanan niya hitsura ko sa mga pinapagawa niya sa akin. Sabi niya ay bumalik ako ngayon linggo para sa first day ko ng totoong shooting. Kinakabahan nga ako.
Kaya ko naman na pagsabayin ang trabaho ko kay Wayne at itong bagong trabaho. Hapon naman yung pagtatrabaho ko dun at hindi naman daw araw-araw paliwanag ni Jules. Mga dalawa o tatlong oras lang, okay na. Pagkatapos ay pwede naman akong magtungo ng diretso sa trabaho ko kay Wayne.
---
Dumating ang linggo.
Off ko naman yun sa trabaho sa restobar ni Sir Wayne kaya makakapunta ako ng sinasabing pictorial ni Jules. Alas tress ng hapon ay nakahanda na ako. Kumita naman ako. Ang lagay nga ay twing isang linggo ang sahod sa restobar ni Wayne. Si Wayne mismo ang nagbibigay ng sahod ko. Hindi ko na tinatanong kung may bawas na ba iyon para sa pagbabayad ko sa kanya. Mukhang mayroon naman at malaki na rin para sa akin ang natitira. Hindi katulad ng kinikita namin sa pangangalakal ni Kristan.
Nakabili na rin ako ng ilang mga damit namin ni Kristan. Gusto ko sana na bumalik sa bahay namin sa Ilogan. Kamusta na kaya ang bahay namin? Kailangan kong makabalik doon. Siguro ay bukas. Bago ako pumunta ng trabaho sa restobar.
Kung hindi siguro nangyari ang insidenteng nasira namin ang headlights ng kotse ni Wayne, siguro ay nasa payak na pamumuhay lamang kami ngayon ni Kristan. Walang ibang problema kundi kung paano lamang ako makakapag-aral at sa aming dalawa ni Kristan.
Oo at may trabaho ako ngayon ngunit nababawasan naman siya. Nai-stress lang akong isipin na bukod sa pagtitiis ko sa trabaho at ugali ng Sir ko, kailangan kong dumoble kayod upang mabayaran kaagad si Wayne. Sana ay hindi na kami magtagal dito. Mukhang kapag may nagawa na naman ako ay madagdagan ang problema ko.
"Oh, nak. Aalis ka na ba?" boses ni Nay Karing. Pumasok siya sa kwartong ibinigay sa amin ni Kristan.
Kasalukuyang nakaharap ako sa salamin at tinitignan ang sarili ko. Hindi na ako lumingon at nakatingin lamang ako sa repleksyon ni Nay Karing sa salamin.
"Opo Nay, kailangan kong agahan para maaga rin ako makauwi." sabi ko.
"Pero kailangan ba talagang magsideline ka pa. Baka naman mapagod ka." pag-aalalang wika ni Nay Karing
"Nako, keri lang Nay. Konting tiis lang naman ito para madali akong makabayad kay Sir Wayne. Isa alam niyo naman na po yung nangyari."
Natawa siya ng bahagya.
"Kayo talagang mga bata kayo oh. Hayaan mo't kilala ko naman si John Wayne. Kapag alam niyang mali siya, hihingi rin iyon ng tawad."
Sa isip-isip ko ay hindi. Kung ganoon man ay bakit dalawang linggo na ang nakakalipas, hindi pa rin ako nakakarinig ng sorry sa kanya. Very wrong ang pride niya. At hindi ako ang masosorry. Nagsorry na ako noon, kahit wala akong ginawang kasalanan pero nakarinig pa rin ako ng masasakit na salita sa kanya.
Natawa na lamang ako sa sinabi ni Nay Karing.
"Nako, bahala na yun Nay. Basta ako, napatawad ko na naman siya. Ayoko rin magtanim ng sama ng loob nakakastress lang din po. Gusto ko lamang ay magsorry siya."
"Pagsasabihan ko siya. Ako nagpalaki doon sa batang iyon. Matigas talaga ang ulo at lalong naging masungit. Hindi ko nga alam kung sa Mama o Papa niya iyon nagmana. Pareho naman silang mababait."
"Pinaglihi ata siya sa sungit Nay."
"Hayaan mo, mapagtatanto rin noon na mali siya. Oh siya, sige na. Baka gabihin ka. Lumakad ka na."
"Sige po, Nay."
Nagpaalam ako at ibinilin ulit si Kristan na mahimbing na nagsi-siesta. Pagkatapos ay nagtricycle akong pumunta sa address na ibinigay sa akin.
Inarkila ko na ang tricycle at sinabi ko ang address. Mura lang naman ang siningil sa akin. Buti na lamang kahit papaano ay may natitira ako sa sahod ko. Yung iba ay ipinatatabi ko kay Nay Karing para naman kahit papa'no ay may ipon ako para sa aming dalawang magkapatid.
Nakarating ako sa address na binigay sa akin. Isang gusali na may apat na palapag iyon. Nakalagay naman sa business card na ibinigay sa akin ay pangatlong palapag.
"Jules' Art and Photography." nakita ko ang tarpauline sa taas.
Wala namang ibang makikita sa gusali kundi ang Drugstore sa unahan nito. Hinanap ko ang hagdan at at umakyat.
Nakarating ako sa thirdfloor at nakita ang isa pang pangalan ng sinasabing studio ni Jules. Tinungo ko iyon at nang makarating ay kumatok ako sa pintuan. Napansin ko na parang walang ibang tao. Ilang saglit pa lamang ay nagbukas ang pinto.
Lumantad sa akin ang isang lalaking puno ng tatoo ang braso. Tantya ko ay pati ang katawan niya. Nakasando lamang ito ng kulay puti at nakamaong shorts.. Medyo badboy looking. Pero may hitsura ito. May mga hikaw ito sa tenga at pati narin sa ilong. Maging sa kilay. Ngumunguya siya ng bubble gum.
Hindi maganda ang impression ko sa lalaking ito. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Nakasuot ako ng dark green na shirt at short pants na black at nakatsinelas. Napansin kong napahawak siya sa kanyang pagkalalaki.
"Sinong hanap mo bata?" tanong nito.
Napalunok ako. Nakakatakot siya.
"Ah. Ano kuya... e-eto po ba ang studio ni Jules? Ju.. Jules Simoun?" nangangatal kong tanong sa kanya.
"Oo bakit?" sabi niya.
"Kasi pinapupunta niya ako dito. Para sa pictorial daw."
"Wala pa siya dito pero maari kang pumasok muna. Napagbilin din niya sa akin na kapag may pumunta dito ako muna ang bahala."
Tinanggihan ko at sinabi kong hintayin na lamang si Jules sa labas.
"Di ba, trabaho ang pinunta mo dito. Natakbo ang oras mo bata at babayaran ka naman pagkatapos."
"Eh kasi... Ano.."
"Kung ayaw mo, madali akong kausap. Mukhang matatagalan pa kasi Ang hinihintay mo."
"Ah. Si.. Sige."
Tumuloy ako sa sinasabing studio.
At yung nasa imahinasyon ko ang nakita ko sa kawarto. Yung may mga ilaw. Tapos isang maliit na stage na puti at yung may mga parang payong ang bumungad sa akin.
Pinauna niya akong pumasok. Ginabayan niya ako sa may maliit na stage.
Sabi niya ay tumayo ako doon at sabihin ang ipagagawa niya.
Sumunod ako. At kinukuhaan niya ako ng pictures.
Talikod na nakaharap. Tapos nakaupo. Nakahawak sa bewang. Nakayakap sa sarili. Ganun lang. Tapos ay sinabihan niya akong may dressing room sa bandang kanan. Isuot ko daw ang mapipili kong damit doon.
Sumunod ako. Nakita ko ang dressing room na may mga damit. Pambabae at panlalaki. Nasa maayos silang kinalalagayan.
Pumili ako. Napili ko ay isang shirt. At pants..
"Bata. Hindi pang-Avon ang pinasukan mo." sabi ng lalaki sa akin.
Nagulat naman ako doon at hindi ko akalaing nasa likuran ko na pala siya. Humingi ako ng pasensya at tinanong kung ano ba dapat.
Umalis siya sa harapan ko at nagpunta sa section ng mga polo. Pumili siya doon at napili niya ay itim na polo. May kalakihan yun sa akin kaya nagtaka ako.
"Hindi naman kasya sa akin po ito Kuya."
"Hanggang hita mo yan bata. At yan lang ang isusuot mo. Pati underwear mo."
"Po?" bulaslas ko.
"May angal ka? Kasama yan sa trabaho at bawal ang konserbatibo sa pinasukan mo."
Napatingin ako sa polo. Wala akong nagawa kung hindi ang isuot ang ibinigay sa akin ng lalaki. Hindi ko pa pala natatanong ang name niya. Pero mukhang wala naman din siyang balak ibigay .
Kinakabahan na ako, bakit wala pa si Jules?
Lumabas ng dressing room ang lalaki. Nagsimula akong hubarin ang damit ko. Pumaharap ako sa isang malaking salamin na naroon. Labag sa kalooban ko ang pinagagawa niya.
Pero hindi na ako maaring magback-out. Ganito ba talaga? Bakit walang nasabi sa akin si Jules na ganito. Akala ko ay simple lang. Gusto ko ng maback out. Ginusto ko naman din ito. Hindi ko naman akalaing ganitong modelling pala. At parang more on pakita ng balat... Napabuntong hininga ako. Bahala na...
Napatitig ako sa katawan ko.
Wala pa namang pagbabago sa katawan ko. Ganun pa rin kapayat at balingkinitan. Maputi rin naman. Inilapag ko ang damit ko sa upuan na naroon. Sinimulan kong isuot ang polo na ibinigay sa akin. Halos lumagpas din ang manggas nito sa aking mga kamay
Isinara ko ang butones noon. Nang maisara ko ang anim na butones ay sinimulan kong hubarin ang shorts na suot ko
Nakita ko ang kaputian ng aking hita. Ang laylayan ng polo ay natatakpan ang aking maselan na parte. Ngunit ang hita ko ay lantad. Medyo nakaramdam ako ng lamig dahil na rin siguro airconditioned ang room.
Tumagilid ako ng kaliwa't kanan at sinuri ang sarili. Pero nahagip ng mata ko ang repleksyon ng lalaki. Nasa labas lamang siya ng pintuan at nakatayo. Pinanonood ako.
Agad kong inayos ang sarili ko!
My gad. Very wrong. Kinakabahan talaga ako sa lalaking ito. Hayaan mo Keith. Kailangan mo lang tapusin ito. Saglit lang naman siguro.
Lumabas ako ng dressing room at nakita kong naghihintay ang lalaki doon. Sineset-up ang kamera.
Inutusan niya ulit akong umakyat ng maliit na stage. Sinet-up niya abg camera at ilang lights...
Binigyan niya ako ng mga pose na gagawin ko. May isang laptap ang nasa tabi ng camera.. Kita ko doon ang mga pictures. Kung ano daw ang pose ng tao sa picture, yun daw ang gawin ko. Hindi lamang ang pose pati na rin ang expression
Katulad ko ay nakapolo rin ang babaeng nasa pictures. Nakaauto play daw yun. Every 15 seconds ay lilipat ang picture.
Nagsimula kami.
Unag pose ay nakahawak ang babae sa laylayan ng polo. Bahagyang nakabuka at parang binababa niya iyon nakaharap sa kamera ng may pagkaseryoso.
Nang magawa ko ay nagclick ang camera.
"One more shot. One more serious look!"
Sinunod ko. Matapos ay pangalwang pose.
Nako ha. Ganito pala dito. Mabuti na lamang ay okay naman ang takbo.
Inilagay ko ang kamay ko sa aking batok at pinagcrossed ang legs. Yun ang nasa picture. Nakatingin iyong babae sa kaliwa na sinunod ko naman.
Pangatlo ay nakaupo ako na nakaside view sa kaliwa at nakataas ang kaliwang hita at may pagpatong ng siko sa aking tuhod. Bahagya naman akong nakangiti.
Hanggang sa makalima akong pose. Sinabi niya na good daw at maayos nasusunod ko nga maayos ang pinagagaw niya.
Pinagpalit ako ng lalaki sa dressing room. Loose shirt daw ang isuot ko. Kulay puti ang nakuha ko. Nang maisuot ay ganun ulit ang nangyari
Pero ibang pose na ulit at this time., nang maka tatlong pose ay siya nag nagdikta ng nais niyang pose.
Kasalukuyang nakaupo ako sa stage at sinabi niyang ibaba ko ang shirt na suot ko na ilabas ko daw ang braso. Ginawa ko iyon. Pero mas lalong pinabab niya pa.
Aangal sana ako ng sinabi niyang.
"Bawal ang konserbatibo sa trabahong ito bata. Tandaan mo."
Kahit labag sa kalooban ko ay ginawa ko pa rin. Trabaho lang ito Keith. Konting tiis lang.
May ilang pose pa na may pagkadaring ang pinagawa sa akin at sabi niyang break muna.. Nakakagutom din pala.
Nagpunta ako ng dressing room. Magsusuot lang ako ng shorts at balak kong bumili ng makakain sa labas. Hindi ko napansing nasa loob pala ang lalaki.
Very wrong din siya ha. Hobby ba niyang manggulat?
Nakangisi siya.
"Saan ka pupunta bata?" tanon nito at papalapit sa akin..
"Ah eh. Bi... Bibili ako sa labas ng pagkain. Ma-magpapabili k-ka ba?" wika ko ng may kaba sa dibdib ko. Umuurong naman ako habang palapit siya.
"Gusto mo ng pagkain? Mayroon ako dito... Mabubusog ka sigurado.." sabi niya ng may pagkamanyak.
Sobrang kaba na ang nararamdaman ko.
Sana pala nagback-out na ako.. My gad! Baka matuluyan na talaga ako nito sa panganib.
"Ah? May ganun bang makakain? Bibili na lang ako sa labas."
"Wag na bata. Masarap naman din ito eh.. Alam mo ba kanina pa rin ako gutom..." sabi niya sa pinakamanyak na tono!
"Hindi na kuya..."
"Sige na... Kanina pa ako nagpipigil eh. Magugustuhan mo rin to bata.."
Sobrang lapit na niya. Umisip ka ng paraan Keith. Bakit ba ang lapit ko sa mga peligro ngayon. Nakakainis na!
Sa halip na sumagot ay inihagis ko ang hawak kong shorts sa mukha niya at tinuhod ko ang harapan niya. Tumakbo ako ng pumaupo siyang nakahawak sa harapan niya.
Pero nahawakan niya ang paa ko dahilan para madapa ako.
"TULONG!"
"Dito ka lang bata! Wala ng tutulong sa'yo." sabi niya
Mabilis naman akong pumaupo at habang hawak niya ang kanang paa ko ay sinisipa ko siya! Pero hindi niya pa rin ako nabibitawan.
"Bitiwan mo ko! Ano ba! Manyak!!! Tulong!" sigaw ko.
Pero matigas talaga. Nakakita ako ng maliit na upuang plastik at kinuha iyon. Pinukpok ko sa ko sa ulo niya at kamay niya.
"MANYAK!! MANYAK!!! BITIWAN MO KO!" isang malakas na hampas ng upuan ay nakawala ang paa ko.
Nabitawan na niya ang paa ko. Agad ko namang itinayo ang sarili ko at tumakbo palabas ng dressing room.
Sumisigaw ako ng tulong kahit nawawalan ako ng pag-asang may darating...
Mali ata 'tong napasukan ko!
Bakit ba ang malas malas ko!?