Chapter 12

1927 Words
Malapit na akong makalabas nang biglang isang bisig ang pumigil sa akin! Nakapulupot iyon sa tiyan ko at walang hirap na itinulak ako pabalik. Napahiga naman ako sa kanyang pagkakahagis! Nakakainis! Tumayo agad ako para makalayo. "Hindi ka makakalabas dito bata! Mag-eenjoy ka naman eh. Wag mo ng pahirapan ang sarili mo!" Hindi siya pinansin. Naiiyak na ako. Diyos ko, bakit ba parang yung mga felikado pang kamalasan ang ibinibigay Mo sa akin? Pwede namang natapilok na lang. Nahulog sa kanal. Binusted ni crush. Yung mga ganun ba. Hindi katulad nito. Hindi naman ako babae para gahasain! Akala ko ay totoong trabaho ang napasukan ko. Pero bakit ganito? "Layuan mo ko! TULONG!!" sigaw ko. Pero naabutan na naman niya ako. Hinawakan niya ako sa magkabilang kamay at itinulak ako sa may stage! Napahiga naman ako doon at hindi kaagad nakatayo dahil pumadagan siya sa akin. Hinawakan niya ulit ang dalawa kong kamay at pinaitaas. Hindi ako makagalaw. Pumapalag ako pero hindi ko makayang makawala dahil sa bigat. "WAG KUYA! PLEASE!! TULONGGG!!!" At doon ay napaiyak na ako. "Wag ka ng pumalag... mag-eenjoy ka rin naman bata." pagsabi niya noon ay isinubsob niya ang kanyang mukha sa aking leeg... "AAHHHH!!!! WAG PO! PLEASE! MAAWA KA!" napahagulgol ako ng naramdaman kong hinahalikan niya ang leeg ko. Pinagdikit niya ang dalawa kong kamay at hinawakan niya iyon ng kanyang kaliwang kamay. Pagkatapos ay naramadaman ko ang kanyang kanang kamay na pumagapang sa aking hita at dumaan sa aking puwitan... Paitaas ng aking katawan. Hinawi niya rin ang shirt na suot ko. Napapaliyad ako dahil hindi ko gusto ang nangyayari at sinusubukan ko ng manlaban. Pero malakas siya eh. "Wag po please!! Tama na. TULONG! TULUNGAN NIYO KO!" tuloy ang pag-iyak ko.. Mukhang dininig naman ang nasa itaas ang aking paghing ng tulong. Naramdaman ko na lamang na wala na ang nakahawak sa akin. At tumilapon ang lalaki sa gilid ko. "ANONG GINAGAWA MO GAGO KA, STEVEN!" sabi ng isang lalaki. Dalawang lalaki ang ngayon ay pinagsusuntok ang nagtatangka sa akin. Napalingon ako ng bahagya at nakita kong si Jules at hindi ko makilala ang isa pa. Tumayo naman ako at tatakbo nang may pumigil na isang babae sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso. "Hey. Don't worry. I am here to help wag kang matakot." "Gusto ko ng umalis dito! Ayoko na!" hinawi ko ang kamay niya at nagsimulang tumakbo.. Pagkalabas ko ay naramdaman ko ang hangin at malamig iyon. Nakita kong umuulan. Pagtingin ko sa kanan ko ay may dalawang pulis na papunta sa room na iyon. Tumabi ako sa may pinto at pumasok ang pulis. Naghintay pa ako ng ilang saglit at nakita kong bitbit nila ang lalaki. May dugo ito sa may bandang kulay niya at bibig. Masamang nakatingin sa akin ang lalaki. "Sinuwerte ka ngayon bata! Kasalanan mo 'to." sabi niya. Talagang sinisi pa niya ako. "Gago! Bagay lang sa'yo. Pinagbigyan ka na namin, hindi ka pa nagbago!" wika ni Jules na may gigil. Binatukan pa niya ito. "Dalhin niyo na yan Manong pulis!" sabi pa ng isang lalaking hindi ko kilala. Lumapit sa akin si Jules. "I'm sorry, Keith. Hindi ko alam na mapapaaga ka ng punta. Ayos ka lang ba?" Pero sa halip na sumagot ay napaluhod ako. Itinakip ko ang dalawa kong kamay sa aking at nagsimulang umiyak. Hindi ko alam kung bakit? Dahil siguro sa sobrang stress na nararamdaman ko. Sa takot na kaninang pinaramdam sa akin ng lalaking manyak na yun. Akala ko ay matutuloy na talaga ang panganib na yun. Ano ba itong napasok ko at parang may laging kamalasan na lang ang dumarating sa akin? Pasalamat na lang at dumating sila. Kung hindi ay baka naroon pa rin ako at pinagsasamantalahan ng lalaki na yun. "Sino ba kasing may sabing pasukin mo ang ganito, ha?" ang boses na iyon. Hindi ako maaring magkamali.. Bakit siya nandito? Paano niyang nalaman ang lugar na 'to. Inalis ko ang mga kamay ko sa aking mukha at tinignan ang taong nagsalita. Nakita ko ring nakatingin si Jules at yung dalawang kasama niya. "Wayne..." mahinang sambit ko. May pagkaseryoso sa kanyang mukha. Yung tipong naiinis siya. Nakakunot ang noo at mga tingin na animo'y nagagalit. "Akala mo naman sisikat ka walang kwentang pictorial na ito. See? That's what happened. Wag mong taasan ang pangarap mo." Tama simula ng lahat ng araw na iyon... Puro na lamang problema ang nasa isip ko. Nang dumating si Wayne, doon nagsimula lahat ng kamalasan ko. Tumayo ako at tumakbo. Nilagpasan ko siya. Nakakaasar. Ang sakit niya magsalita! Anong akala niya sa akin? Dreamer? Alam ko namang hindi ako sisikat sa ganyan eh! Ang habol ko talaga ay ang trabaho! Yun lang! Napakajudgemental talaga niya! Wala na akong pakialam kahit wala akong tsinelas. Wala na rin sa akin kung saan ako mapadpad sa pagtakbo ko. Nakalabas ako ng gusali at tinignan ang malakas na buhos ng ulan. Bahala na. Wala na rin kung maligo ako sa ulan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala na akong pakialam kung saan ako makarating! Basta gusto ko lang lumayo, lumayo sa taong malas sa buhay ko. Patuloy ako sa pagtakbo. Basang-basa na ako. Masakit na rin ang mga paa ko. Hindi ko na rin alam kung nasaan ako. Pero wala akong ibang makita kundi madilim na daan at ang ilaw sa mga poste. Hindi ko na alam ang lugar na ito pero bahala na. Nagulat na lamang ako ng biglang may kumapit sa braso ko at piliy na ipinaharap sa kanya. Si Wayne... Hinabol niya ako. Hinahapo siya ng makota ko siya.. Basang-basa na rin siya ng ulan. "Bitiwan mo ko!" sabi ko at pinalag ang kanyang kamay na nakakapit sa kanang braso ko. "Keith. Just a minute please... Don't run!" Hindi ko siya pinakinggan. Tatakbo na sana ako ulit ng mapigilan niya ako. Pumalag ako at sinasabing bitawan niya ako. Hidni ko naman akalaing bibitiwan niya talaga ako. Napaupo ako sa may basang kalsada.. "Bakit mo ko binitawan?" tanong ko. "You just said it, that's why I did." sabi niya. Oo nga naman Keith. Hindi kasi ako nakabalanse. Hindi na rin ata balanse ang utak ko. "NAKAKINIS KA NA TALAGANG LALAKI KA!" tumayo ako at sumugod sa kanya. "Ikaw! Malas ka talaga! Bakit ako nandoon? Bakit ko pinasok ang trabahong iyon? Tinatanong mo pa talaga? Hindi yun sa gusto kong maging sikat! Dahil sa 'yo! Dahil gusto kong makabayad sa utang ko sa 'yo! Hindi ko naman ginusto ang nangyari eh! Sino bang stupid ang gugustuhin iyon!" sabi ko at pinaghahampas ko siya sa kanyang dibdib! "Akala mo ginusto ko ang nangyari? Akala mo gusto kong makilala sa ganitong uri ng trabaho? pwes HINDI! HINDI! Alam mo simula ng dumating ka, puro kamalasan na lang lahat ng nangyayari sa akin! Sana hindi ko na lang nabunggo yang kotse mong marupok! Sana hindi mo na ako sinama sa bahay mo. Sana hindi mo na ko binigyan ng trabaho! Sana ... Sana hindi na lang nangyari lahat! Ikaw! Ikaw ang malas sa buhay ko! Arrrghhh!" Patuloy kong pinaghahampas siya sa kanyang dibdib. Ngunit parang baliwala lang lahat. "I can't remember I said you have to pay me, asap. It's your decision." sabi niyang malumanay. "So, kasalanan ko? Ganun? Gusto ko na kasing makaalis sa 'yo! Gusto ko ng matapos ang babayaran ko para makalayo na sa 'yo! Naiintindihan mo ba yun? Ha? Wala kang puso! Puro ka yabang! Pangsarili mo lamang iniisip mo! Makapagsalita ka kala mo nakakatuwa! Akala mo wala kang nasasaktan! Nakakainis ka! Ikaw ang pinakamasamang taong nakilala ko!" isa pang sigaw at humagulgol ako ng iyak! Para siyang batong hindi natatablan. Inaako lahat ng pananakit na ginagawa ko sa kanya. Alam kong mahina na lamang ang pananakit ko dahil nanghihina na rin ako. "Ikaw malas ka! Ayoko sa 'yo! Ayoko..." Napatigil ako sa kanyang ginawa. Niyakap niya ako. Naamoy ko ang kanyang pabango... Yung bango na naamoy ko noong nakita ko siyang walang damit sa kanyang kwarto. Manly scent. Hindi nakakasawang amuyin. "Sorry." Mga katagang namutawi sa kanyang bibig. Ramdam ko sa kanyang tono ang paghingi niya ng tawad. Kahit isang salita lang yun ay parang gumaan ang loob ko. Yun naman ang gusto kong marinig mula sa kanya 'di ba? Mas hinigpitan niya ang pagkayakap sa akin. Naramdaman ko ang kanyang mukha sa aking ulo. "Wag na wag mong sasabihin ulit na ayaw mo sa akin. I'm sorry, Keith." sabi niya pa ulit. Humiwalay siya pagkakayakap at nagulat ako sa ginawa niya. Binuhat niya ako sa posisyong parang bagong kasal. "I.. ibaba mo na lang ako. Kaya kong maglakad..." "You don't have slippers. I will take care of you. Magaan ka lang naman." Hindi na ako nakaangal pa. Buhat-buhat niya akong tinungo ang kanyang sasakyan. Marunong naman siyang magsorry eh. Kailangan pang aawayin. Tinignan ko siya. Hindi naman siya nakatingin sa akin. Diretso siyang nakatingin sa dinaraanan namin. Kahit basang-basa na siya ay maappeal pa rin. Kita ko ang kanyang jawline na nakakadagdag appeal sa kanya. Yung buhok niya ay bagsak. Yung ilong niya ay talagang matangos. At yung lips... Medyo pouty at mapula. Total package na sana eh. Mayaman. Gwapo. Siguradong buhay ka sa lalaking ito pero, yung ugali lang talaga niya. Kung paano siya magsalita at napaka-mean niyang tao. Ngunit kagaya nga ng una kong impression ko sa kanya, may pagkamalambot din ang puso niya. Hindi naman niya pinakikita dahil mapride siya. Napangiti ako sa naisip ko. Ewan ko. Tignan ko lamang siya, parang nawawala nyung galit ko. Sa isang salitang "Sorry." ay nadala na ako. Ramdam ko naman ang sincerity kaya nawala ang galit ko sa kanya ng kahit papaano. May something na hindi ko maipaliwanag. Ayokong itolerate ang nararamdaman ko kung iyon nga ang tawag doon.. Ang goal ko ay mkapagbayad sa kanya. At kapag nakabayad na kami... Aalis na kami ni Kristan. Siguro'y, pagnangyari yun... mawawala rin ang nararamdaman ko. "Wag na wag mong sasabihin ulit na ayaw mo sa akin." Naglaro naman ang sinabi niyang iyon sa utak ko. Mabilis kong inalis sa isipan ko iyon sa pamamagitan ng pagshook ng ulo ko. Wala yun. Walang ibig sabihin iyon. Umuulan pa rin ng makarating kami sa kanyang kotse. Binaba niya ako at pinagbuksan ng pinto sa passenger seat ng kotse niya. Pumasok ako at isinara niya ang pinto. Ilang saglit pa ay nakapasok na rin siya at umupo sa driver seat. Tinignan ko lamang siya. Ganun siguro no. Kapag gusto mo yung tao, parang gusto mo na lamang na titigan siya. Bumilis ang t***k ng puso ko sa naisip ko. Anooo?? Anong gusto? No. Hindi. Wala yun. I shook my head rapidly para mawala ang iniisip ko. "Hey! What's the problem? Wag mong iganyan ang ulo mo. Mukha kang asong nagpapatuyo." Grabe talaga siya. Inirapan ko na lamang siya at tumingin sa ibang direksyon. Muli akong tumingin ng matapos siyang mag-ayos sa kinauupuan niya. "Saan tayo pupunta?" bigla kong tanong sa kanya ng mapaandar niya ang kotse. Hindi niya ako sinagot at ngumisi lamang siya.. "Hoy! Anong ningingiti mo d'yan?" reklamo ko sa kanya. "Nothing. You sure you want to know where we will go?" tanong niya at bahagyang tumawa. "Saan nga? Sa bahay lang ha. Nilalamig na ako." Pinatakbo na niya ang kotse. Una lang ay mabagal. "Really??" tanong niya. Tumango ako. Hindi niya ako pinansin at binilisan ang takbo ng kotse. Wala naman ibang sasakyan kaming nakikita. "Well, wish not granted. Fasten your seatbelt! And get ready..." Nagtaka ako sa sinabi niya. Pero kumapit na ako sa seatbelt at pinaharurot niya ang takbo ng kotse. At sinabing... "Pupunta tayong
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD