Chapter 13

2145 Words
Noong sinabi ni Wayne na heaven... Heaven talaga ang mapupuntahan namin sa bilis niyang magpatakbo! Basa ang kalsada dahil sa ulan at maaaring isang pagkakamali ay aksidente ang mangyayari at pareho talaga kaming kukunin ni Lord at dalhin sa langit! Hindi magkandamayaw ang aking sigaw sa loob ng kotse. Wala siyang ibang ginawa kundi ang tumawa sa mga reaksyon ko! Halos mahampas-hampas ko na siya dahil sa intense ng pagpapatakbo niya. May pagkabaliw din tong lalaking ito eh. Ilang minuto lang ay nakarating kami sa isang hotel ata ito o condominium. "Wait. Nasaan tayo?" tanong ko sa kanya pagkababa namin sa kotse. Patuloy pa rin ang malakas na ulan. May isang lumapit na nakapayong kay Wayne at ibinigay ang ni Wayne ang susi sa lalaking iyon. "Sa Hotel ko. Let's go." pagyaya niya sa akin at naglakad papuntang entrance. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang sumunod sa kanya. Sa entrance pa lamang ay may sumalubong na agad sa aming staffs. Ang lamig. Inililibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng hotel dahil maganda ng may biglang humarang sa akin. Staff din iyon pero iba ang kulay ng damit sa naturang staff. Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa. Aba! Anong ibig nitong sabihin. Magsasalita na sana ako ng magsalita si Wayne. "Leave him alone. I'll take care of my babe." sabi niya Tumingin ako sa babae at itinaas pinanlakihan ko ng mata. Ha! Akala niya ha. Nagbigay daan naman ang babae. Oh ano.. akala mo ha, pagala-gala lang ako dito? Babe niya kasi ako! Wait... Ano daw?? "Babe?" kunot-noo kong tanong. "Yes babe. Let's go!"  nagsimula siyang maglakad. "Wait. Anong.." "Follow me." Napatingin ako sa mga staff doon. Nakayukong ulo ako na lumakad at sumunod kay Wayne. "Hoy. Anong babe 'yang nalalaman mo?" sabi ko ng maabutan ko siya "Nah. It's nothing. Just a way for them to leave you alone." bored niyang sabi. Okay. Ano bang iniisip mo, Keith? Totoohanin niya yun? Asadong siopao! Nagpatuloy kaming maglakad at narating namin ang elevator. May pinindot siya at nagbukas ang pinto nun. Nasa elevator na kami at ng ay pinindot si Wayne ay nagsara ang pinto nito. Pagkasara noon ay naramdaman kong parang binubuhat ako. Napakapit tuloy ako sa kanya. Napatingin siya sa akin. "Sorry.. First time ko kasi." "Relax." Tumayo ako ng tuwid. Nagrelax ako gaya ng sabi niya. Nakita ko ang reflection ko dito. Salamin ang buong elavator. Para akong basang sisiw. Magulo ang buhok at nakasuot lamang puting shirt na hanggang itaas ng tuhod ko. Ito pa yung suot ko kanina ng huli akong kunan ng pictures nung manyakis na iyon. Wala rin akong sapin sa paa. Ngunit, hanggang tumatagal ay nilalamig ako. Napapayakap din ako sa aking mga braso. At ikinikiskis ang aking palad doon para maibsan ang lamig. Kahit papa'no.a "Konting tiis na lang. Makakapagshower ka rin ng mainit sa room ko." ani ni Wayne at inakbayan niya ako. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin lamang siya sa mga numbers ng floor nitong elevator Basang basa din siya. Nakasuot siya ng v-neck shirt si Wayne na kulay pula may pagkamanipis din iyon at pants na hapit sa kanya. At dahil nga sa basa, bumakat ang katawan niya sa kanyang shirt. Dahilan para makita ang hubog ng katawan niya. Napalunok ako. My gad! Kahinaan talaga ng bakla ang abs! Hindi naman bulky ang katawan ni Wayne. Sa unang tingin ay payat pero muscled ang katawan. Parang yung nakita noong last time. Errr... Bakit parang gusto kong makita ulit yun? I shook my head. "Any problem?" tanong niya. "W-Wala.." "DING!!!" nagulat ako sa tunog na iyon dahila para mapakapit ako sa kanya. Tumawa siya ng bahagya. "Relax. It's just a ding. You're so innocent." wika niya. Bumukas ng unti-unti ang pinto. "First time nga di ba?" -- Pumasok kami sa isang kwarto. Pinauna niya ako. Puro puti at kulay mint green ang disenyo ng nasa loob. Ang lamig talaga. Nang maisara niya nag pinto ay naghubad siya agad ng damit niya. "May dalawang banyo dito. Ako doon sa isa at ikaw sa isa." itinuro niya yung kaliwa para sa akin." "May hot, warm and cold shower.. Kumpleto na rin ang mga gamit doon for bathing. Maligo ka na." Pumunta ako sa sinabi niyang bathroom. Isinara ko ang pinto. Nang makapasok ako ay namangha ako sa nakita ko. Ang laki ng room na ito. Parang mas malaki pa bahay namin sa Barangay Ilogan. My gad! Akala ko ay sa mga teleserye ko lang makikita yung ganitong bathroom. Ngayon ay nasa harap ko na. Kumpleto nga. May bath tub, at nakatabi iyon sa may bintana. Kita ng view ng siyudad... may maliit na parang room pa para sa shower na may kurtinang roses ang designs na nakatapat lang sa may bath tub. At sink na rin na may napakalinaw na salamin. May toothbrush toothpaste, basta kumpleto. Sinimulan kong hubarin ang damit na suot ko.. Itinira ko na lamang ang underwear ko. Pumasok ako sa may shower room. Tumapat ako sa shower at pipihitin ko na sana yung shower pero may dslawang pihitan doon. Tapos ay may parang switch. Isang blue at isang red na switch. Pinindot ko yung pula. At sinimulang iikot ang pihitan ng shower.. "AHH! ANG INIT ANG INIT!" sigaw ko ng maramdaman ko ang init ng tubig galing sa shower. Lumabas ako pero epic fail, nadulas pa ako. Napahataw ang pwitan ko sa sahig at napahiga ako. "Aray..." pagreklamo ko at napahawak sa aking balakang. Siya namang bukas ng pinto at iniluwa nito si Wayne. Tumakbo siya sa akin. "What happened?" tanong niya at inalalayan niya ako. "Aray! ang sakit ng bandang pwitan ko. Nadulas ako. Ang init kasi ng tubig..." "Saan? Saan masakit?" itinuro ko ang bandang pwitan ko at ginawa niya ay itinagilid ako at hinawakan ang masakit na parte! "Saan? Dito ba? Dito ba?" hawak niya ang hita ko at pataas na hinanap yung sakit. Nang lumapat ang kanyang kamay sa puwitan ko ay doon ko lamang napagtanto na... Pinipisil niya! "WAHH! LUMAYO KA! WAG MO KONG HAWAKAN!!" para bang nawala ang sakit at nakatayo ako. Pinalo palo ko siya papalayo. "Wait! I am just trying to help you! Aray! Saglit!" sabi niya at nang makalayo ay bigla siyang tumayo! Napatingin naman ako sa kanya.. Wala siyang kahit anong saplot sa katawan! Sa pangalawang pagkakataon ay nakita ko ang kanyang kahubdan!! My gad!! Yung abs! Pati yung 'anes'. My gad! Napalunok ako... Totoo ba yun? Tumingin ako sa mukha niya Saka lang ako nagising nang ngumisi siya. "LUMABAS KA!!!  MY GAD!! VERY WRONG KA TALAGA!! LABAS!" Lumabas naman siya! "Isara mo yung pinto!!!" sigaw ko pa. Isinara naan niya ito at nakahinga ako ng maluwag. My gad lang! No Keith. Wala kang nakita. Linisin mo yang nasa utak mo! Hindi yun totoo! Bakit ba kasi pumasok siya dito ng wala man lang suot? Very wrong talaga! --- Nang kumalma ako kanina ay napagpasyahan ko na lamang na sa bath tub maligo. Nilagyan ko na lamang ng liquid soap na naroon. Binuhos ko ang ilang bahagi noon at naglagay ng tubig. Malamig ang tubig pero okay na. Kaysa naman mainit. Malay ko bang mainit yun. Kinatok pa ako kanina ni Wayne at kinamusta, sabi ko okay na ako at wag siyang mag-alala! My gad! T'wing maaalala ko ang nangyari kanina ay sumasagi pa rin sa isip ko yun ano... Ano ba Keith! Erase. Erase. Natapos akong magbabad sa bath tub at pumunta sa may shower. Kanina pula yung pinindot ko, this time blue naman. Siguradong malamig na ibig sabihin noon. Bakit ba kasi hindi ko naisip yun eh. Halatang inosente! Natapos akong magshower ay nagpunas ako at nagpatuyo. Doon ko lang naalala... Anong isusuot ko? Basa ang underwear ko! Pati yung damit ko ay naiwan ko doon sa studio ni Jules. Nakakita ako ng bathrobe na kulay yellow. Yun muna ang isusuot ko. Tatanungin ko na lamang si Wayne mamaya kapag labas ko kung ano isusuot ko. Lumabas ako ng bathroom at nakita ko si Wayne nga forteng nakaupo sa may harap ng TV. Nakasuot siya ng sweat pants lamang. Exposed ang katawan niya! Pinanonood niya ay isang car racing. "Hmm. Sir..." pagtawag ko ng atensyon sa kanya. Tumingin namnan siya sa akin. "Yes.." "Ano.. Kasi.. Hmmm.." ano ba yan. Nahihiya kasi ako. "What?" "Wala kasi akong damit..." nahihiya kong pagkakasabi sa kanya. "Ohh. F*ck. Nawala rin pala sa isip ko." sabi niya. I will give you my clothes. Malaki naman sa yo iyon. At boxer. Siguro ay okay na yun sa iyo." Napatango ako.. "Siguro po Sir." Tumayo siya at pumunta sa may cabinet. Kumuha siya ng light yellow na shirt. At isang boxer brief. No choice naman din ako. Inabot niya sa akin iyon at bumalik ako sa bathroom at isinuot iyon. Nang makabihis ay nagsipilyo na rin akom pwede naman sigurong gamitin iyon eh. Kasi nasa plastic pa yun. Umupo ako sa may kama at saktong na kumulo ang tiyan ko. Malakas iyon. Nakakahiya. Alam kong narinig iyon ni Wayne. "Don't worry. Food will be served right away and we will eat to..." "Dingdong!" "Oh! I guess, that's it!" Tumayo si Wayne at binuksan ang pinto. "Tiffany??" "Hi Wayne, my baby. Someone told me that you are here. So I decided to visit you..." sabi ng babae na kung tawagin ay Tiffany. May pagyakap pa ito kay Wayne at ipinulupot pa ang kanyang dalawang braso sa leeg ni Wayne at inilipit ang mukha nito kay Wayne. "I miss you baby boy. You are so hot. Hmmm." may mapang-akit nitong  sabi at itinulak papasok si Wayne sa loob nitong room." "Wait... Mayroon akong kasama dito." pagpigil ni Wayne sa Tiffany at inalis ang kamay nito sa kanyang leeg. Lumingon-lingon naman ang babae at noong nakita niya ako... "Who are you?" may maarte nitong pagkakasabi. "H-hi?" may pag-aalinlangan kong pagbati sa kanya. "I said, sino ka? Stop that Hi hello thing." Aba! Mukhang barbie pero maldita ha! Sige subukan natin kung hanggang saan ang kaya mong Tiffany ka. "Hindi ako 'sinoka'. Iniluwal ako ng Ina ko." sabi ko dito at umayos ng upo sa kama. Napatawa ng bahagya si Wayne. "What??" "Hindi mo gets? Aral muna kasi bago landi!" sabi ko. Nakita kong nagsalubong ang kanyang dalawang kilay. "Malandi? Ako?" "Wala akong sinabing malandi... Napaghahalataan girl." "Who's that faggot? Kailan ka pa nagpapasok ng bakla dito?"  gigil na tanong ni Tiffany kay Wayne. "He's just my friend." walang pag-iisip ta agad agad na sabi ni Wayne. Friend. Okay. Iba rin ang lalaking 'to eh. Ewan ko ba pero... parang may kumurot sa puso ko. "I just want that 'gay' out of here!" may pagpunto sa salitang gay at pagturo sa akin ni Tiffany. "But..." "I. Don't. Want. To. See. That. Gay. Here. Understand?" pinanlakihan niya ng mata si Wayne habang sinasabi ang mga salitang iyon. Walang nagawa si Wayne kung hindi ang sumunod. Siguro ay girlfriend niya iyon. Under pala siya eh. Napatungo ako noong may kinausap si Wayne sa telepono na nasa kwarto. Ewan ko nalulungkot lang ako. Hindi ko rin alam kung bakit. Dahil ba sa babaeng iyon? O dahil ba kapag nagiging okay kami ay saglit lang iyon? Yung tipong parang pinipigilan na tumagal pa iyon! Ang alam kong sumunod na nangyari ay may sumundo sa akin. Yung kaninang lalaking nakapayong at pinag-abutan niya ng susi niya. Hindi ko na nga alam kung paano ako napunta dito sa kotse. Basta't ang alam ko ay nakatingin lang ako at pinanonood ang mga tubig ulan sa bintana ng kotse habang nag-uunahang tumulo iyon. Umuulan pa rin. Andaming naglalaro sa isipan ko. Nakakalungkot lang. Pero wala naman akong magagawa eh. Ilang buntong-hininga na ba ang hinawa ko dito sa loob ng kotse. Nasa isip ko pa rin si Wayne. Ano na kayang ginagawa nila doon? Well, ano nga bang ginagawa kapag nasa loob ng isang kwarto ang magkasintahan? Alam na. Bakit kaya ganun? Parang kaunti lamang ang panahong ibinibigay sa amin ni Wayne kapag magkasama? Noong una ko siyang nakita, oo at humanga ako sa kanya. Parang nawalan ng appeal sa akin noong nagsusungit na siya, nagiging moody na siya. Pero gusto ko pa siyang makilala. Gusto ko pang malaman kung sino siya. Gusto kong makilala at makasama si Wayne. Pero mukhang ayaw naman ibigay ng tadhana. Siguro ganun talaga. Baka ang role ko lang talaga sa buhay niya ay magbayad ng nasira ko at tapos na... "Wag na wag mong sasabihin ulit na ayaw mo sa akin." Wala naman sigurong ibig sabihin ng binitiwan niya yun. Siguro, may pagkakataong ayaw ko sa kanya. Lalo na nung nangyari kanina. Subalit noong una ko siyang nakita at sinabi niyang tutulungan niya pa akong magbayad, akala ko ay mabait siya. Akala ko ay sakaling maging maganda ang samahan namin... Akala ko magiging okay ang lahat. Akala ko ay maaring may humigit pa doon... Pero siguro, akala ko lang lahat ng 'yon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD