"Kuya, kailan po ulit tayo babalik dito sa bahay natin?" tanong sa akin ng Kristan.
Bumalik kasi kami sa Barangay Ilogan. Kagaya ng sinabi ko noong nakaraang gabi, dapat akong makabalik dito. Para makuha yung ilang gamit namin.
Buti naman at hindi ito pinasok ng kung sino man. Sabi kasi ni Mang Karding ay siya mismo ang nagkandado ng bahay namin ng mapansing isang linggo na kaming hindi umuuwi. Akala nga nila ay napaano na kami.
Laking pasasalamat nila at nakabalik kami ng ligtas at nagpakita sa kanila.
"Malapit na rin tayo bumalik dito. Hayaan mo, kapag tapos na ang problema natin kay Sir Wayne, babalik tayo dito at magiging tahimik din tayo. Okay ba yun?"
"Okay pero sana Kuya, malapit na yun. Isang buwan na lang magpapasukan na ulit." sabi ni Kristan habang nag-aayos ng mga damit.
Oo nga pala. Bakit ba nawala sa isip ko yun? Parang ang daming nangyari sa loob ng isang buwan na paninirahan namin kila Wayne.
"Oo. Alam ko yun, Kris. Pero wag kang mag-alala ha. Pwede naman siguro na kahit naroon pa tayo, pwede kang pumasok pa rin. Ihahatid na lang kita at susunduin kung ganoon man."
"Talaga? Yey! Pwede pala eh. Pero alam mo Kuya, parang gusto ko na nga doon. Kasi, alam mo ang bait sa akin ni Nay Karing tapos yung iba pang mga yaya dun. Tapos andami kong natutunan. Namimiss ko yung buhay natin dito pero siguro naman Kuya, kahit bumalik dito, pwede ko naman dalawin sila Nay Karing doon di ba? Tapos si Kuya Liro, andaming binibigay sa aking laruan at damit. Tapos lagi akong busog! Tapos may kalaro pala ako doon si Prince. Ambait niya sa akin."
Sa mga sinabi ni Kristan, ramdam kong napahamal na siya doon. Medyo nagkalaman nga ang katawan niya. Hindi katulad noon na payat. Malaki ang pagbabago ni Kristan. Natutuwa nga ako at hindi na siya nagiging pasaway.
"Sino naman si Prince? " tanong ko sa kanya.
Tumigil siya sa pag-aayos at pumaharap sa akin.
"Yung pinsan nila Kuya Liro. Hindi mo kasi naabutan yun Kuya, eh. Pero kalaro ko lagi iyon. Tinuruan akong umakyat ng puno tapos marami din siyang kotse tapos mayroon pang mga video games. Kaya kung aalis tayo dun mamimiss ko sila. Hindi lang yun, pati baka hindi na kami magkita."
Kitang-kita ko sa mga mata ni Kristan ang saya at tuwa. Ngayon ko lang siya nakitang ganoon. Kahit na sinabi niyang okay lang siya dito na ganito sa ang buhay namin alam kong hinihiling niya na umunlad kami.
Hindi naman mahirap pakiusapan ang aking kapatid. Madali din naman siyang umintindi ng mga bagay-bagay. Kaya alam kong sa likod ng mga sayang iyon, nalulungkot din siya. At ngayong naranasan niya ang ibang pamumuhay, alam kong malulungkot siya kapag nawala iyon.
Napangiti ako sa sinabi niya, ngunit kasabay noon ang pagkalungkot ng aking nadarama. Parang ang lakas ng dating at ang lakas ng epekto sa aming magkapatid ang pagdating sa amin nila Wayne.
Sa isang buwan na lumipas, parang taon ang nagdaan. Ang bilis ng araw, ang bilis ng mga pangyayari.
"Ay sus.. Halika nga dito.." lumapit siya sa akin. Binuhat ko siya at pinaupo ko siya sa aking hita. Kahit na siyam na taong gulang na siya ay maliit pa rin siya at napakagaan.
"Oo naman gagala tayo doon kung sakaling bumalik tayo. Alam kong magtatampo ka kapag hindi tayo dumalaw sa kanila. Yun nga lang dapat lagi kang magpakabait, okay?"
"Oo naman Kuya! Lagi naman akong mabait eh. Pero si Wayne kaya kailan magiging mabait no? Lagi ka na lang niya pinaiiyak. Pag nakita ko talaga yun susuntukin ko yun!"
Napatigil ako saglit. Nakita niya ako kagabi na may tulo ng luha ang mga mata ko. Nang makauwi ako kagabi sa house of maids, dumeretso ako sa kama na hinihigaan ko. Magkahiwalay kasi kami ng kama ni Kristan. Malakas ang ulan noon at dahil sa ingay ay hindi ako makatulog.
Umupo ako sa aking kama at nakatanaw sa bintana. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ang nararamdaman ko kagabi. Basta ang alam ko lang malungkot ako. Iniisip ang mga bagay-bagay lalo na ang nangyari kahapon.
Si Wayne lang ang nasa isip ko no'n. Ganun ba talaga siya? Minsan mabait, minsan moody, minsan magagalit na lang ng parang ewan at kahit parang ganoon siya ay parang mas gusto ko pa siyang makilala pa.
Idagdag pa ang masasakit na salita niya at biglang magbabago at pagkatapos ay bigla ulit mawawalan ng pakialam sa'yo. Yung kagabi na pinaalis niya ako at pinasundo sa driver niya, iniisip kong tawagan niya ulit ang driver niya at pabalikin doon. O kaya naman ay habulin niya at pigilin na huwag ng umuwi at makasama doon.
Pero wala. Nakarating akong walang Wayne na nakita. May kirot sa puso ko pero, alam kong hindi ko dapat maramdaman iyon.
Nagising na lamang ang diwa ko no'n ng biglang may tumapik sa akin at si Kristan 'yon. Tinanong niya ako kung bakit ako naiyak.
Doon ko lamang napansin na may luha palang pumatak sa aking mga mata. Hindi ako sumagot at niyakap na lamang siya. Tinanong pa niya ako kung si Wayne ang sabi ko. Sabi ko na lamang ay hindi. Niyaya ko na lamang ang kapatid kong matulog.
"Hayaan mo na yung tao, okay. Hindi naman niya ako pinaiiyak eh. Ikaw talaga." sabi ko at ginulo ang buhok niya.
"Basta sabihin mo sa 'kin kapag pinaiyak ka niya ha. Ako gaganti dun."
Hindi na ako kumibo. Sinabi ko na lamang na tapusin ang ginagawa niya.
"BESHIE!!" Boses ni Ariola at kasabay noon ang pagbukas ng pinto namin! May hawak siyang parang libro o magazine ata iyon.
"Ano ba yan Ate Ariola! Nakakabingi naman ang boses mo. Hindi naman bundok ang pagitan niyo." pagrereklamo ni Kristan.
"Mamaya ka na magreklamo! Long time no see friendship! Saan ba kayo nanggaling?" tanong niya at nagbeso-beso siya sa akin.
"Nako, mahabang kwento. Let say nagtatrabaho na rin ako..." sabi ko.
"Wow. Saan naman? Oo nga pala hindi ka na tumuloy doon sa fast food! Sayang! Pero I know, maganda naman din ang trabaho na nakuha mo 'no, friend.."
Napatahimik ako pero ayokong magduda ang kaibigan ko. Kung alam lang niya.
"Okay naman. Siguro ay sapat na para sa aming dalawa ni Kristan ang kikitain. Basta mahabang kwento. Buti napadaan ka! Teka ano ba yang dala mo??"
"Yes, sadya ko talagang dumaan dito! At buti naisipan mong magbalik dito sa bahay niyo. Yang kwento mo, hahaba pa yan dahil kailangan mong ipaliwanag sa akin ito..." wika niya at itinapat niya sa mukha ko ang kanyang hawak. Isang manipis na magazine iyon at nanlaki na lamang ang mata ko na naroon ang mukha ko!
Kinuha ko naman sa kanya iyon at tinitigang mabuti. Ito yung kuha ata kahapon. Eto yung may suot ako ng polo at nakaupong kinukuhaan ng pictures ng lalaking iyon. Agad na naipublish? Pero paano? Ang bilis.
"Wait.. 'Rising of a New Model' Keith is the name and new trends will be on play..." pagbabasa ko. Yun ang nakasulat sa ibaba ng picture ko. Hindi naman ako yung cover. Asa naman. Basta may part ng magazine kung nasaan yung picture ko kahapon. Medyo proud ako sa sarili ko dito. Very right angle ang kuha!
"Wow, Kuya, ikaw ba yan? Nagmomodel ka na pala kuya!"
"Paanong nandiyan iyan? Kahapon lang iyang pictures na yan. Hindi ko alam na mailalagay pala yan d'yan. Saan mo ito nakuha?" tanong ko kay Ariola.
"Doon sa kaworkmate ko! Kanina ko lang yan nakita rin. Bagong labas daw yang magazine na iyan kagabi! Turn mo doon sa page 10! Nandoon ka rin."
Sinunod ko naman ang sabi ni Ariola. At pagbuklat ko ng pahinang iyon...
"Wow!" hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Yung mga pictures na to. Eto na ba yung kahapon kong ga pictures? Grabe.. Very kabog ako dito ha.
"Ang sabi diyan, viral yan sa social media ngayon! Pinaghahanap ka na! Baka tokhangin ka!" sabi niya at tumawa.
"Gaga. Pero anong viral? Bakit ako pinaghahanap? Nino? Ng ano?"
"Magbasa ka kasi beshiee!! Sabi diyan, minadali nila ng print yan dahil maraming natuwa sa pictures mo. Baka nga yung kumuha sa iyo ang nagkalat niyan eh. Pati, kung titignan mo malaki ang potential mo friend. Kaya pinaghahanap ka na nila ngayon pa lang.. dahil gusto ka nilang mainterview at maraming gustong kumuha sa iyo para magmodel! Di ba? Instant fame! Sabi ko sa'yo eh, uunlad ka rin!"
Si Jules... baka sila ang nagkalat ng mga litrato ko. Kaya pala natutuwa siya ng kinukuhaan niya ako noong una naminng pagkikita. May ilan din ditong pictures na galing noong araw na iyon.
"Ha?" hindi ko makapaniwalang tanong. "Kukunin ako para magmodel? Nako! Nagpapatawa naman ata itong magazine na ito eh. Imposible naman yun. Ang pangit ko kaya oh..." itinuro ang mukha ko at tumawa.
Sinarado ko ang magazine. Nako. Imposible. Very wrong yang balitang yan ha. Baka nananaginip lang ako. Kinurot ko ang sarili ko at hindi nga panaginip ang araw na ito.
"Don't deny it beshieee! Ikaw ha. Yan pala ang papasukin mong trabaho, sana sinabay mo ko para pareho tayong magpopopose duon. Pak ganere! Pak ganern!" sambit niya at nagpopose ng kung anu-ano.
"Imposible yan. Pati hindi yan ang trabaho ko. Isang restobar yun friend. Kaya hindi ako yan. Baka kakambal ko yan." sabi ko.
Kinuha sa akin ni Ariola ang magazine. Sinabi niya sa akin na malay ko ba daw kung iyon na yung sagot para umahon kami. Ngunit di niya alam ang nangyari sa akin kahapon. Muntikan na akong mapagsamantalahan. Hindi ko na lang sasabihin. Ayoko naman ding mapag-usapan.
"Pinaalam ko lang naman sa'yo Keith. Pero bonggalicious step ka dito. Ang ganda ng pictures oh. Pak na pak ang ganda ganern!"
"Nako. Makakalimutan din nila yan. Hindi naman din sikat ang kumuha niyan eh. Kaya pagkatapos siguro ng araw na ito wala na yan. Pustahan pa tayo!"
"Pero what if kung may makakilala sa'yo? Imposible namang hindi kakalat ito. Lalo na sa mga fashion company. Malaki rin ang kita dun bakla! Kaya go push ka na!"
"Nako. Mas okay na yung simple lang 'no. Pati hindi ko naman balak pasukin yan. Kung mayroon akong malaking pangangailangan, push lang..." saglit akong napatigil.
"Yun na nga Besh! Hindi ba pangangailangan yun? Ibig kong sabihin, marami kayong pangangailangan ni Kristan. Tulad ng pag-aaral niya, pag-aaral mo. Pati yung sinasabi mo sa akin noong gusto mong umangat at maging masagana kayo ni Kristan. Isipin mo rin Keith, kung dito magsisimula yung pagbangon mo mula sa hirap, wag mo ng pakawalan pa! Yun nga lang pumili ka dapat ng alam mong safe ka. Grab mo na yan besh! Go lang ng go parang globe ganern!" mahabang paliwanag ni Ariola sa akin
Kung sabay ay tama siya. Ngunit, nandoon pa rin ang pangamba kong mangyari ulit ang nangyari sa akin. Baka sa susunod ay wala ng dumating para iligtas ako. Tama pipili naman ako kung sakali eh. Ewan ko, masyado pa akong naguguluhan. Eto na kaya yung swerte? Baka totoo naman at ito na yung way ko para makabayad agad kay Wayne. After noon pwede ko ng iwan ulit at maging payak yung buhay namin ni Kristan. Ngunit, ayoko munang magdesisyon at magpadalos-dalos.
"Ewan ko lang friend. Bahala na kung ano ang mangyayari. Ayoko lang kasi mag-assume na totoo yan. Saka na lang kapag may nakakilala sa akin at pinakita sa akin yan, bukod sa 'yo."
Napabuntong-hininga siya.
"Okay friend. Pero sayang naman kasi. Nasa sa 'yo pa naman din ang desisyon. Isang payo na lang. Grab mo na ito. Wala naman mawawala kung susubukan mo."
Tumango na lamang ako. Hindi naman din nagtagal pa si Ariola at sabi niya ay aalis din siya dahil baka hinahanap siya. Konting kwentuhan lang naman din ang nangyari at hindi na namin pinag-usapan ang kaninang nasa magazine. Naiwan pa nga niya ito sa akin.
Nang maiayos namin ni Kristan ang ilang damit at gamit namin ay nilisan ulit namin ang bahay namin sa Barangay Ilogan. Babalik naman kami ulit doon kapag naging okay na ang lahat, kapag wala na kaming atraso kay Wayne.
Kasalanan din kasi ng Junkie's Squad eh. Buti naman at hindi na namin sila nakita sa Barangay Ilogan. Baka busy silang mangalakal dahil wala na silang kahati. Nagpaalam din ako kay Mang Karding. Sinabi ko rin babalik din kami.
Pagdating namin sa house of maids ay sinalubong kami ni Nay Karing. Maggagabi na rin kami ng makarating. Hindi naman mabigat ang dala namin at sinabi ko kay Kristan na mahalaga lang ang kunin niya.
Pagpasok pa lamang namin ay hindi namin alam na may kasunod pala kami.
"Ma'am Jaira! Kayo po pala. Napadaan po kayo." sabi ni Nay Karing.
Lumingon ako at nakita ang malaanghel na babae sa aking likuran. Mukha siyang modelo dahil sa hubog ng katawan at sa suot niyang white blouse at jeans. May pagkakahawig siya kay Wayne at napakaganda niya talaga. Maliit ang kanyang mukha pouty ang lips at sakto lamang ang tangos ng ilong. Maganda rin ang kanyang mga mata na may makapal n pilik mata at ang buhok nito ay kulot sa bandang dulo. May bag siyang dala. Yung shoulder bag na pangsosyal. Kulay pula iyon.
"Kakamustahin ko lamang po kayo Nay. Napadaan lang po ako sa bahay dahil kay Mom at Dad. Pati na rin sa mga kapatid ko. Wala kasi si Wayne. Nagbakasakali akong nandito siya." sabi ng babaeng nagngangalang Jaira. May pagkamahinhin siya subalit may awra sa kanyang may pagkamatapang.
"Sorry po, Mam. Wala po siya dito. Buong araw po siyang wala sa bahay at hindi pa umuuwi mula kagabi. Mukhang nanatili po siya sa hotel ninyo." sagot ni Nay Karing.
"I see. Well, pupuntahan ko na lamang siya doon."
Pagkasabi niya nun ay napatingin siya sa akin.
"At sino naman siya Nay. Bago ba siya dito?"
"Opo, Mam. Sa katunayan eh nagtatrabaho po siya kay Sir Wayne sa restobar."
"Hmm.. Pero, parang familiar ka sa akin. What is your name cutie?" tanong niya sa akin.
"Ah. Ako po? Keith po. Keith Lawrence."
"Keith. I'm sure na familiar ka sa akin. Nagkita na ba tayo?"
"Ah. Hindi pa po. Ngayon ko nga lang po kayo nakita at nakilala eh. Magandang gabi po pala Mam."
"Oh! Wait. I remember na kung saan kita nakita..."
May kinuha siya sa kanyang bag. Isang magazine. Parang katulad na magazine na pinakita sa akin ni Ariola!
Binuklat niya iyon at tumigil. Matamang tinignan niya ako.
"I can't be wrong. Is this you?"
Kagaya ng ginawa ni Ariola kanina, iniharap niya sa akin ang magazine na puno ng mga litrato ko kahapon ko sa dalawang pages ng magazine.
"Ah. Eh..." hindi ko alam ang isasagot ko.
"Am I right? This is you!"